Filipino Week1
Filipino Week1
Filipino Week1
Santo, Amen.
Hal.
Ipinag-utos ng hari na kabiyak prasko gayak-pangkasal kasuklam-suklam
bihisan siya ng
pinakamaganda niyang
__________.
gayak-pangkasal
______2. Uri ng
pangngalan na
tumutukoy sa palamuti o
kasuotan.
Hal.
Ipinag-utos ng hari na kabiyak prasko kasuklam-suklam
bihisan siya ng
pinakamaganda niyang
gayak-pangkasal.
_______3. Ito ay uri ng
pangngalan na ang
kahulugan ay asawa.
Nagsisisi siya sa
___________ niyang
nagawa.
kasuklam-suklam
_______4. Pang-uri na
ang ibig sabihin ay
nakakamuhi o lubos na
poot.
Hal. prasko
Nagsisisi siya sa
kasuklam-suklam
niyang nagawa.
_______5. Uri ng
pangngalan na tumutukoy sa
lalagyan ng tubig o bote.
Hal.
Hindi madaling pagsubok
ngunit nairaos nya dahil prasko
_______5. Uri ng
pangngalan na tumutukoy sa
lalagyan ng tubig o bote.
Hal.
Hindi madaling pagsubok
ngunit nairaos nya dahil
tinulungan sya ng isang ibon
upang makasalok ng tubig
gamit ang prasko.
CUPID AT
PSYCHE
ni Apuleius (Mito mula Roma,
Italya)
• Lucius Apuleius
• ipinanganak
noong ika c. 124
CE – 170 CE sa
hilagang bahagi
ng Africa
APULEIUS
• nag-aral sa
Carthage at
Athens
• pilosopo
• rhetorician
• manunulat
APULEIUS - The Golden Ass
MGA TAUHAN
- kilala ring Eros
- isa sa mga
pangunahing
tauhan
- anak ni Venus
- isa sa
pangunahing
tauhan
- kinaiinggitan ni
Venus
- Kilala ring
Aphrodite
- ina ni Cupid
- siyang nag-utos
kay Cupid upang
parusahan si
Psyche
- kilala ring
Persephone
- diyosa ng
kailaliman
- nagbigay kay
Psyche ng kahon
- Kilala ring Zeus
- hari ng mga
diyos
- nagbigay ng
basbas kina
Cupid at Psyche
Cupid at Psyche
Muling isinalaysay ni Alvin D. Mangaoang
Noong unang panahon, mayroong isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si
Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang pinakamaganda sa kanila. Sa sobrang
ganda ni Psyche ay talaga namang maraming humanga sa kaniya. Sinasabi ring
kahit ang diyosa ng kagandahang si Venus ay hindi kayang tumapat sa gandang
taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang nakapagpagalit sa
kaniya ay ang pagkalimot ng mga kalalakihang magbigay ng alay, maging ang
kaniyang templo ay napabayaan na rin. Ang dapat sanang atensyon at mga
papuring para sa kaniya ay napunta sa isang mortal.
Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kaniyang anak na si Cupid upang
paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang.
Ano sa tingin
mo ang
susunod na
mangyayari?
Ngunit ang nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na
tila siya ang nabiktima sarili nyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kaniyang ina,
at dahil sa kampanite naman si Venus sa kaniyang anak, hindi na rin ito nag
usisa. Hindi umibig si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit wala ring
nagtangkang umibig sa kaniya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga ginoo
kay Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang dalaga. Samantalang
ang kaniyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari. Naging
mapanglaw si Psyche sa mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni
Psyche upang humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting
lalaking ibig sa kaniyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya
ni Cupid upang hingin ang tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na
makapapangasawa ng isang nakatatakot na halimaw ang kaniyang anak at
kailangan tumalima sa kaniyang ipinayo.
Nang nagawa na ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo, ipinag-utos
niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang gayak-pangkasal.
Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang
ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Nang
makarating sa bundok na paroroonan, naghintay ang magandang dalaga sa
kaniyang mapapangasawa. Walang kamalay-malay ang magandang dalaga
na ang kaniyang mapapangasawa ay ang diyos ng pag-ibig na si Cupid.
Naging masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Mahal
na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni
Psyche, ang mukha ng kaniyang kabiyak. Nangako si Psyche sa kaniyang
kabiyak na kahit kailan ay hindi niya sasabihin sa mga kapatid niyang hindi
pa niya nasisilayan ang mukha ng kaniyang asawa.
Nangulila si Psyche sa kaniyang mga kapatid kung kaya't humiling siya sa
kaniyang asawa na sana'y makita niya ang mga ito. Pinagbigyan niya naman
ito kasabay ng pagbibigay muli ng paalala. Nang magkita ang
magkakapatid, naging mausisa sila sa kaniya. Labis kasi ang yaman ng
asawa ni Pacyhe na hindi mapapantayan ng kanilang mga napangasawa.
Dahilan ito upang mabuo ang pangimbulo o selos sa kanilang mga puso Sa
pangalawang pagbisita nila ay isinalaysay ng kaniyang mga kapatid ang nuo
nilang masamang balak, sinulsulan nila itong suwayin ang kondisyon ng
kaniyang asawa. Sinabi nilang siya ay tunay na halimaw at siya rin ang
papatay kay Psyche. Kaya upang hindi siya mapatay nito kailangang unahan
na ni Psyche ang asawa. Agad namang nabuyo si Psyche sa sinabi ng
kaniyang mga kapatid.
