Karunungang Bayan
Karunungang Bayan
Karunungang Bayan
Filipino 8
KARUNUNGANG-BAYAN
Luha ng buwaya
Balitang kutsero
Balat-sibuyas
Di-makabasag pinggan
Naniningalang pugad
Kasabihan
Ang mga kasabihan noong unang panahon ay yaong
ipinalalagay na ang mga sabihin ng mga bata at
matatanda na katumbas ng mga tinatawag na Mother
Goose Rhymes. Ang kasabihan ay karaniwang
ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang
tao.
Halimbawa
● Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan
● Titingkad ang iyong kagandahan, kung maganda rin
ang iyong kalooban.
● Ang masipag sa buhay, umaani ng tagumpay.
● Huwag mong hatulan ang isang aklat, sa pamamagitan
ng kanyang pabalat.
● Ang anak na magalang, ay kayamanan ng magulang
Bugtong
Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan
ng paglalarawan. Ito ay binibigkas nang patula at
may lima hanggang labindalawang pantig. Ang
mga Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong.
Halimbawa
● Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
● Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
● Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
● Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
● Tumingin ka sa akin, ang makikita mo’y ikaw rin.
Palaisipan