Presentation Kom Fil
Presentation Kom Fil
Presentation Kom Fil
Ang Improbisasyon sa
Pagtuturo
ni: GLECY C. ATIENZA
ANG
IMPROBISASY
ON: LAPIT AT
PANANAW SA
Bawat pangyayari ay matamang sinisimsim
upang makalikha ng mga sitwasyon o kalagayang
maihahain mula sa isang bagong karanasan.
Samantalang bukas sa mga bagong ideya, naroon
pa rin ang balangkas ng kaayusan na maaring
gawing gabay. At dahil may pagsasaalang-alang sa
malawak na partisipasyon, hindi maiwasan ang
paglalagay sa interes ng estudyante o learner
bilang tampok na konsiderasyon. Pangunahin ito
pagkat naka-angkla sa malawak na partisipasyon
ng mag-aaral ang pagsukat ng angkupan at
panahong kailangan upang maipatupad ang
pagbabago.
Sa improbisasyon, ang susi ay ang
pagkilala sa pulso ng estudyante at ng
kalagayang umiiral, ang pagsapol sa
pangangailangan ng kalagayang ito at
ang paglikha ng bagong karanasan
maihahain bilang karanasan ng
pagkatuto. Samakatuwid, ang bagong
pagsipat ay batay sa masusing pag-
aaral ng kondisyong umiiral at ang pag-
alok ng mga alternatibo karanasan.
IMPROBISASYO
N AT MGA ANYO
NG
PAMAMAHAYAG
Ano ang mga popular na anyo ng
pamamahayag na ginagamit at pamilyar?
Awareness—karugtong na gawain
higit na magpapalalim sa naunang
nabuksang paksa
Exploration—karugtong na gawain na
nasa ibang anyo na magpapalawig pang
lalo sa paksa
Application—paglalapat ng konseptong
natutunan sa pag-aaral ng isang kaugnay na
larangan upang tiyakin ang katumpakan ng
konsepto o upang ibalida ito.4
- Bahagi rin nito ang paghahanda ng mga teaching
materials na interaktibo ang katangian tulad ng mga
laro, exposure trips, interview, observation trips,
powerpoint presentations, manila paper drawings,
overhead materials, video, maskara, picture frames,
costumes, classroom venues at iba pang
kagamitang makapupukaw sa pagdanas at pag-iisip
ng estudyante.
…….Kung ibabatay natin ito sa konsepto ng adult
education o andragogy , higit na nakapag-iiwan ng
bakas ng pagkatuto ang prosesong kinalalahukan ng
aktibo ng isang nag-aaral kaysa yaong nababasa
lamang.
-Kaiba sa konsepto ng pedagogy o
pedagohiya, na ang lapit ay may pagturing
sa nag-aaral bilang nakababatang kalahok
sa proseso ng pagkatuto .