Karibe
(Idinirekta mula sa Caribbean)
Ang Karibe (sa Ingles: Carribean; bigkas: /ˌkærɨˈbiːən/ o /kəˈrɪbiən/; sa Olandes Caraïben ; sa Pranses: Caraïbe o mas karaniwan Antilles; sa Kastila: Caribe) ay isang rehiyon na binubuo ng Dagat Karibe, ang mga pulo nito (karamihan napapalibutan ng dagat), at ang mga nasa paligid na mga baybayin. Matatagpuan ang rehiyon sa timog-silangan ng Golpo ng Mehiko at Hilagang Amerika, silangan ng Gitnang Amerika, at sa hilaga ng Timog Amerika.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.