Ang Kaaway Na Lihim

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 94

PANGKAT UNA

ANG
KAAWAY
NA LIHIM
Saknong 174-253
Buod ng Saknong 148-173
SUMISIKAT DIN
ANG ARAW
• Nagising si Florante sa kandungan ng Moro.

• Inalagaan ng Moro si Florante ngunit hindi gaano


tinanggap ni Florante ang kabaitan ng Moro.

• Binangungutan si Florante dahil sa kaniyang mga sinapit


sa nakaraan.

• Pinagaan ng Moro ang kaniyang nararamdaman sa


pamamagitan ng pag kuwento ng kaniyang buhay at mga
karanasan.
MGA TAUHAN
FLORANT
E
AT
ADOLFO
NILALAMAN NG
KABANATA

Ang kabataan ni Buhay ni Relasyon ni


Florante Florante sa Florante at
Gresya Adolfo
SIMULA NG
KUWENTO
"Nakita ko ang unang liwanag sa
isang dukado ng siyudad ng
Albanya. Utang ko sa aking
amang si Duke Briseo."
"Ay! Aking ama, ngayong nariyan ka
sa payapang bayan, sa harap ni
Prinsesa Floresca, ang mahal kong ina,
nakararating sa iyo ang mga luha ko."
"Bakit naging tao ako sa Albanya,
hindi sa Crotona, ang masayang
siyudad ng aking ina? Hindi sana
ako nagdusa."
"Ang dukeng ama ko'y pribadong
tanungan ng Haring Linceo sa
anumang bagay. Siya ang
pangalawang puno ng sangkaharian."
"Uliran siya sa kabaitan at katapangan.
Wala siyang kasingdunong sa
pagmamahal at pag-akay sa anak."
"Naririnig ko pa ang tawag ng aking
ama noong bata pa ako't kandong-
kandong niya."
"Florante, ang bugtong kong bulaklak.
Ito ang ngalan ko mula pagkabata.
Ambil na kayakap ng dalita."
"Hindi ko na ikukuwento ang buong
kamusmusan ko."
"Walang mahalagang nangyari sa akin,
maliban sa noong sanggol pa ako, muntik
na akong dagitin ng isang buwitre."
"Sabi ni Ina, habang nahihimbing ako
sa bahay naming malapit sa bundok,
pumasok ang ibong nakaamoy ng patay
na hayop nang tatlong legwas ang
layo."
"Narinig ng pinsan kong taga-Epiro, si
Menalipo, ang sigaw ng aking ina.
Napaslang niya ang ibon nang tudlain
niya ng pana."
"Isang araw namang natuto akong
maglakas, naglalaro ako sa gitna ng
salas."
"Pumasok ang isang arkon at biglang
sinambilat ang Kupidong diyamanteng
pahiyas sa dibdib ko."
"Nang tumuntong ako ng siyam na taon,
nakagawian kong mag-aliw sa burol.
Sakbat ang palasp't kalong ang busog,
pumapaslang ako ng mga hayop at
namamana ng mga ibon."
"Sa mga umagang naglalatag ang anak
ng araw ng masayang sinag, naglilibang
ako sa tabi ng gubat kasama ng aking
mga alagad."
"Hanggang sa tingalain ng sandaigdigan
ang mukha ni Pebong hindi matitigan,
sinasagap ko ang kaligayahang handog
ng parang na laging bukas ang palad."
"Tinitipon ko ang samyo ng mga
bulaklak."
"Inaaglahi ko ang laruang palad,
mahinhing Amihan, at mga lumilipad na
ibon."
"Kung may matanaw akong hayop sa
kalapit na bundok, ibibinit ko ang pana sa
busog."
"Sa isang tudla, matutuhog ko ang
punterya. Nag-aagawan ang aking mga
tagapaglingkod sa aking napaslang."
"Hindi nila alintana ang mga tinik sa
dawag. Palibhasa'y nagkakatuwaan."
"Maligaya rin ang sinumang nanonood sa
kanila. At kung masundan pa, lalo silang
naghihiyawan sa loob ng tumok."
