Avatar

ATHAZAGORAPHOBIC

@nyenyela / nyenyela.tumblr.com

Civil Engineer in the making || BULSUan || Proudly Bulakenya || Music Lover || Madaldal || Bully || NabuBully || Mapagmahal || Lalo na kay JC.

Time Flies.

September 11, 2013. Wednesday. Washday. My favorite day. Badtrip Kasi pag nakaUniform. Civil tas nakaUniform. Dapat laging civilian lang e! Haha. Chos lang. Anyways, isa pang dahilan kung bakit ko favorite day to, kasi, tuwing Wednesday kami nagkikita ng baby ko. :) Excited na ko. Tapos maya maya.. "Wala tayong Thermo mamaya!" Fk. Lahat masaya. Maliban sa isa. At ako yun. Sa lahat naman ng nawalan ng klase, ako yung nalungkot. Mas maaga kasi sa usual yung uwi ko. Ibig sabihin, 50:50 ang chance na makasabay ko si Baby. NagdoDota pa kasi yun e! :( Hay. Maitext na nga. "Baby. 3pm uwian namin." (8pm kasi usual na uwian namin) "Oh? Aga naman?" Ayan na nga bang kinakakaba ko. Feeling ko di na nya ko masasabayan. Hays. "Pano yan, maglalaro pa kami ni Vin?" Tuluyan na kong nainis. Badtrip! Mas gusto nya pa maglaro kesa makasama ako!!(Selfpity mode) "Sige. Maglaro ka na." Ayun na lang nasabi ko. Hay. Badtrip na talaga ko. Halos di ko na maintindihan yung pinagUusapan namin. Di ko na inintindi. Go with the flow na lang yung mga reply. Hanggang sa.. 2 messages.. "Uwian na lang kita ah. Ano gusto mo." "Wala kang gusto? Sige :)" Messages 5mins ago! Fk. Kailangan ko na magReply! Ano ba gusto ko? Chansa na to!! Kahit ano na nga lang!! Kung anu anong pagkain ang sinabi ko. Pero ang naalala ko lang ay Burger steak, fries at flip float. Yun kasi talaga yung gusto ko. :) Hay. Umasa na naman ako. Baka mamaya niloloko lang ako nito. Pag uwi ko, matulog muna ko. Ako lang magIsa sa bahay. Nasa lamay sila mama. Nasa Retreat naman si Mae. So alone. :( Pag gising ko, "Wait lang. Papunta na ko." Sakto yung pag gising ko ah. Sure mga 1hr bago sha makarating. At tama nga ako. 7:20pm sha dumating. At.. May dala shang foodssss!! Yey!! Ang saya saya ko. :) Habang iniintay namin si mama, naglaro kami ng tong its. Nang dumating na sila, ginawa naming pusta yung foods na uwi ni mama. Isang subo ng chao fan pag nanalo. Maya maya, nagulat kami, 1am na!! HAHAHA. Grabe. Time flies. :) Ang saya ng araw na to. Memorable :)

Inner Thoughts

Don't take anyone for granted. Isipin mo na lang na may mga taong parang LOBO, na hinding hindi na babalik sayo, once na pinakawalan mo.

I find it sweet when..

September 6, 2013. Pumunta si baby ko sa bahay. Kailangan nya daw kasi yung ID nya for intrams.(nasakin ID nya kasi yun ginagamit ko kasi nawawala yung ID ko :( He let me use it kahit pinilit ko pa sha para pahiramin ako. Haha! ) Habang nag-uutuan kami, biglang dumating si lolo’t lola. Unexpected. Bumulong ako sa kanya, “Magmano ka.” na ginawa naman nya. :) Kumain kami ng puto bungbong na dala nila lola. Pagtapos namin kumain, sabi nya, “3 na.” para bang nagpaparinig na kailangan na nyang umalis. Medyo nainis ako. Ewan ko. Pag ganun kasing bagay, kumikitid ang utak ko. Iniisip ko agad, nako ayaw akong kasama nito. Mga ganun. Kahit ang totoo naman talagang dahilan(sana yun nga) eh kailangan na nyang umalis at may kailangan pa shang ipasa at panuorin sa school(na may incentives DAW). So ang nasabi ko na lang ay, “Sige na. Umalis ka na.” Buti na lang at inisip nyang biro ang pagkakasabi kong yun. Pero sa totoo lang ay may halong inis ang mga salitang yun. Ilang beses kong inulit na umalis na sha hanggang sa tinuro nya si lolo(na ang ibig sabihin nya ay ipagpaalam ko sha). Dahil sa tulog si lolo, pinaalis ko na sha. At hinayaan di na magpaalam pa. Tumayo na sha sa kinauupuan nya. Bawat hakbang nya, para bang sinasabi ng isip kong pigilan sha. Pero hindi. Pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong isipin nyang makasarili ako. Ayokong isipin nyang possessive ako. Hinayaan ko sha. Tumingin na lang ako sa TV. Ilang segundo ang nakalipas, para bang may nagsabi sa isipan kong tumingin sa gate na nilabasan nya. Nang pagtingin ko, nandun pa sha. Sabi nya, “Sure ka na ba talaga? Aalis na ko?” “Wag. Mamaya na. Dito ka muna. Samahan mo muna ako.” yan ang dapat kong sabihin. Sa halip, ang sinabi ko’y, “Sige na.” kasabay ng isang pekeng ngiti. Sabay lingon muli sa TV. May binulong sya. May sinabi. Hindi ko narinig kaya lumingon ako ulit sa kanya. Tapos inulit nya.. Ang sabi pala.. . . “ILOVEYOU”.

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.