Don Quijote (tindahan)
Ang Don Quijote Co., Ltd. (株式会社ドン・キホーテ kabushiki gaisha Don Kihōte), kadalasang tinutukoy bilang Donki (ドンキ), ang pinaikling pangalan nito, ay isang Hapones na pangkat ng mga tindahang padiskuwento. Nag-aalok ang mga tindahang Donki ng mga samu't saring produkto, kabilang dito ang pamilihin, elektronika at kasuotan. Kakaiba ang Don Quijote sa mga ibang patingiang Hapones dahil bukas ito hanggang gabi-gabi (hanggang alas-3 o alas-5 ng umaga, o kahit 24 oras) at iniimpake nito ang mga paninda nito mula sa kisame hanggang sa sahig sa isang natatanging diskarte sa pangangalakal.
Pangalang lokal | 株式会社ドン・キホーテ |
---|---|
Uri | Pampublikong K.K. (TYO: 7532) |
Industriya | Tingian |
Itinatag | Setyembre 5, 1980 |
Nagtatag | Takao Yasuda |
Punong-tanggapan | Meguro, Tokyo, Hapon |
Dami ng lokasyon | 322 tindahan (Abril 2019)[1] |
Pinaglilingkuran | Hapon, Singapura, Tsina (Hong Kong at Makaw), Taylandiya, Taywan, Malasya, at Estados Unidos (California, Hawaii, at Guam) |
Produkto | Damit, pagkain, alahas, gamit sa bahay, kasangkapan, gamit sa isports at elektronika |
Kita | ¥1.94 trilyon (2022)[2] |
Kita sa operasyon | ¥105.26 bilyon (2022)[2] |
¥66.17 bilyon (2022)[2] | |
Kabuuang pag-aari | ¥1.48 trilyon (2022)[2] |
Kabuuang equity | ¥461.54 bilyon (2022)[2] |
Dami ng empleyado | 4,391 (2010) |
Magulang | Pan Pacific International Holdings Corporation[3] |
Subsidiyariyo | Don Quijote America |
Website | donki.com (sa wikang Hapones) |
Pagsapit ng 2021, mayroon itong mahigit 160 na lokasyon sa buong Hapon at tatlo sa Hawaii. Bukod dito, mayroon ding labing-anim sa Singapura, sampu sa Hong Kong, apat sa Malasya, walo sa Taylandiya, lima sa Taywan, dalawa sa Makaw, at isa sa Guam na may tatak na Don Don Donki.[4][5][6][7][8][9]
Kasaysayan
baguhinPinagmulan
baguhinItinatatag ni Takao Yasuda, nagbukas ang unang tindahan ng Don Quijote sa Suginami, Tokyo noong Setyembre 1980 sa ilalim ng orihinal nitong pangalan, Just Co. Orihinal na isang tindahang tingian, mabilis na lumipat ang Just Co. sa pakyawan noong 1982.[4][5][10]
Binuksan ng kompanya ang una nitong tindahan na pinangalanang "Don Quijote" sa Fuchu, Tokyo noong Marso 1989. Kasunod ng pagbabago ng pangalan, binago rin ng tindahan ang pangunahing negosyo nito mula sa pakyawan tungo sa patingian. Noon lamang 1995, makalipas ang anim na taon, na sumunod ang Just Co. at pinalitan din ang pangalan ng korporasyon ng Don Quijote Co., Ltd. Noong Hunyo 1998, nailista ang kompanya sa Pamilihang Sapi ng Tokyo.[5][10]
Noong 2005, binuksan ng idol group na AKB48 ang kanilang teatro sa ikawalong palapag ng Don Quijote sa Akihabara, Tokyo.[11] Sa taong din iyon, nagbukas ang isang ruweda sa harapan ng sangay ng Don Quijote sa Dōtonbori, Osaka.[12]
Noong Oktubre 2007, binili ng Don Quijote ang humihinang tindahan na Nagasakiya sa halagang 140 bilyon yen.[10] Nagsara ang tindahang ito at ang 3 pang grupo ng kompanya noong Oktubre 2017 para hindi lumaki pa lalo 432 bilyong yen na ang pinagsama-samang utang sa mga pinagkakautangan.[13] Patuloy na pinopondohan ng mga kreditor ang mga natitirang bahagi ng grupo.
