Mapeh5 q4w5 Melc

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 97

Music 5

Week 5
Ang mga Uri ng
Texture
Panuto: Punan ang talahanayan ng mga kahulugan ng mga
tempo na nasa kaliwa. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
Magpakanta ng isang awitin
sa mga bata.
Ang Texture Sa inyong aralin
sa science, ang texture ay
tumutukoy sa gaspang o kinis
ng isang bagay; subalit sa
musika, ang texture ay
tumutukoy sa nipis o kapal ng
isang awit. Natutukoy ang
texture o nipis o kapal ng isang
awit sa pamamagitan ng mga
uri ng tunog na ginamit dito.
Ang mga tinig na ito ay maaaring iba’t
ibang uri ng boses ng tao o kaya naman
ay tunog ng iba’t ibang uri ng instrumento.
Masasabing makapal ang texture ng isang
awit kung ito ay ginamitan ng iba’t ibang
boses o instrumento na may pinaghalo-
halong mabababa at matataas na tono.
Manipis naman ang texture ng isang
kung ito ay ginamitan lamang ng isang uri
ng boses o instrumento.
Sa boses, ang mga boses ng lalaki ay
natural na mas makapal kaysa sa boses ng
mga babae, pero ang bass ay may mas
makapal na texture kaysa sa tenor at ang
alto ay mas makapal ang boses kaysa sa
soprano. Sa mga instrumento naman, mas
makapal ang texture ng mga may
mabababa ang tono kaysa sa matataas
ang tono. Halimbawa, mas makapal ang
texture ng bass drum kaysa sa snare
drum.
Ang mga Uri ng Texture May
tatlong pangunahing texture
ang awit at ito ay ang mga
sumusunod: monophony,
homophony, at polyphony.
Suriin sa talahanayan ang
pagkakaiba ng tatlong uri ng
texture na ito.
Ang pinakamanipis na texture
sa talo ay ang monophony.
Ang kapal naman ng texture
ng homophony at polyphony
ay naaayon sa dami ng
pinaghalo-halong boses o
instrumento dito
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga
sumusunod.
1. Texture
____________________________
2. Monophony
________________________
3. Homophony
________________________
4. Polyphonic
_________________________
5. Round Song
________________________
Panuto: Gamit ang mga impormasyon ng
tatlong uri ng texture, punan ang Fishbone
Graphic Organizer. Gawin ang pagsasanay sa
iyong kuwaderno.
Ano ang
texture?
Panuto: Magbigay ng 3
impormasyon na natutunan
mo tungkol sa mga
sumusunod na texture ng awit.
 
1.Monophony
a.
b.
c.
2. Homophony
a.
b.
c.

3. Polyphony
a.
b.
c.
Arts 5
Week 5
Paraan sa Paglikha ng 3-
Dimensyonal na Likhang-
Sining-Paper Beads
Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang
mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
iyong sagot sa patlang.

