Yunit 2
Yunit 2
Yunit 2
IMPORMASYON PARA SA
KOMUNIKASYON
YUNIT 2
(UNANG BAHAGI)
LAYUNIN
GEORGE GERNBER
-ang midya, lalo na ang telebisyon ang tagapagsalaysay
ng lipunan na lumilinang sa kaisipan ng mga madalas
manood na ang mundo'y magulo at nakakatakot.
STUART HALL
-ang midya ang nagpapanatili sa ideyolohiya ng mga may hawak ng
kapangyarihan sa lipunan.
LAYUNIN
Ang pananaliksik ay isang maingat at detalyadong pag-
aaral sa isang tiyak na problema, pag-aalala, o isyu gamit
ang pamamaraang pang-agham. Ito ay nagbibigay
pagkakataon sa atin upang mapataas ang antas ng
kaalaman sa pamamakitan ng eksperimento. Ito ang
pinakamhusay na nagawa sa pamamagitan ng paggawa ng
isyu sa isang katanungan, na may hangarin ng pananaliksik
upang sagutin ang tanong. Ito ay maaring tungkol sa
anumang bagay, at maraming halimbawa ng pananaliksik
ang abeylabol sa iba’t ibang midya.
Marami sa malalaking katanungan ng mundo ay nabibigyang
linaw ng pananaliksik. Kaya naman mainam na ang lahat lalo’t
higit ang mga ag-aaral ay nagiging kasangkot sa mga ganitong
akademikong gawain. Dahil hindi nagmamaliw at patuloy pa rin
ang pagkokonsidera sa mga kabataan bilang pag-asa ng bayan,
sila ang inaasahang magbibigay solusyon sa problema ng
bansa. Isa sa pinkamainam na paghanap ng ksagutan ay sa
pamamagitan ng pananaliksik. Kaya naman may ilang bagay na
dapat isaalang alang ang isang mananaliksik bago pumili ng
batis ng impormasyon para sa pagbuo ng kaalamang
ipapahayag sa isang sitwasyong pangkomunikasyon.
Una, kailangang malinaw ang tukoy ng paksa at layon
ng pananaliksik. Pangalwa, dapat na malinaw sa
mananaliksik ang pakay niya sa paglahok sa
sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ibabahagi
ang bubuung kaalaman. Pangatlo, kailangang
ikonsifera ng mananaliksik ang uri at kalakarang ng
sitwasyong pangkomunikasyon. ang tatlong ito ay may
imlpikasyon saisa’t-isa. Tunghayan ang bidyo na ito
para sa karagdagang kaalaman
https://www.youtube.com/watch?v=3Tx3CCqbyt0.
Ang tukoy na paksa at layon ay ay nakakawing sa dalawang bahagi ang
una ay ang paksa ng sitwasyong pang komunikasyon kung saan
ipapahayag ng mananaliksik ang kaalaman na kanyang bubuuin at ang
ikalawa ay kanyang pakay sa paglahok sa sitwasyong
pangkomunikasyon. Batay sa paksa ng sitwasyong pangkomunikasyon,
magdedesisyon ang mananaliksik kung anong pakay sa paglahok dito.
Kung ang paksa naman ng talakayan ay desisyon ng pagsuporta o
pagtutol sa patakaran depende sa bentahe at disbentahe ng
pagsasalita, ang isang tutol sa patakaran ay malamang na may pakay na
mangumbinsi ang mga kapwa kalahok na pumanig sa posisyong laban
sa patakaran. Konsiderasyo naman ang uri at kalakaran ng sitwasyong
pangkomunikasyon sa pagbuo ng pahayag ng kaalaman at pagpili ng
plataporma ng pagpapahayag.
Mapapansin sa talakayan na nauna ang paglilinaw sa paksa, uri, at
kalakaran ng sitwasyong pangkomunikasyon bago ang pakay sa
paglahok dito ang pagtukoy sa tiyak na paksa at tiyak na layon ng
pananaliksik. Maaari ring kabaligtaran ang mangyari, na mauna ang
pagsasaliksik hinggil sa isang napapanahon at mahalagang paksa bago
magdesisyon ang mananaliksik kung saang sitwasyong
pangkomunikasyon niya ibabahagi ang kaalamang nahalaw at kung ano
ang pakay niya sa pagbabahgi nito. Anuman ang proseso, ang pag alam
sa uri ng sitwasyong pangkomunikasyon ay makatutulong din upang
makilala ang kapwa kalahok. (katalastasan) o audience (tagapakinig,
mambabasa, o tagapanood) mapaghandaan ang posibleng estraktura
at daloy ng sitwasyon at makagawa ng estratihiya kung paano
pupukawinang interes ng mga kapuwa kalahok o audience.
Si San Juan (2017) ay nagbigay ng limang hakbangin na dapat isakatuparan
sa ikauulad ng pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino bukod sa
pagsipat sa iba’t ibang realidad at/o suliraning panlipunan na maaaring
pagmulan ng makabuluhang adyendang pananaliksik. Una, “magpansinan
muna tayo bago magpapansin sa iba. I-cite ang pananaliksik ng kapwa
Pilipino paano babasahin ng ibang bansa ang gawang Pilipino kung hindi
rin ito binabasa ng mga Pilipino mismo. Ikalawa, “magbuo ng pambansang
arkibo ng mga pananaliksik gaya ng narcis.nl ng Netherlands at diva-
portal.org ng Sweden. Ikatlo, “magdevelop ng katiwa-tiwalang translation
software na libreng magagamit para sa mga mass translation projects.
Ikaapat, “bigyang prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong maitaas ang
edukasyon at ang mga programamng grdwado. Ikalima, “atasan ang lahat
ng mga unibersidad na magtayo ng Departamento ng Filipino at/o Araling
Pilipinas.”
Mainam din na ikonsidera ng mananaliksik ang ilan sa mga
mungkahi nina Santiago at Enriquez (1982) para sa maka-
Pilipinong pananaliksik. Una, iugnay sa interes at buhay ng
mga kalahok ang pagpili ng tukoy na paksa. Pangalawa,
gumamit ng mga pamamaraan ng pagsisiyasat na
nakagawian ng mga Pilipino, angkop sa kultura, at
katanggap tanggap sa ating mga kababayan. Pangatlo,
humango ng mga konsepto at paliwanag mula sa mga
kalahok, lalo na iyong makabuluhan sa kanila.
1.Tukoy na Paksa at Layon. Ang tukoy na paksa at
layon pananaliksik ay nakakawing sa dalawa:
1. paksa ng sitwasyong pang-komunikasyon kung
saan ipapahayag ng mananaliksik ang kaalaman
na kanyang bubuuin at;
2. sa kanyang pakay sa paglahok sa sitwasyong
pangkomunikasyon.