Mga karagdagang ekspansiyon
baguhinSingapura
baguhinNagbukas ang unang tindahan ng Don Quijote sa Timog-silangang Asya sa Orchard Central, Singapura, noong Disyembre 1, 2017.[14][15][16] "Don Don Donki" ang pangalan ng mga tindahang ito dahil ginamit na ang pangalang Don Quijote ng isang lokal na restoran.[17] Kasunod na nagbukas ang Don Quijote ng pangalawang tindahan sa 100AM Mall sa Tanjong Pagar noong Hunyo 14, 2018.[18] Mayroong 16 na tindahang Don Don Donki sa Singapura.[19][20][21]
Singapura ang may pinakamaraming tindahang Don Don Donki sa labas ng inang kapuluan. Nakatira rin si Yasuda sa Singpura (sa Sentosa kung magiging espesipiko).[4]
Hong Kong
baguhinUmabot na rin ang Don Don Donki sa Hong Kong na may limang tindahan: isa sa Mira Place 2 sa Tsim Sha Tsui, isa sa OP Mall sa Tsuen Wan, isa sa Pearl City sa Causeway Bay, one at 100QRC sa Central at isa sa Monterey Place sa Tseung Kwan O.[22][23] Nagbukas sila ng isa pang tindahan sa Island Resort Mall sa Siu Sai Wan noong Pebrero 2021,[24] at sa TMT Plaza sa Tuen Mun noong Hulyo 2021.[25] Nagbukas ang tindahan sa Amoy Plaza sa Jordan Valley noong Enero 2022,[26] at isa pang tindahan ang nagbukas sa Fashion World sa Whampoa Garden noong Agosto 2022. Kabubukas lang ang sangay ng Don Don Donki sa Mong Kok noong 2024.
Maskot
baguhinAng pangalan ng opisyal na maskot ng Don Quijote ay Donpen (ドンペン). Ipinakilala noong 1998, inilalarawan siya bilang isang penguwinong asul na nakasuot ng sombrerong Santa at may katakanang "do" (ド) sa kanyang tiyan. Sa mga internasyonal na sangay ng Don Don Donki, pinalitan ang "do" ng letrang D. Mayroon ding babaeng katumbas ang kompanya na kilala bilang Donko (ドンコ), na kulay rosas at may puso sa kanyang tiyan.[27]
In December 2022, nagkakontrobersiya ang Don Quijote nang ipahayag nito na papalitan si Donpen ng isang antropomorpikong paglalarawan ng Katakanang karakter na "do" na ipinangalang Dojou-chan.[28] Binaligtad ang desisyon pagkaraan ng ilang araw pagkatapos ng pagbuhos ng suporta para sa maskot sa hatirang pangmadla.[29][30]
Mga komersyal na endorso at kolaborasyon
baguhinNoong Agosto 2024, nagkolab ang Amerikanong mang-aawit-manunulat na si Bruno Mars sa tindahan, at lumabas sa pinakabagong komersiyal. Nagsasayawan sina Mars, mga mananayaw na sina Miyu, Haruka, Miyuri at Miku, at ang maskot ng tindahan na si Donpen, sa may tindahang Mega Don Quijote sa Shibuya, habang kumukuha ng mga gamit mula sa "People Brand 'Jōnetsu kakaku'" ng tindahan. Sinulat ni Mars ang kanta at ipinrodyus ang patalastas para sa kampanyang "Donki Ikuyo" (ドンキイクヨ, lit. "Tara na sa Donki"). Bukod sa komersiyal, kabilang din sa kolaborasyon ni Mars at Don Quijote ang ilang eksklusibong paninda na inilabas sa loob ng maikling panahon noong Setyembre.[31][32][33][34][35]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "月次売上高速報 (Monthly Sales Report Highlights)". ppi-hd.co.jp (sa wikang Hapones). Pan Pacific International Holdings Corporation. Nakuha noong 25 Mayo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Consolidated Financial Highlights - PPIH" [Mga Pinagsama-samang Binigyang-diin sa Pananalapi - PPIH] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Du, Lisa (17 Abril 2019). "The Cult Japanese Retailer Making Billions Breaking All the Rules" [Ang Kultong Hapones na Magtitinging Kumikita ng Bilyun-bilyon sa Paglalabag ng Mga Panuntunan]. Bloomberg.com (sa wikang Ingles). Bloomberg L.P. Nakuha noong 18 Abril 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 "Don Quijote founder and his ties to Singapore" [Ang tagapagtatag ni Don Quijote at ang kanyang kaugnayan a Singapura]. AsiaOne (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-11-29.