________ 1. Ang paper mache ay


salitang Pranses na ang ibig sabihin ay
‘nginuyang papel’.
________ 2. Art paper ang kadalasang
ginagamit sa paggawa ng paper mache
na kung saan ito ay pinagdidikit-dikit at
inilalapat sa molde.
________ 3. Ang pagtataka o paper
mache ay nagsimula sa Paete, Laguna
na ngayon ay isa nang malaking
industriya.
________ 4. Ang paper mache ay ginawa
mula sa mga papel na nirolyo upang
makagawa ng beads.
________ 5. Ang mga elemento ng sining
tulad ng kulay, hugis at espasyo ay
kailangang isaalang-alang upang
makagawa ng magandang disenyo.
https://www.youtube.com/watch?v=IuM-_
hQf6HA&t=46s
3D at Eskultura: Ang Sining at Kabuhayan
Ang sining sa paggawa ng mga pansariling
palamuti ay nauugnay sa nakaraang panahon
bago pa man dumating ang mga Espanyol sa
ating bansa. Ang mga sinaunang gintong
alahas ng Pilipinas na natagpuan dantaon na
ang nakalipas sa bansa ay makikita ngayon
sa Ayala Museum at Metropolitan Museum.
Ang mga ito ay pagpapatunay sa
kagalingan at kalinangan sa sining ng
mga katutubong Pilipino. Ang mga
sinaunang gintong alahas ay kakikitaan
ng masinsinang pagkakagawa nito. Ang
ilan ay gawa sa butil na ginto o hindi
naman kaya ay hinabing parang hiblang
manipis.
Mayroon ding mga alahas na nagpapakita ng
kakayahan ng pinaghalong ukit at
pagpapanday ng mga hugis sa pagdisenyo
ng hikaw, pulseras, at iba pang mga
pansariling palamuti. Sa paggawa ng mga
pansariling palamuti, mahalaga ang
kakayahang malikhain. Ang mga gamit sa
paggawa ng mga palamuti ay maingat na
pinipili at hinahanda sa pagbuo nito.
Ang mga ayos ng kulay at hugis ay
nagpapakita ng ritmo o maayos na
indayog. Kilala ang mga Pilipino sa
pagiging malikhain at maparaan. Makikita
ito sa estilo ng pananamit, pagkain, at
pagkahilig sa pagsusuot ng mga
makukulay na mga dekorasyon, palamuti,
at alahas sa katawan.
Ilan dito ay ang mga pulseras at kuwintas na
higit na nagpapatingkad sa kanilang kasuotan
lalo na ang mga kababaihan. Nakadalo ka na
ba ng mga pista sa lalawigan? Karamihan sa
mga lumalahok ay sa mga parada o iba pang
palabas tulad ng Sinulog, Dinagyang,
Pintados, at iba pa ay nagsuot ng mga
makukulay na pananamit o costume na sila
mismo ang nagdisenyo at gumawa.
Kasama sa mga kasuotang ito ay
makukulay na mga palamuti tulad ng
kuwintas at pulseras.
Paggawa ng mga Paper Beads
Ang paper beads ay isang gawang
sining na nagmula sa bansang Inglatera
na ginagawang libangan ng mga
kababaihan kung saan ang mga paper
beads ay tinutuhog upang gawing
palamuti o kurtina na inilalagay sa mga
bintana.
Sa Pilipinas, nagkaroon
na rin ng industriya ng
paggawa ng paper
beads. Karaniwan itong
ginagamit na
pandekorasyon o kaya
naman ay kwintas o
pulseras.
Ang paggawa ng paper beads ay isang
gawaing nakalilibang na maaaring
pagkakitaan kung gagamitan ng
kaalaman sa paglikha ng mga palamuti.
Ito rin ay isang mabisang paraan upang
mapakinabangang muli ang mga lumang
dyaryo, magasin at makukulay na papel.
Nangangailangan ng
masusi at matiyagang
pagbibilot o pagrorolyo
ng maliliit na papel
upang makalikha ng
beads na kukulayan ng
pintura at didisenyuhan
ayon sa nais.
Gumawa ng Paper Beads batay sa
sumusunod na hakbang.
 
Kagamitan:
1. Papel - magasin, art paper, colored paper
ay maaaring gamitin
2. Lapis - para sa pagguhit sa korte ng papel
3. Ruler - para sa pagsusukat
4. Gunting - para sa paggupit ng mga papel.
5. Manipis na kahoy na Dowel - para sa
pagrorolyo ng papel
6. Malambot na Brush - para sa pag-
aaply ng glue sa papel
7. Glue/Pandikit - para sa pagdidikit –dikit
ng mga paper beads
8. Patpat na kahoy -para sa pagpapatuyo
ng beads pagkatapos barnisan
9. Soft Paint Brush - para sa pagpapahid
ng barnis
10. Barnis - para magkakulay at hindi
kapitan ng dumi
11. Oasis Florist Block - para sa
seguridad ng beads
Mga Hakbang sa Paggawa:

1. Ihanda ang mga kagamitan.


2. Sa pamamagitan ng lapis, markahan
ang papel at gupitin ito pagkatapos.
Tingnan ang larawan sa kanan.
3. Kunin ang kabilya, magsimula sa
malaking bahagi ng papel papaliit.
4. Bahagyang lagyan ng pandikit ang
papel at magsimulang bilutin. Masdan
ang larawan. Ang kulay-puti ay ang pahid
ng pandikit sa gagawing paper beads.
Pagdating sa dulo ng papel, siguruhing
mayroon itong pandikit upang kumapit sa
bilot ng papel.
5. Pahirin ang labis na pandikit at dahan-
dahang tanggalin sa kabilya ang paper
beads. Ilipat ang paper beads at hayaang
matuyo.
6. Tuhugin ang mga paper beads gamit ang
sinulid at karayom upang makagawa ng
kwintas.
7. Maaaring barnisan ang paper beads upang
tumibay at maging makintab.
Panuto: Suriin ang inyong
likhang-sining at lapatan ng
kaakibat na puntos gamit ang
rubric. Lagyan ng (√ ) ang angkop
na kahon. Gawin ito sa sagutang
papel.
Panuto: Punan ang patlang ng wastong
sagot.
1. Ang mga kuwintas, hikaw, at singsing ay
tinatawag na pansariling
_________________.
2. Ang Ayala Museum at Metropolitan
Museum ay mga institusyong nangangalaga
sa mga ________________ ng Pilipinas.
3. Ang sining ay maaaring makatulong sa
pagpapayaman ng kakayahan at
_________________.
4. Ang pangunahing gamit sa paggawa
ng paper beads ay _________________.