Kung ikaw si
Psyche,
magpapabuyo ka ba
sa mga sinabi ng
iyong mga kapatid?
Sa wakas, nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad na naglakad si Psyche
patungo sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara. Kinuha niya ang nga ito.
Sinindihan niya ang lampara. Dahan-dahan siyang lumapit sa kaniyang asawa.
Laking ginhawa at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kaniyang puso nang masilayan
niya sa unang pagkakataon ang hitsura ng kaniyang asawa. Hindi halimaw ang
kaniyang nakita kundi pinakaguwapong nilalang sa mundo. Nang madapuan ng
liwanag ang kagandahan ng lalaki ay tila ba mas lalong tumingkad ang liwanag ng
lampara. Sa labis na kahihiyan at kawalan ng pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na
saksakin ang sarili. Nang akma na niyang itatarak ang punyal sa kaniyang dibdib,
nanginig ang kaniyang kamay at nahulog ang punyal. Ang panginginig ng kaniyang
kamay ay kapwa nagligtas at nagtaksil sa kaniya. Sa pagnanais niyang pagmasdan pa
ang kaguwapuhan ng kaniyang asawa, inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit
na langis ang balikat nito.
Ano ang
nakikita mo
bilang mga
posibleng
resulta? Bakit?
Nagising ang lalaki at natuklasan niya ang pagtataksil ng asawa.
Lumisan ang lalaki nang hindi nagsasalita. Sinundan ni Psyche ang
asawa subalit paglabas niya, hindi na niya nakita ang lalaki. Narinig na
lamang niya ang tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung sino siyang
talaga. "Hindi mabubuhay ang pag - ibig kung walang tiwala", wika
niya bago tuluyang lumipad papalayo. Nagsisisi si Psyche sa kaniyang
kasuklam-suklam na nagawa kung kaya't para maipakita niya ang
marubdob na pagsisisi at pagmamahal, nagpasya siyang hanapin ito.
Nakarating siya sa tahanan ni Venus. Nagpasya siyang harapin ang mga
pagsubok na ibibigay ng diyosa para lamang muling maibalik ang tiwala
at pagmamahal ni Cupid sa kaniya.
Nang malaman ni Venus ang nangyari kay Cupid, lalo itong nasuklam kay
Psyche at siya ay pinahirapan niya nang husto. Binigyan niya si Psyche ng
mga pagsubok. Unang pagsubok ay pagsama-samahin ang mga butong
magkakauri. Bagaman nahirapan, nagawa niya ito sa tulong ng mga
langgam. Pangalawang pagsubok ay ang pagkuha ng gintong balahibo mula
sa mga mapanganib na tupa. Natutukso na siyang tumalon sa ilog, ngunit
pinayuhan siya ng mga halaman ng tamang tiyempo. Hinintay niyang
magtakip-silim, pauwi na ang mga tupa at nakakuha na siya ng gintong
balahibo na nasabit sa mga sanga. Ikatlong pagsubok ay ang pagsalok ng
itim na tubig mula sa itim na talon. Hindi madaling pagsubok ngunit nairaos
niya dahil tinulungan siya ng isang ibon upang makasalok ng tubig gamit
ang prasko.
At para sa huling pagsubok, pinakuha siya ng kahon upang
humingi kay Proserpine ng kagandahan. Ito
pinakamapanganib na pinagawa sa kaniya, ngunit kagaya ng
mga naunang pagsubok ay tinulungan siya ng isang tore na
makapunta sa kaharian sa ilalim ng hupa, sa kaharian ni
Hades. Nakakuha siya ng kagandahan ngunit natukso siyang
buksan ang kahon upang kumuha ng kaunting kagandahan
para magustuhan muli siya ni Cupid ngunit siya ay nawalan
ng malay dahil dito.
Bakit sa tingin
mo sa lahat ng
pagsubok ay
ang ikaapat ang
pinaka-
mapanganib?
Nalaman ni Cupid ang pagpapahirap ni Venus kay Psyche kung kaya't dali
dali siyang natungo sa kaniya upang ito'y iligtas. Nang makita ni Cupid si
Psyche, kaniya itong pinana ng kaniyang palaso at pana. Nagising si Psyche.
Tinulungan siya ni Cupid upang madala mya ang kahon kay Venus. Nagawa
niya lahat ng pagsubok. At upang hindi na muling magambala pa ni Venus
ang kanilang pag ibigan, humingi sila ng basbas kay Jupiter. Naging imortal
na rin si Psyche sa pamamagitan ng pagkain ng Ambrosia, ang pagkain ng
mga diyos at diyosa. Kalaunan, ang pag-ibig (Cupid) at kaluluwa (Psyche)
ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama at
hindi na mabubuwag kailanman.
Anu-ano ang
mga aral na
iyong napulot
sa mitong
“Cupid at
Psyche?
Pumili ng isang tauhan sa kuwento. Sa isang buong
papel ay gumawa ng sanaysay na sasagutin ang
katanungang: