ESP Week 3

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO
Noong bata ka pa,
naniwala ka ba na ang
konsensiya ay isang
anghel na bumubulong sa
ating tainga kapag tayo
ay gumagawa ng hindi
mabuti?
O itinuturing mo ito
bilang “tinig ng
Diyos” na
kumakausap sa atin
sa tuwing
magpapasiya tayo?
Ang konsensiya ang isa
sa mga kilos ng isip na
nag-uutos o
naghuhusga sa
mabuting dapat gawin
o sa masamang dapat
iwasan.
Malaki ang bahaging
ginagampanan nito sa
pagsisikap ng tao na
makapagpasiya at
makakilos nang
naaayon sa
kabutihan.
Sinasabing ang konsensiya
ang munting tinig sa loob
ng tao na nagbibigay ng
payo at nag-uutos sa
kaniya sa gitna ng isang
moral na pagpapasiya kung
paano kumilos sa isang
kongkretong sitwasyon
(Clark, 1997).
Waring bumubulong ito
palagi sa tagong bahagi ng
ating sarili na “ito ay
mabuti, ito ang
kinakailangan mong
gawin, ito ang nararapat”
o kaya naman ay “ito ay
masama, hindi mo ito
nararapat na gawin.”
May dalawang elemento ng
konsensiya.

Una, ang pagninilay upang


maunawaan kung ano ang tama o
mali, mabuti o masama; at paghatol
na ang isang gawain ay tama o mali,
mabuti o masama.

 Pangalawa, ang pakiramdam ng


obligasyong gawin ang mabuti.
Ayon naman kay Lipio may
dalawang mahalagang bahagi ng
konsensiya:

(1) ang paghatol moral sa


kabutihan o kasamaan ng isang
kilos, at

(2) ang obligasyong moral na


gawin ang mabuti at iwasan ang
masama.
Ang konsensiya ng tao ay
naka-ugat sa tinatawag na
Likas na Batas Moral.

Ang Likas na Batas Moral


ay ibinigay sa tao dahil
nakikibahagi siya sa
karunungan at kabutihan
ng Diyos.
Sa pamamagitan ng batas na ito,
may kakayahan siyang kilalanin
ang mabuti sa masama.

Ito ay nagsisilbing gabay ng tao


sa kainyang matuwid na pamumuhay.

Sa kaniyang pagsunod sa batas


moral, siya ay gumagawa ng
mabuti at isinasabuhay ang
makabuluhang pakikipagkapuwa.
Ang konsensiya ng tao kung saan
nakalapat na ang Likas na Batas Moral
ay ginagamit na personal na
pamantayang moral ng tao.

Ito ang ginagamit sa pagpapasiya


kung ano ang tama at kung ano ang mali
sa kasalukuyang pagkakataon.

 Dahil dito, mahalagang maunawaan


ang mga prinsipyo ng Likas na Batas
Moral.
Ang unang prinsipyo ng
Likas na Batas Moral ay
nagsasaad na “gawin ang
mabuti, iwasan ang
masama”.
Ang ikalawang prinsipyo ng Likas na Batas
Moral ay nahahati sa tatlong bahagi, ang mga
ito ay:
(1)Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan
ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay;
(2)Kasama ng mga hayop (mga nilikhang may
buhay at pandama), likas sa tao (nilikhang may
kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng
uri at papag-aralin ang mga anak; at
(3)Bilang rasyonal na nilalang, may likas na
kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan
at mabuhay sa lipunan
Kung isasabuhay ng tao ang
tamang paggamit ng
konsensiya batay sa Likas na
Batas Moral magagawa niya na
mamuhay ng payapa at
paipakita ang tunay na diwa
ng pagpapakatao na ito ay ang
pagmamahal at paggawa ng
mabuti sa kapuwa.
________1. Ang konsensiya ang isa sa mga kilos ng
isip.
________2. May dalawang elemento ng konsensiya –
Panuto. Basahin at pagninilay at paghatol.
unawain ang bawat
pangungusap. Isulat
sa patlang ang ________3. Ang Likas na Batas Moral ay ginagamit ng
salitang TAMA kung tao upang kilalanin ang mabuti at masama.
wasto ang isinasaad
ng pahayag at MALI
kung ito ay hindi ________4. Ang unang prinsipyo ng Likas na atas
wasto. Moral ay nagsasaad na “gawin ang masama, iwasan
ang mabuti”.

________5. Ang ikalawang prinsipyo ng Likas na Batas


Moral ay nahahati sa tatlong bahagi.
 1. Ano ang kaugnayan ng Likas na Batas Moral sa Konsensiya?
_________________________________________________________________
__________
_________________________________________________________________
__________
_________________________________________________________________
__________
_________________________________________________________________
Panuto. Sagutan __________
ang mga  2. Ano ang pagkakaiba ng paghatol moral at obligasyong moral?
sumusunod. Ipaliwanag.
(5 puntos bawat _________________________________________________________________
aytem) __________
_________________________________________________________________
__________
_________________________________________________________________
__________
_________________________________________________________________
__________
Panuto. Magbigay ng
mga sitwasyon sa
iyong buhay kung
saan ginamit mo ang
konsensiya at likas na
batas moral sa iyong
naging pagkilos at
pagpapagsiya at ano
ang naging resulta
nito.
1. Munting tinig na bumulong
sa atin ng dapat gawin.
Panuto. Bilugan a. isip
ang titik ng
pinakaangkop b. kilos-loob
na sagot.
c. konsensiya
d. batas moral
2. Ito ay ibinigay sa tao
dahil nakikibahagi siya sa
karunungan at kabutihan ng
Diyos
a. isip
b. kilos-loob
c. konsensiya
d. batas moral
3. Ano ang sinasabi ng ating konsensiya?

a. gawin ang mabuti, iwasan ang


masama
b. gawin ang masama, iwasan ang
mabuti
c. gawin ang parehong mabuti at
masama
d. iwasan ang parehong mabuti at
masama
4. Alin sa mga sumusunod
ang HINDI bahagi ng
ikalawang prinsipyo ng likas
na batas moral?
a. pangangalaga sa buhay
b. pagpaparami ng uri
c. paghahanap-buhay
d. pagtuklas ng katotohanan
5. Ang mga sumusunod ay
kahalagahan ng paghubog ng
tamang paggamit ng konsensiya
maliban sa:

a. tamang pagpapasiya
b. pagiging magalang
c. paggawa ng tama
d. pagmamahal sa kapuwa
1.C
2.D
3.A
4.C
5.B

You might also like