5. Ang maayos na ugnayan ng hugis at


kulay sa mga pansariling palamuti ay
nagpapakita ng _________________.
Paano naipakikita ang
pagiging malikhain sa
paggawa ng mga
likhangsining tulad ng paper
beads?
Panuto: Isa-isahin ang mga
kagamitan sa paggawa ng paper
beads Pagtambalin ang Hanay A
sa Hanay B.
PE 5
Week 5
Iba’t-ibang Hakbang sa
Pagsasayaw ng Polka
sa Nayon!
Basahin ang sumusunod na
paangungusap. Isulat sa patlang ang T
kung ang pangungusap ay tama at M
kung ito naman ay mali.

_____1. Ang musika ng Polka sa Nayon


ay nasa 2/4 time signature.
_____2. Ang kasuotan ng babae sa
sayaw na Polka sa Nayon ay
kasuotang Maria Clara.
_____3. Ang kasuotan ng lalaki
sa sayaw na Polka sa Nayon ay
kasuotang Barong Tagalog at itim o
asul na salawal/pantalon.

_____4. Ang Polka sa Nayon ay isang


popular na ballroom polka na nanggaling
sa probinsya ng Batangas noong
panahon ng Amerikano.
_____5. Ang musika ng Polka sa
Nayon ay binubuo ng apat na
bahagi: A, B, C, at D.
Karaniwang Termino ng Sayaw
Libreng kamay – ang kamay na
walang hawak o hindi ginagalaw
Paa/kamay na nasa loob – ang
paa/kamay na pinakamalapit sa iyong
kapareha
Paa/kamay na nasa labas – ang
paa/kamay na malayo sa iyong kapareha
Close ballroom – Magkaharap
ang magkapareha; ang kaliwag kamay
ng babae ay nasa kanang balikat ng
lalaki; ang kanang kamay ng babae ay
nakapatong sa kaliwang kamay ng lalaki.
Hawak ng lalaki ang kanang baywang ng
babae sa kaniyang kanang kamay.
Jaleo – iikot ang magkapareha
clockwise (na ang (R) siko ay magkalapit)
o counter clockwise (na ang L) siko ay
magkalapit) habang naglalakad o
ginagawa kahit ang anong dance step
Karaniwang Dance Step (Step Pattern)
Polka Step – step, close, step,
pause 1 at 2 at
Heel and toe polka – heel-place,
toe-point, step, close, step, pause
1 2 1 1 at 2 at
Gallop step – step, cut, step, cut
1 at 2 at
Tandaan: Kung nanaisain, ang
buong sayaw ay maaring ulitin nang
may apat na pares sa isang parisukat na
formation. Lahat ay nakaharap sa gitna
ng parisukat. Ang Saludo ay ginagawa sa
pagtatapos ng sayaw at ang lahat ay
nakaharap sa
mga manonood.
Punan ang kahon sa ibaba
ng tamang dance steps, step
pattern at bilang na iyong
natutunan mula sa aralin.
Hanapin at bilugan ang mga salitang
sumusunod sa word search puzzle.
Isulat sa iyong kwaderno ang
kinalaman ng mga salita sa aralin.
Papaano sayawin ang
Polka sa Nayon?
Iayos ang mga hakbang ng Polka sa
Nayon ayon sa tamang pagkakasunod –
sunod nito. Ilagay sa patlang ang letrang
a, b, c, d, e, at f bago ang pangungusap.

_____ Haharap ang magkapareha sa mga


manonood, ang mga babae ay nasa kanan
ng lalaki. Magkahawak kamay gaya ng sa
Figure II. Parehas magsisimula sa (R) paa.
_____ Iunat ang mga bisig ng
magkapareha na may
magkapatong na mga kamay
patungo sa mga manonood.