"Kapag nagsawa na ako sa laruan kong
busog, uupo ako sa tabi ng matuling
bukal."
"Mananalamin ako sa linaw ng kristal at
sasagap ng lamig."
"Napapawi ang aking lumbay sa
mahinhing tinig ng nagsasayawang
Nayadas at taginting ng lirang katono ng
awit."
"Sari-saring ibon din ang naaakit sa nag-
aawitang masasayang Nimpas."
"Kaya nga nagluluksuhan ang mga ibon
sa mga sanga ng kahoy at batis na
iginagalang ng bulag na hentil."
"Ngunit aanhin ko ang masayang
kabataan? Pag-ibig ni Ama ang dahilan
kung bakit ko nilisan ang payapang
gubat."
"Pag-ibig anaki'y aking nakilala, hindi
dapat palakihin ang bata sa saya."
"Kapag namihasa sa tuwa, paglaki'y
walang hihinting na ginhawa."
"Dahil ang mundo'y bayan ng hinagpis,
dapat tibayan ang dibdib."
"Ang lumaki sa tuwa, walang pagtitiis.
Ano'ng ilalaban sa dahas ng sakit?"
"Ang taong nasanay sa ligaya't aliw,
mahina ang puso at lubhang
maramdamin"
"Inaakala pa lamang ang daratnang
hilahil, hindi na matututuhang bathin."
"Parang halamang lumaki sa tubig ang
pusong nasanay sa tuwa."
"Nalalanta ang dahon sa kaunting dilig."
"Kapirasong hirap, parang pasan na niya
ang mundo."
"Ang laki sa layaw, karaniwa'y hubad sa
bait at muni."
"Sa hatol ay salat. Masaklap na bunga ng
maling paglingap."
"Habag ng magulang sa irog na anak."
"Kahit ang tawag na bunso, isang
kapabayaan ng magulang na tamad
mangaral."
"Lahat ng ito ay natutunan ko kay Ama,
kaya hinamak ko ang luha ni Ina."
"Nang ipadala ako sa Atenas, doon
namulat ang bulag na isip ko."
"Naging maestro ko ang mabait at
marunong na si Antenor, mula sa lahi ni
Pitaco."
"Sambuwang halos hindi ako nakakain
dahil sa kamingaw. Maestro ko ang
pumapayapa sa akin."
"Dinatnan ko roon ang kababayan kong si
Adolfo, anak ng marangal na si Konde
Sileno."
"Labis siya ng dalawa sa edad kong
labing isa. Pinopoon siya ng buong
eskuwela dahil marunong siyang
makisama."
"Hindi siya magaso. Palagi siyang
nakatungo kung maglakad. Mabini
siyang kausap at walang katalo."
"Lapastanganin ma’y hindi nabubuyo.
Maski ang aming maestro ay hindi
natarok ang lalim ng kaniyang pusong
malihim."
"Sa gabay ni Ama, namulat ako sa bait
na hindi paimbabaw. Iyong namumunga
ng kaligayahan."
"Sa ipinakikitang bait ni Adolfo sa buong
eskuwela, hindi ko malasap ang ligaya
ng magandang asal ng aking mga
magulang."
"Gustuhin ko mang maging mabait
kay Adolfo, kung bakit narirarim ako
sa kaniya. Nararamdaman ko namang
ganoon din siya sa akin."
"Anim na taon ang tumakbo. Habang
nag-aaral, luminis ang bait ko at
kusang dinamtan ng karunungan ang
bulag kong isip."
"Natarok ko ang lalim ng pilisopiya.
Natutuhan ko ang astrolohiya at
matematika."
"Isang himala ang aking pagkatuto.
Kinilala ako ng mga bata at matanda.
Naiwan sa gitna si Adolfo."
"Isa na lamang siyang maingay sa
tagapamalita at pagala-gala sa buong
Atenas."
"Dito na siya nahubdan ng balatkayo.
Pakitang-tao lamang ang kaniyang bait
at kahinhinan. Natuklasan ito ng tanan
nang dumating ang araw ng palaro."
"Nagkaroon ng paligsahan sa sayaw.
Nagpakita din ng liksi at lakas ang mga
