Tekstong Impormatibo
Tekstong Impormatibo
Tekstong Impormatibo
Tekstong Impormatibo
Balik Aral
ENERGIZER
SCRIBBLE WORDS
MORMIPAOT STLAANAGGNUNIA
P E E K O T
OTSKET
GYBBYIULLNER
IMPORMATIBO TALASANGGUNI-
AN
EPEKTO
CYBERBULLYIN TEKSTO
G
Alam mo ba?
Cyber Bullying
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang
paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambu-bully
ang nagbigay daan nito: ang cyberbullying o ang
pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay
pagpapadala ng mensahe ng pananakot,
pagbabanta
O pagtataglay ng masasamang salita maging sa
text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang
usap-usapan, larawan, video, at iba pa sa e-mail
social media; pag-bash o pagpo-postng mga
nakasisiraat walang basehang komento; paggawa
ng mga pekeng account na may layuning
mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng
iba upang magamit ng personal account ng isang
tao ng walang pagsang-ayon niya o paninira sa may
ari nito
At iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng
teknolohiya. Ang mga ito'y karaniwang
nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o
pagkawala, ng kapayapaan, sa nagiging biktima
nito.
Paano naiiba ang cyberbullying sa harapang
pangbubully?
Napakalaking tulong ang naibibigay ng cellphone,
tablet, computer, at internet sa tao. Ang social
media ay isa ring malaking biyaya lalo na kung
pakikipag-ugnayansa napapalayong kapamilya o
kaibigan ang pag-uusapan. Ang internet ay isa sa
pinakamahalagang kagamitan sa ikadalawampu't
isang siglo sapagkat sa pamamagitan nito ay
"lumiliit" ang mundo.
Napaglalapit nito ang magkakalayong
magkakapamilya, napupunan nito ang
kasabikan makita at makausap ang isang
minamahal, at nakatutulong ito upang magawa ang
maraming bagay tulad ng pagbili ng mga bagay-
bagay, pag-apply sa trabaho, paggawa ng
transaksiyon sa bangko, at iba pa kahit ika'y nasa
bahay lamang at hindi na kailangang lumabas.
Nakatutulong din ito nang malaki na paghahanap sa
anumang impormasyong mahalaga sa tao
Subalit sa kabilang banda, napapadali rin ng
internet ang paggawa ng iba't ibang krimen,
panloloko sa kapwa, at paggawa ng maraming
hindi mabubuting bagay tulad ng cyber bullying.
Para sa isang biktima , mas mahirap at mas matindi
ang cyber bullying kaysa sa harapang pangbu-bully.
Ang harapang pangbu-bully ay nangyayari sa isang
lugar at isang panahon. Kapag hindi na makaharap
ang bully at ang biktima, ay walang pambu-bully
Samantala ang cyberbullying ay maaring mangyari
nang 24/7. Ibig sabihin, kahit hindi magkaharap ang
biktima at ang bully, o kahit natutulog ang biktima,
o nasa loob ng kanyang tahanan, ang cyber bullying
ay patuloy na nangyayari. Maari ding magtago ng
kanyang tunay na pagkatao ang nambu-bully upang
hindi makilala kung sino siya habang ipinakakalat
niya ang anumang bagay na makasisira sa kanyang
biktima. Minsa'y mahirap malaman o ma-trace
kung sino ang nagpasimula ng pagpapakalat nito.
Kapag na-ipost o naipadala na sa iba ang na sa iba
ang mga bagay na ito, napakahirap nang mawala o
maihinto ang pagkalat ng mga nakasisirang bagay
sapagkat wala nang kontrol ang nag-post sa
puwedeng gawin ng bawat makatatanggap o
makakakita sa kanyang post. Ang reaksiyon kasi ng
makatatanggap ay maaring huwag pansinin o
hayaan na lang, I-delete at huwag patulan, o
maaring I-share rin sa iba na lalong nagdudulot ng
pagkasira ng biktima
Dahil sa napakabilis na pagkalat ng mga bagay na
naka-upload na sa internet.
Ano-ano ang Epekto ng Cyberbullying?
Sa cyberbullying ay walang pisikal na pananakit na
nangyayari di tulad ng harapang pambu-bully na
kung minsa'y humahantong sa pananakit subalit
mas matindi ang sakit ng pagka-sugat ng emosyon
o emotional at psychological trauma na maaring
maranasan ng isang biktima ng cyberbullying. May
pangmatagalang epekto ito sa tao lalo na kung
hindi maaagapan o matutulungang maproseso ang
Damdamin ng isang naging biktima nito. Maari
siyang magkaroon ng mga isyung sikolohikal hindi
lang sa kasalukuyan kundi sa mga darating pang
panahon.