_____ Haharap ang magkapareha sa


mga manonood. Magkahawak ang
kamay at ang kablang kamay ay
gaya sa Figure II.
_____ Humarap sa mga
manonood at bumitaw sa
pagkakahawak sa kapareha.
Tumayo nang magkatabi at
maghawakan ng kamay. Sa kabilang
kamay ay hawak ng babae ang
kaniyang palda habang nasa baywang
ang kabilang kamay
ng lalaki.
_____ Haharap ang
magkapareha sa mga
manonood na magkahawak ang
mga nakapaloob na kamay.
Hawak ng babae ang kaniyang
palda sa kabilang kamay
habang nasa baywang naman
ang kabilang kamay ng lalaki.
_____ Nasa closed ballroom
position muli ang magkapareha,
ang mga bisig at kamay ay
nakaturo sa mga manonood.
Health 5
Week 5
Pangunang Lunas
para sa mga
Karaniwang
Pinsala at
Kondisyon !
PANUTO: Iguhit ang thumbs up
kung nagpapakita ng
pagsangayon sa pangungusap at
thumbs down naman kung
hindi.
PANUTO: Piliin ang nararapat gawin sa
mga sumusunod na sitwasyon. Lagyan
ng tsek (√) ang kahon ng iyong sagot.

1. Natapunan ng mainit na sabaw ang


kamay ng iyong nakababatang kapatid.
Ilagay agad ang kamay ng iyong
kapatid sa malamig na tubig.

Ibabad agad ang kanyang kamay sa


maligamgam na tubig.
2. Ang iyong kapitbahay ay nahulog sa
bisikleta at nasugat ang kanyang siko.

Hawakan mo ang sugat ng iyong


kamay para masuri mo kung
magdudugo pa ito.
Gumamit ng disposable gloves s
paglilinis ng sugat.
3. Nagka-sprain ang iyong teammate
sa Basketball.

Lagyan agad ng bandage ang


bahaging may sprain at saka
ipahinga.
Ipahinga muna ang bahaging may
sprain at saka lapatan ng yelo o cold
compress para hindi mamaga
Ilarawan ang maaari mong gawin kung
ikaw ang kasama ng nasa larawan. Isulat
ang sagot sa kahon.
Bakit kailangang lunasan
kaagad ang mga
karaniwang pinsala o
kondisyon?
Panuto: Ayusin ang mga hakbang
sa pagsasagawa ng pangunang
lunas sa tamang pagkakasunod-
sunod bago dalhin ang pasyente sa
ospital. Isulat ang mga numerong 1-
5 sa mga linya bago ang bilang. Sa
oras ng Kagat ng Insekto.
_____Maglapat ng cool compress o
kaya ay isang tela na may malamig
na tubig o puno ng yelo.
_____Hugasan ang bahaging
nakagat ng insekto.
_____Ilapat ang isang cream, gel o
lotion sa bahaging nakagat upang
maiwasan ang pangangati.
_____kung tuluyang lumala ito dalhin
sa pinakamalapit ng health center o
ospital.
_____Alisin sa lugar ang pasyente
kung saan ito nakagat.
Day 2
Pangunang Lunas
para sa mga
Karaniwang
Pinsala at
Kondisyon !
Panuto: Ayusin ang mga hakbang sa
pagsasagawa ng pangunang lunas
sa tamang pagkakasunod-sunod
bago dalhin ang pasyente sa ospital.
Isulat ang mga numerong 1-5 sa mga
linya bago ang bilang. Sa oras ng
Balinguyngoy o Pagdurugo ng Ilong.
_____Pisilin ang ilong ng pasyente ng
mga sampung minuto.
_____Kailangang paupuin ang pasyente.
_____Linisin ang ilong ng maligamgam
na tubig.
_____Idikit ang likod ng pasyente sa
sandalan ng upuan.
_____Maaari ng tanggalin ang
pagkakapisil kapag tumigil na ang
pagdurugo.
Ano ang gagawin mo
kung nasugatan ang
iyong kaklase?
Bakit kailangang lunasan
kaagad ang mga
karaniwang pinsala o
kondisyon?
PANUTO: Alamin kung anong pinsala o
kondisyon ang dapat lapatan ng
tinutukoy na pangunang lunas. Isulat sa
patlang titik ng tamang sagot.
_____ 1. Pigain ang sugat upang
matanggal ang kamandag hanggat
makakaya ng biktima.
_____ 2. Tanggalin ang karayom sa
pamamagitan nang marahang
pagkayod sa balat ng kutsilyo, kuko, o
matalas na bahagi ng isang bagay.
_____ 3. Kapag nagdurugo ang binti,
diinan ang itaas na bahagi ng hita.
_____ 4. Lagyan ng malamig na
panyo o bimpo sa noo at sa nose
bridge.
_____ 5. Ibuga ang bibig upang
makahinga
Salamat!

You might also like