FILIPINO8 Q2 W2 Patalinghagang-Pahayag

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

IKALAWANG

MARKAHAN
IKALAWANG LINGGO
MGA URI NG TAYUTAY/
PATALINGHAGANG PAGPAPAHAYAG
Ang patalinghagang pagpapahayag ay
sinasadyang paglayo sa paggamit ng mga
pangkaraniwang salita upang maging
kaakit-akit, maharaya at mabisa ang
pagpapahayag. Ito’y nakapagdaragdag ng
kagandahan sa isang katha, pasalita man o
maging pasulat.
Pagtutulad (Simile)

Naghahambing sa dalawang magkaibang


tao, bagay at pangyayari. Ang
pagpapahayag na ito’y ginagamitan ng mga
pariralang katulad ng, tulad ng, kapara ng,
para ng, kagaya ng, at gaya ng
Mga halimbawa:
a. Ang pangaral ng kanyang ina’y katulad ng
isang sulong tumanglaw sa kanyang nadirimlang
kaisipan.
b. Ang kawangis niya’y isang ibong nabalian ng
pakpak.
c. Si Lolita’y katulad ng isang kandilang unti-
unting nauupos.
d. Si Rodel ay kagaya ng isang maamong tupa
nang humingi ng tawad sa ina.
Pagwawangis (Metaphor) -Naghahambing din
ito tulad ng pagtutulad ngunit tiyakang
naghahambing at hindi na gumagamit ng mga
pariralang katulad ng, tulad ng, kapara ng, para
ng, kagaya ng at gaya ng.
Mga halimbawa:
a. Ikaw ay tinik sa lalamunan ni Mercy.
b. Ang papuri ni Mario ay musika sa pandinig ni Leni.
c. Isang bukas na aklat ang buhay ni Rizal.
Pagmamalabis (Hyperbole)
Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na
kalagayan ng tao, bagay at pangyayari.
Mga halimbawa:
a. Pumutok ang kanyang ulo sa dami ng mga problema.
b. Nabali ang balakang ni Liezel sa baku-bakong daan.
c. Nagliliyab ang mga mata ng galit na galit na lalaki.
d. Nadurog ang puso ni Celia sa makabagbag
damdaming tagpong kanyang nasaksihan.
Pagbibigay-katauhan (Personification)
Ito’y pagsasalin ng talino at katangian ng tao sa mga
karaniwang bagay.
Mga halimbawa:
a. Ngumiti ang bulaklak sa liwanag ng buwan.
b. Humahalakhak ang musika kaya’t sandaling
nalimot niya ang kalungkutan.
c. Sumasayaw ang mga alon sa karagatan.
d. Lumuluha ang liham na tinanggap ni Rosalie,
hindi niya napigilan ang mapaiyak.
Pag-uyam (Sarcasm)
Ginagamit ito sa mga salitang nangungutya sa tao o
bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapuri-puri
ngunit ang tunay na kahulugan ay mauunawan ayon sa
paraan ng pagsasalita.
Mga Halimbawa:
a.Napakaganda ng tinig niya… kasingganda ng kokak ng
palaka.
b.Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi
ang matulog sa buong maghapon.
Pagtawag (Apostrophe)
Dito’y ginagawa ang pakikipag-usap sa isang
bagay na tila ba nakikipag-usap sa tao.
Halimbawa:
a. O buwan sumilay ka at ako’y aliwin sa aking
pangungulila.
b. Suwerte, dumapo ka sa akin at ako’y payamanin.
c. Pag-ibig halika at punoin mo ng pagmamahal ang
puso ng lahat ng tao.

You might also like