Lim f2f 3rd QTR w5 3-21-25-22 Filipino

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

FILIPINO

Pag-uugnay ng Sariling
Karanasan sa Binasa
Ang larawan ba ay naranasan mo?
Ang larawan ba ay naranasan mo?
Bawat tao, bata man o matanda
ay puno ng mga karanasan mula sa
kaniyang pagsilang. Ang mga
karanasang ito ay maaaring
maging kasingkulay ng bahaghari
(rainbow).
Ang mga karanasang ito ay
maaaring masaya, malungkot,
nakaiinis, nakapapagod,
nakatatakot o ano pa mang
damdaming maaari nating
maramdaman.
May mga karanasang nananatiling
malinaw sa ating alaala kahit
matagal na itong nangyari.
Mayroon din namang madaling
makalimutan.
Ang mga karanasan ay maaari
nating mabuo mag-isa o kasama
ang pamilya, mga kalaro at
kaibigan, kamag-aral, guro at iba
pang tao sa paligid.
Maaari itong ukol sa iyong
paglalaro, pag-aaral, pagsunod sa
mga utos sa bahay o sa mga
nababasa, napapanood at
napapakinggan natin.
√ √ X X
√ √ X √
Basahin ang akda.

Batang Bayani
ni Maricar S. Gerela
Ang ating mga dakilang bayani
tulad ni Dr. Jose Rizal, na
Pambansang Bayani at si Andres
Bonifacio, na Ama ng Katipunan ay
malimit na maging huwaran ng
pagmamahal sa bayan. Sila, kasama
pa ang ibang magigiting na Pilipino
ay nag-alay ng buhay para sa
kalayaan ng mga Pilipino.
Sa makabagong
panahon, tunay na
marami pa rin tayong
maituturing na bayani –
batang bayani. Isa na
rito si Paulo.
Si Paulo ay nasa ikalawang
baitang at isa sa
pinakamapagmahal sa bayan.
Madalas niyang iguhit ang
mga magagandang tanawin
sa Pilipinas at mga
pambansang sagisag sa
tuwing sila ay guguhit sa
Sining.
Mahilig siyang
magbasa at makinig sa
mga kuwento ukol sa
kagitingan ng mga
bayani ng bansa.
Kahit saan at kahit
kailan niya marinig
na tinutugtog o
inaawit ang Lupang
Hinirang ay
magalang siyang
humihinto at
sumasabay sa pag-
awit nang buong
paggalang.
Bukod pa rito,
lagi rin siyang
handang tumulong
sa kaniyang mga
kababayan kahit
siya ay bata pa
lamang – itinatawid
ang mga matatanda
sa daan,
nagsasauli ng mga
bagay na napulot,
nagtatapon ng basura
sa tamang tapunan at
magalang kahit
kaninuman. Sa lahat ng
kaniyang mga
katangian, maituturing
na rin natin siyang
“Batang Bayani”.
Basahin at sagutin:
1. Ang pinag-uusapan sa kuwentong
binasa ay si______.
a. Pablo c. Paulo
b. Pablito d. Paquito
2. Ang katangiang taglay ni Paulo sa
lahat ay ang pagiging_______.
a. mabait b. matalino
3. Alin sa mga ginagawa ni Paulo ang
naging karanasan mo na rin?
a. Umawit ng Lupang Hinirang.; Magsauli
ng gamit na napulot.
b. Gumuhit ng mga pambansang
sagisag.;Tumulong na itawid ang matanda
sa tamang tawiran; Magtapon ng basura
sa tamang tapunan.
c. isa o dalawa sa a at b
d. wala ni isa sa a at b
4. Bakit mahalaga ang pagiging
makabayan?
a. Dahil ito ay tanda ng pagmamahal at
paggalang sa bansa.
b. Maipagmalaki ka ng iyong mga
magulang, kapatid at pamilya
c. Maaari kang maging tanyag at kilalang-
kila sa inyong lugar
d. Lahat ng nabanggit
5. Dapat ba nating tularan si Paulo?
Bakit?
a. Opo, dahil magandang halimbawa ang
ipinakita niya.
b. Opo, dahil masayahin siyang bata.
c. Hindi po, dahil mahirap ang kaniyang
ginagawa.
d. Hindi po, dahil siya lamang ang kayang
gumawa niyon.
Basahin ang talaan, pumili ng
limang (5) gawain o karansang
nagpapakita ng pagiging “Batang
Bayani” tulad ni Paulo.
A. Pagsagot nang may po at opo
B. Pagtulog nang mahimbing
C. Pagtulong sa mga gawaing bahay
D. Pagsunod sa pila kung maraming
kasabay na naghihintay
E. Panonood ng TV sa buong araw
F. Pagsasabi ng totoo sa lahat ng
oras
G. Pagmamano sa mga nakatatanda
H. Pagligo bago pumasok
Ang pag-uugnay ng ating sariling karanasan
sa binabasang teksto o kuwento ay
makatutulong upang:
✓ Mas madali nating matatandaan ang
detalye ng binasang teksto o kuwento
✓ Magamit natin ang aral mula sa ating mga
binasa o binabasa sa araw-araw na gawain
✓ Mahubog ang ating pagiging malikhain
kung paano natin hahanapin ang kaugnayan
ng ating mga karanasan sa ating binasa.
Basahin.
Iguhit ang tsek (✓) kung naging
karanasan mo na ito at ekis (x)
kung hindi pa.

