Ang Don Quixote o Don Quijote (Kastila: , pagbigkas sa wikang Kastila: [doŋ kiˈxote]), buong pamagat El ingenioso hidalgo Don Quijote de la Mancha ("Ang Mahusay na Ginoong si Don Quixote ng La Mancha") ay isang nobelang sinulat ng Kastilang may-akda na si Miguel de Cervantes Saavedra. Nilikha ni Cervantes ang gawa-gawang pinagmulan ng kuwentong ito na nakabatay sa manuskrito ng isang inimbento o kathang-isip na Morong dalubhasa sa kasaysayanng nagngangalang Cide Hamete Benengeli.

Don Quixote
Tansong bantayog nina Don Quixote (kaliwa) at Sancho Panza
May-akdaMiguel de Cervantes Saavedra
Orihinal na pamagatEl ingenioso hidalgo Don Quijote de la Mancha
BansaEspanya
WikaKastila
DyanraPikaresko, satira, parodiya, parsa, nobelang sikolohika
TagapaglathalaJuan de la Cuesta
Uri ng midyaLimbag (Matigas at malambot na pabalat)

Nalathala ang aklat sa dalawang tomo o bahagi, isa noong 1605 at isa pa noong 1615). Itinuturing ito bilang ang unang makabago o modernong nobela. Tungkol ito kay Don Quixote, ang Lalaki ng o nagmula sa La Mancha. Naniniwala si Don Quixote na isa siyang kabalyero at nagsagawa ng "makabayaning" mga pagliligtas o pagsasagip, kabilang ang pagpaslang ng mga mulino. Una itong nasulat sa Kastila, at lumaong naisalinwika sa Ingles ni Thomas Shelton.

Ang nobelang ito ay isinalin din sa Tagalog mula sa Kastila ng manunulat na si Teodoro Gener noong huling bahagi ng dekada 1930.

Ang kantang The Impossible Dream na sinulat para sa 1965 Broadway musical at sumunod ay sa 1972 pelikulang Man of La Mancha ay sumikat sa buong mundo pati sa Pilipinas. Ito ay kilalang paboritong awitin ni Benigno Aquino Jr. at Evelio Javier, mga tinuturing na bayani sa paglalaban sa rehimen Ferdinand Marcos.


PanitikanEspanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.