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 "(Donki) Corporate History" [Kasaysayan ng Korporasyon (Donki)] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-13. Nakuha noong 2008-03-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ong, Eunis (19 Marso 2021). "Japan's Popular Don Don Donki Has Finally Opened Its First Store In Malaysia At Lot 10, Bukit Bintang!" [Ang Sikat na Don Don Donki ng Japan sa wakas ay Nagbukas na ng Unang Tindahan Sa Malasya Sa Lot 10, Bukit Bintang!] (sa wikang Ingles). Klook. Nakuha noong 21 Marso 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "[STORE INFORMATION] DON DON DONKI THAILAND" [[IMPORMASYON NG TINDAHAN] DON DON DONKI TAYLANDIYA] (sa wikang Ingles).
- ↑ "驚安の殿堂 ドン・キホーテ". 驚安の殿堂 ドン・キホーテ (sa wikang Hapones). Nakuha noong 2024-07-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "海外リテール事業|PPIH(旧ドンキホーテHD)". ppih.co.jp (sa wikang Hapones). Nakuha noong 2024-07-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 10.2 "(PPIH) Corporate History" [Kasaysayan ng Korporasyon (PPIH)] (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-05-25. Nakuha noong 2019-05-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Girl idol group about mass exposure, fans". The Japan Times Inc. The Japan Times. Agosto 24, 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 25, 2010. Nakuha noong Hunyo 29, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kavanagh, Una-Minh (2018-01-30). "The famous Osaka Ferris wheel turns again after nine-year hiatus" [Ang sikat na Ruweda sa Osaka, umikot muli pagkatapos ng siyam na taong pahinga]. Lonely Planet (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Collapse of debt-ridden Nagasakiya signals the end of a tradition - IOL Business Report" [Ang pagbagsak ng baon-sa-utang na Nagasakiya, hudyat ng pagtatapos ng isang tradisyon - IOL Business Report] (sa wikang Ingles).
- ↑ "Japan's Donki to open first Southeast Asian store in Singapore" [Donki ng Hapon, magbubukas ng unang tindahan sa Timog-silangang Asya sa Singapura]. Channel NewsAsia (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-09-28. Nakuha noong 2018-08-07.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Varma, Ankita (2017-11-30). "Don Don Donki store opening at Orchard Central on Friday" [Tindahang Don Don Donki, magbubukas sa Orchard Central sa Biyernes]. The Straits Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-08-07.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Japan's Donki to launch second outlet in Singapore, first store set for Dec 1 opening" [Donki ng Hapon, maglulunsad ng ikalawang outlet sa Singapura, magbubukas ang unang tindahan sa Dis 1]. Channel NewsAsia (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-09-28. Nakuha noong 2018-08-07.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Japan's Don Don Donki targets 10 stores in Singapore by 2020". CNA (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-14. Nakuha noong 2020-01-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ng, Charmaine (2018-06-05). "Don Don Donki opening second outlet at 100AM in Tanjong Pagar on June 14" [Don Don Donki, magbubukas ng ikalawang outlet sa 100AM sa Tanjong Pagar sa Hunyo 14]. The Straits Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-08-07.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Japan's Don Don Donki targets 10 stores in Singapore by 2020" [Don Don Donki ng Hapon, target nila ang 10 tindahan sa Singapura pagsapit ng 2020]. Channel NewsAsia (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-08-07. Nakuha noong 2018-08-07.