✓ 1. Mayroon akong magandang


payong.
✓ 2. Nasira ang aking payong dahil
sa lakas ng hangin dulot ng bagyo.

✓ 3. Pinasukob ko ang aking


kamag-aral sa dala kong payong.
✓ 4. Ginamit ko ang aking payong
bilang panangga sa susugod na aso.

✓ 5. Nakatanggap ako ng payong


bilang isang regalo.
Sa Tulong Mo, Ama
Ni Maricar S. Gerella
Sa tulong Mo, kami’y laging
lumalapit.
Panalangin namin ay sa ngalan Mo
nasasambit.
Hindi maaaring ipaglihim tunay na
saloobin,
Sapagkat nababatid Mo, maging
ang mga puso namin.
Sa tulong Mo, kami’y makaaahon,
Sa hirap ng buhay, kami ay
babangon.
Biyayang ibibigay, ibabahagi rin
sa iba,
Upang ang kabutihan ay patuloy
na madama.
Basahin ang sumusunod. Piliin ang
letra ng mabuting katangian o
tamang gawin sa bawat sitwasyon
na karaniwang nararanasan ng
batang tulad mo. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Elsie P. Cruz
II – Mahogany

1.
2.
3.
4.
5.
1. Nakita mong nalaglag ang
beinte pesos mula sa bulsa ng
isang batang naglalakad sa unahan
mo, dinampot mo ito at ibinalik sa
kaniya.
a. masipag c. matiyaga
b. matapat d. masaya
2. Bago ka matulog ay nagdarasal
ka muna upang magpasalamat sa
Diyos.
a. matiyaga c. madasalin
b. masunurin d. masayahin
3. Mahilig kang magpatawa at
magsabi ng jokes sa iyong mga
kausap.
a. masayahin c. masipag
b. masunurin d. matapat
4. Habang papasok ka sa paaralan
nakasalubong mo ang iyong guro na
maraming bitbit na gamit. Ano ang
gagawin mo?
a. Lalagpasan ang guro.
b. Sasabayan ang guro sa paglalakad.
c. Iiwas ng daan upang hindi
makasalubong ang guro.
d. Tutulungan ang guro sa pagbitbit ng
iba nitong mga gamit.
5. Nahihirapan ka sa takdang-aralin na
ibinigay ng inyong guro. Ano ang gagawin
mo?
a. Tutulugan ang takdang-aralin.
b. Hihinto kapag nahirapan na.
c. Hihingi ng tulong sa nanay o
nakatatandang kapatid na kasama sa
bahay.
d. Ipagagawa sa kapatid ang takdang-
aralin habang ikaw ay naglalaro.

You might also like