Wednesday, October 01, 2008

Goodbye

Please update your link with my new blog site:

http://wouldificould.wordpress.com/

Thank you.


Libay

Tuesday, September 30, 2008

Jamaica Mon

Mr. Gibby my cool lunch buddy went to Jamaica last week.... Boy I am so envious. I'd like to go there too :(



Look what I've got from him.... So coooooooooool. I like!





Thanks Mr. Gibby.... We can go to Genghis now lols :)..... Ooops not the Rolly ... that's MINE!

Monday, September 29, 2008

Naisip ko lang

Kausap ko kahapon yun isang barkada ko. Syempre ano pa ba ang topic kundi yung dapat idadate nya na di natuloy kasi nagbago ang isip niya. Nagkaroon na din ng takot makipag relasyon pagkatapos pumalpak yung una. Pero syempre gusto niya ulit ng bago dahil para sa kanya kailangan niya ng somebody sa buhay niya.

Bigla ko naisip... bakit ako parang di ko iniisip yun... na kailangan ko ng somebody sa buhay ko. Yung nanay ko nga palagi sinasabi sa akin anak mag-asawa ka na ok naman na kami... na provide mo naman na lahat... isipin mo naman ang sarili mo. Hehehe pag teen ager ka pa lang di mo madidinig sa parents mo yan... Ang sasabihin sa iyo mag-aral ka mabuti at wag ka muna magpapabuntis.

Bakit nga ba parang masaya na lang ako na nagwowork at nagplaplano kung anu-ano pang places ang gusto kong mapuntahan. Natutuwa ako sa mga bagong technology na natutunan ko at napapaglaruan... Di na yata ako normal hehehe. O baka nakarma ako sa mga kalokohan na pinag-gagawa ko. Kung karma sana ito ng plurk malamang nasa Nirvana na ako.

Kung bakit naman kasi madali ako magsawa at ma bore... O di kaya dahil masyado ako maagang kumirengkeng? Grade 6 ... maaga na yun diba? pero sa ngayon baka hindi na. Asaan na kaya si first love? Grade 5 pa lang love team na kami... tsk kung bakit naman kasi nung nagkita kami ulit nung high school may boylet ako tapos asa pa siya na magbabalikan kami.

Kung alam ko lang na sobrang matapobre yung parents nung boylet ko noon at kahit inabot kami ng 4 years eh sa wala lang din mapupunta sana kipagbalikan na lang ako kay first love...

Kung bakit naman kasi masalimuot ang buhay... nanahimik ka sa isang tabi biglang may magpaparamdam sa iyo ng kakaiba... sasambahin ka at ilalagay ka sa pedestal... tapos akala mo ok at masaya then sa huli di naman pala... Masyado kasi akong naging playful... masyado ako natuwa sa mga panandaliang kasayahan... masyado kong sinasaliksik ang mga bagay na nacucurious ako... Tuwang-tuwa ako sa mga nakaka challenge na bagay...

Tapos may dadating sa buhay mo na pakiramdam mo soulmate kayo... akala mo pwedeng magtagal kaso iiwan ka din naman pala at pupunta sa kabilang dulo ng mundo...

May panahon na ma oobsessed ka dahil natutuwa ka sa pagiging kakaiba niya. Yun bang napakaintelektuwal ng dating. Kaya kang dalhin... yun bang kapag siya ang nagsalita akala mo tama... yun bang parang di mo makontra dahil para sa kanya lahat ng bagay "in time" ay mangyayari. Kaso sa panahon ngayon dapat kumilos ka at kung aasa ka sa "in time" walang mangyayari sa earth. Sabi nga ni Jesus "Nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa".

May dadating naman sa buhay mo na taong sobrang bait... Susunod sa iyo at palaging yung kaligayahan mo ang iisipin. Kaso boring yun... alangan naman ikaw palagi magsasabi ng mga dapat mangyari o kung ano dapat ang gagawin at pupuntahan nyo. Sabi nga yun bait nasisira yun kaya dapat kaunting bait lang hehehe.

Along the way may makikita ka na mukang ok naman... sabi nga pag medyo lagpas ka na sa kalendaryo wag ka na daw masyado mapili... kaso ewan ko hindi ko kasi gusto sa lalaki yun sporty nga pero ayaw naman magulo yung buhok hehehe pwede ba yun?

Anyways naisip ko lang naman... ganito siguro talaga pag yun bang anim na araw na lang madadagdagan na naman ng point yun idad mo... Oh well number lang yan. Ang mahalaga masaya ka at wala naman masama maging single.