mag-aaral sa buo at arnis."
"Ipinalabas namin ang trahedya ng
dalawang apo ng tunay na ina, at mga
kapatid ng mga nag-iwing anak at sposo
ng Reyna Yocasta."
"Gumanap ako bilang si Etyokles. Si
Adolfo naman ay si Polinese. Isa sa
mga kaeskuwela namin ay gumanap na
Adrasto. Nag-Yocasta naman si
Menandro."
"Sa unang batalya, magkakasagupa
kami ni Adolfo. Sasabihin kong pareho
kaming bunga ni Edipo."
"Ngunit nanlisik ang kaniyang mga
mata. Hindi ang orihinal na ditso ang
kaniyang sinabi, kundi, 'Ikaw ang
umagaw ng kapurihan ko! Dapat kang
mamatay!'
"Hinandulong niya ako ng kaniyang
patalim. Ngunit nakaiwas ako sa tatlong
taga. Napabulagta ako nang umilag."
"Sinabayang bigla ng tagang malakas.
Salamat sa iyo, O Menandrong liyag!
Kung hindi sa liksi mo, buhay ko'y
nautas!"
"Nasalag ni Menandro ang dagok ng
kamatayan ko. Lumipad ang kalis ni
Adolfo. Siya namang pagpagitna ng
aming maestro at mga kasama."
"Natapos ang katuwaan sa
pangingilabot at kapighatian. Noon din
ay ibinalik ni Adolfo sa Albanya."
"May isang taon pa akong nananatili sa
Atenas. Hinihintay kong pabalikin ako
ng aking Ama."
"Sa aba ko! Tumanggap ako ng sulat na
may kamandag ang mga letra!"
''Hindi nagpakundangan ang kamatayan
sa aking Ina. Ay, laking dalita! Ama ko,
pamatid-buhay ang naisulat ko."
''Dalawang buwan ding hindi napayapa ang
loob ko Hindi ako maalo, maski ng aking
maestro. "
"Hanggang sa dumating ang ikalawang sulat
ni Ama, sampu ng sasakyang sumundo
saakin."
''Ayon sa kalatas, kailangan kong
umuwi agad sa Albanya, Nagpaalam
ako sa aking maestro."
" Bilin niya, 'Florante, huwag kang
malilingat. Pag-ingatan mo ang higanti
ni Konde Adolfo.'
'Pailag-ilag siyang parang basilisko,
ngunit nakapako ang mga mata niya sa
iyo.'
'Kung isalubong sa iyong pagdating ay
masayang mukha't may pakitang giliw,
lalong pag-ingata't kaaway na lihim,
siyang isaisip na kakabakahin'
'Huwag kang magpapahalata na alam mo
ang kaniyang lihim. Lihim mong ihanda
ang iyong sandata para may magamit ka
sa pagtatangol sa araw ng digma.'
''Nang sabihin niya iyon, bumalisbis
ang kaniyang luha. Niyakap niya akong
nang mahigpit."
"Huling tagubilin niya 'Bunso, magtiis
ka lamang. Sasabak ka na sa mundong
puno ng pagtataksil...'
"Pinigil niya ang kaniyang dila."
"Lumuha pati ang mga kaeskuwela ko.
Lalo na si Menandro. Hindi siya bumitaw
sa pagkakalapat ng mga balikat namin."
"Hanggang sa tinulutan siya ng aming
maestrong kaniyang amain na sumama
sa akin."
"Naroon ang aking maestro at iba pang
kasama hanggang sa daong. May
kahalong buntong-hininga ang aming
pamamaalam sa isa't isa."
"Hanggang sa humihip ang hanging
naglayo sa aming sasakyan mula sa
pasig ng Atenas."
BUOD NG KABANATA

Ang buod ng "Ang Kaaway na Lihim"


ay tungkol sa pagiging maingat sa
pagpapakilala ng mga taong hindi
natin kilala. Hindi lahat ng tao ay totoo
sa kanilang mga sinasabi at maaring
magpakilala lamang upang magdulot
ng masama sa atin.
PANGKAT UNA

MARAMING
SALAMAT
SA
PAKIKINIG!
Saknong 174-253

You might also like