Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36
Interaksiyonal, Personal, at
Imahinatibong Tungkulin ng Wika
Kolektibong Kuwento • Isagawa ang mga sumusunod na hakbang para sa Gawain ng kolektibong pagkukuwento. • Maging aktibo sa pakikinig sa dikta ng guro upang ang buong pangkat ay makabuo ng makabuluhan at interesanteng kuwento: Kolektibong Kuwento 1. Maghanda ng isang buong papel na magsisilbing sulatan para sa pagbuo ng kolektibong kuwento. 2. Lumikha ng bilog ang bawat pangkat na binubuo ng limang kasapi. 3. Isusulat ng estudyanteng may-ari ng papel ang simula ng kuwento at iikot nang clockwise ang nasabing papel para maituloy ng mga kaklase ang kuwentong gusto nilang idugtong. Hintayin ang hudyat ng guro sa bawat bahagi ng kuwento. Kolektibong Kuwento 4. Bibigyan ng dalawang minuto ang bawat miyembro para maisulat ang karugtona kuwento hanggang sa makapagsulat ang huling miyembro sa bawat grupo. 5. Ididikta ng guro ang bawat bahagi ng kuwento na magsisilbing gabay ng mga mag-aaral sa susundang daloy ng pagkukuwento. Kolektibong Kuwento • Tanong: • Ano-anong uri ng interaksiyon ang nabuo sa inyong kuwento? • Aling ang mga pahayag na nagpapakita ng personal na saloobin o damdamin? • Maituturing mo bang malikhain ang inyong nabuong kolektibong kuwento? • Ipaliwanag ang iyong sagot. Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod: • Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong tungkulin ng wika na nakatuon sa interaksiyonal, personal at imahinatibo; • Napag-iiba ang mga tungkulin ng wika na interaksiyonal, personal, imahinatibo; • Natutukoy ang mga tungkulin ng wika na interaksiyonal, personal, at imahinatibo sa pinanood na indie film; • Naiuugnay ang interaksiyonal, personal, at imahinatibong tungkulin ng wika sa pinanood na indie film; at • Nakapagsasagawa ng dyadic na talakayan ukol sa tungkulin ng wika sa pinanood na indie film. Interaksiyonal, Personal at Imahinatibong Tungkulin ng Wika • Ang wika ay isang moda ng pag-uugali at hindi isang purong elementong pragmatika. • May panlipunang papel na ginagampanan ang wika upang maglinaw ng kahulugan batay sa mga aktuwal na sitwasyon at natural na tungkulin nito upang tumugon sa mga tiyak na layunin at panlipunang konteksto. Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika • Kapag nagbubukas ng interaksiyon o humuhubog ng panlipunang ugnayan, ang wika ay may interaksiyonal na tungkulin. • Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag- ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapuwa sa paligid. Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika • Ang “ako” at “ikaw” na tungkulin ng wika ay lumilikha ng mga panlipunang ekspresyon at pagbati upang bumuo ng interaksiyon at palakasin ang layuning makipagkapuwa gaya ng “Mahal kita,” “Kamusta?” “Nanay,” at “Mabuhay.” Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika • Mabisang matatamo ang mahusay na interaksiyon sa pamamagitan ng estratehiyang interaksiyonal gaya ng paggamit ng mga katangiang di gumagamit ng salita, tulad ng • kilos, • tuon ng mata, at • pagwiwika ng katawan (mga muwestra o galaw ng kamay, pagkiling-killing ng ulo, at iba pang mga kilos). Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika • Gayundin, nagpapatuloy ang epektibong interaksiyon kung paiba-iba ang • ekspresyon, • tono, at • intonasyon na nagpapahiwatig ng interes sa pakikipag- usap. Interaksiyonal na Tungkulin ng Wika • Halimbawa: • Pormularyong Panlipunan • Pangungumusta • Pagpapalitan ng biro • Kumusta ka na aking kaibigan? • Maligayang Kaarawan Personal na Tungkulin ng Wika • Nagsisilbing gampanin naman ng Personal na tungkulin ng wika ang palakasin ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibiduwal. • Ginagamit ng isang tao ang wikang personal upang ipahayag ang kaniyang mga personal na • preperensiya, • saloobin, at • pagkakakilanlan. Personal na Tungkulin ng Wika • Ang Personal na sulatin ay informal, walang tiyak na balangkas at pansarili. • Ito ang pinakagamit na uri ng sulatin sa mga mag-aaral dahil nagagawa nilang iugnay anumang paniniwala, pag-iisip, o di kaya’y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili. • Mga halimbawa: Shopping o Groseri List, Tala, Diary, Dyornal, Dayalog, Liham, Mensahe, Pagbati. Personal na Tungkulin ng Wika • Halimbawa: • Shopping o Groseri List • Tala • Diary • Dyornal • Dayalog • Liham • Mensahe • Pagbati. Personal na Tungkulin ng Wika • Halimbawa: • Porma/Di-Pormal na Talakayan • Liham sa Patnugot • Sang-ayon ako na idaos ang ating retreat • Ikaw ang talagang tumatanglaw sa aking bawat madilim na gabi • Nakakabahala ang artikulong inilathala ninyo sa nakaraang isyu ng inyong pahayagan. Imahinatibong Tungkulin ng Wika • Mahalaga naman ang imahinatibong tungkulin ng wika upang ipahayag ang • imahinasyon at haraya, • maging mapaglaro sa gamit ng mga salita, • lumikha ng bagong kapaligiran ng tayutay at • iba pang estratehiya upang matupad ang layon ng makapang-akit ng komunikasyon. Imahinatibong Tungkulin ng Wika • Ang paglikha ng mga popular na pick-up lines halimbawa ay nagpapakita ng malikhaing gamit ng wika upang magpatalas ng isang ipinahihiwatig na kahulugan at damdamin. • Halimbawa: • “Password ka ba? – Di kasi kita makalimutan.” • “Papupulis kita! – Ninakaw mo kasi ang puso ko.” Imahinatibong Tungkulin ng Wika • Halimbawa: • Pagsasalaysay • Paglalarawan • Akdang pampanitikan Pagsubok: • Suriin ang mga sumusunod na tag line batay sa ginamit na tungkulin ng wika (interaksiyonal, personal, at imahinatibo) at ipaliwanag ang iyong sagot. • Limitahan ang paliwanag sa dalawa hanggang tatlong pangungusap. • (Limang puntos bawat isa.) Pagsubok: 1. FACEFOOD Like ko ‘to
Paliwanag: _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ Pagsubok: 3. TV 45 Kasama Ka!
Tungkulin ng wika: _____________________
Paliwanag: _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ Pagsubok: 4. Bongga ka Lhai! Parlor ng mga Sikat!
Tungkulin ng wika: _____________________
Paliwanag: _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ Pagsusuri sa Wika ng Indie Film: • Mauunawaan lamang ang iba’t ibang tungkulin ng wika na tinalakay natin kung susuriin ito sa isang partikular na panlipunang konteksto. Pagsusuri sa Wika ng Indie Film: • Sa pamamagitan ng pagsusuri sa gamit ng wika sa isang indie film, mahalagang tukuyin at tayain sa pagsusuri ang mga aspektong nakatuon sa uri ng • wikang ginamit, • layunin sa paggamit, • mga tungkulin ng wika (pokus sa interaksiyonal, personal, at imahinatibo), at • bisa sa paglikha ng panlipunang ugnayan at pagtupad sa tunguhin ng midyum. Pagsusuri sa Wika ng Indie Film: • Maaaring gumamit ng pelikulang may ganap na haba, maikling pelikula, o paskel na pampelikula (movie poster). • Maaaring pumili sa mga sumusunod na pagmumulan ng pagsusuri sa wika ng pelikulang indie: a. Pelikulang May Ganap na Haba: Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros (2005) Aureus Solito Tribu (2008) Jim Libiran Mga Munting Tinig (2002) Gil Portes Pagsusuri sa Wika ng Indie Film: b. Maikling Pelikula: Faculty (2010) Jerrold Tarog Pangarap ko sa Pilipinas (2014) Pinoy Media Center Good News (2007) Isabella Matutina c. Paskel Pampelikula: 1st ko si 3rd (2014) Ekstra (2014) Muli (2010) Narito ang panukalang pormat sa mga sumusunod: a. Pelikulang May Ganap na Haba – 700-1000 na salita, gumamit ng font na Arial 12 at 1.5 na espasyo. b. Maikling Pelikula – 500-700 na salita, gumamit ng font na Arial 12 at 1.5 na espasyo. c. Paskel Pampelikula (Movie Poster) – 300-500 na salita, gumamit ng font na Arial 12 at 1.5 na espasyo. Narito ang panukalang pormat sa mga sumusunod: • Ilagay sa maikling bond paper ang isusulat na pagsusuri. • Pumili lamang ng isang indie film, maikling pelikula, o paskel na magsisilbing batayan sa pagsusuri. Narito ang panukalang pormat sa mga sumusunod: • Kailangang taglayin sa sulatin ang mga nabanggit na aspekto ng pagsusuri • uri ng wika, • layunin, • tungkulin ng wika, at • bisa ng midyum Narito ang panukalang pormat sa mga sumusunod: • Tatayain ang pagsusuri batay sa mga pamantayan ng nilalaman, • paraan ng pagsulat, • epektibong gamit ng wika, at • pormat. Pamantayan sa Pagsusuri sa Tungkulin ng Wika sa Indie Film/Maikling Pelikula/Paskel Pampelikula Panukatan Deskripsiyon 5 4 3 2 1 Nilalaman • Nakatugon sa layunin ng pagsusuri • Malinaw at wastong nasusuri ang mahahalagang aspekto ng pagsusuri • Matibay sa paglalatag ng mga ebidensiya upang patunayan ang mahahalagang konsepto/prinsipyo sa mga tiyak na aspekto ng pagsusuri sa tungkulin ng wika na ginamit sa indie film Pamantayan sa Pagsusuri sa Tungkulin ng Wika sa Indie Film/Maikling Pelikula/Paskel Pampelikula Panukatan Deskripsiyon 5 4 3 2 1 Paraan ng • May interesanteng pamagat Pagsulat • Maaayos ang komposisyon sa gabay ng balangkas na nakabatay sa mahahalagang aspekto ng pagsusuri • Umaakit ng interes ang umpisa, nahihikayat ang patuloy na pagbasa hanggang dulo • May estilo ang pagsusuri na madaling mauunawaan ng karaniwang mambabasa • May masistema at lohikal na daloy ng pagtalakay Pamantayan sa Pagsusuri sa Tungkulin ng Wika sa Indie Film/Maikling Pelikula/Paskel Pampelikula Panukatan Deskripsiyon 5 4 3 2 1 Epektibon • Walang pagkakamaling gramatika at g Gamit ng tipograpikal Wika • Mahusay ang pagpili ng salita at bokabularyong angkop sa iskolarling pagsusuri Pormat • Tumutugon sa limitasyong salita • Teknikalidad (Arial, 12, 1.5 na espasyo, maikling bond paper) KABUUAN Katumbas ng Iskor: 4.20 – 5.00 – Napakahusay ng paglalapat ng lahat ng pamantayan 3.40 – 4.19 – mahusay ang paglalapat ng lahat ng pamantayan 2.60 – 3.39 – Hindi gaanong mahusay ang lahat ng pamantayan 1.80 – 2.59 – Halos hindi nailapat ang karamihan ng mga pamantayan 1.00 – 1.79 – Hindi nailapat ang mga pamantayan