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Don Quijote rides high on rule-breaking reputation". Asahi Shimbun. Agosto 14, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 15, 2018. Nakuha noong Agosto 16, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tang, See Kit (15 Setyembre 2021). "A taste of Japan keeps Don Don Donki bustling despite pandemic; 2 new Singapore stores planned" [Tikim sa Hapon, nagpapasigla pa rin sa Don Don Donki kahit may pandemya; 2 bagong tindahan sa Singapura ang binabalak]. CNA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 21 Oktubre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Don Quijote Hong Kong Store List" [Talaan ng Mga Tindahang Don Quijote sa Hong Kong] (sa wikang Ingles). 2020-11-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Japanese discount megastore Don Quijote opens second store in Hong Kong to meet growing demand by fans" [Ang Hapones na megatindahang padiskuwento na Don Quijote, nagbukas ng ikalawang tindahan sa Hong Kong upang matugunan ang lumalaking demand ng mga tagahanga]. InvestHK - Government Department of Foreign Direct Investment (sa wikang Ingles). 2019-12-09. Nakuha noong 2020-01-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Japanese chain Don Don Donki to open three more Hong Kong stores" [Hapones na chain Don Don Donki, nagbukas ng tatlo pang tindahan sa Hong Kong]. South China Morning Post (sa wikang Ingles). 2020-09-30. Nakuha noong 2020-10-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Don Don Donki opens biggest Hong Kong store in Tuen Mun" [Don Don Donki, nagbukas ng pinakamalaking tindahan sa Hong Kong sa Tuen Mun]. Coconuts Media (sa wikang Ingles). 21 Hulyo 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-21. Nakuha noong 2021-12-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Donki is coming to Amoy Plaza this Christmas" [Donki, darating sa Amoy Plaza ngayong Pasko]. The Standard (sa wikang Ingles). 8 Setyembre 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Official Characters Donpen and Donko" [Mga Opisyal na Karakter na sina Donpen at Donko] (sa wikang Ingles). Don Quijote. Nakuha noong 2024-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Announcement of Don Quijote's beloved mascot being changed has shoppers in shock" [Natulala ang mga mamimili sa pag-anunsyo na papalitan ang pinakamamahal na maskot ng Don Quijote]. Japan Today (sa wikang Ingles). 2022-12-20. Nakuha noong 2024-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chan, Samantha (2022-12-21). "Donki discount store mascot survives axe after Japanese uproar". BBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-17.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Imada, Kaila (2022-12-19). "Don Quijote almost replaces its iconic penguin mascot" [Muntik nang palitan ng Don Quijote ang ikonikong penguwinong maskot nito]. Time Out Tokyo (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Donki ikuyo #ドンキイクヨ". Don Quijote official site (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Agosto 2024. Nakuha noong 24 Agosto 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ブルーノ・マーズ「ドン・キホーテ」CMでドンペンとダンス 映像プロデュース&ジングルも手がける". Oricon (sa wikang Hapones). 20 Agosto 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Agosto 2024. Nakuha noong 24 Agosto 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ブルーノ・マーズ、ドン・キホーテ新CMに出演&コラボグッズも 「ドンキイクヨ」をテーマに店内で踊る". Real Sound (sa wikang Hapones). 20 Agosto 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Agosto 2024. Nakuha noong 24 Agosto 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "【動画あり】ブルーノ・マーズがドンキ新cmに登場!「ドンキイクヨ」とMEGAドン・キホーテ渋谷本店のいたるところで踊る". The First Times (sa wikang Hapones). 21 Agosto 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Agosto 2024. Nakuha noong 24 Agosto 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The New Face of Donki is… Bruno Mars?" [Ang Bagong Mukha ng Donki ay... si Bruno Mars?]. Tokyo Weekender (sa wikang Ingles). 21 Agosto 2024. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Agosto 2024. Nakuha noong 24 Agosto 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)