Pumunta sa nilalaman

Punong Ministro ng Reyno Unido

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 17:37, 6 Hulyo 2024 ni Bluemask (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Punong Ministro ng Reyno Unido ng Dakilang Britanya at Hilagang Irlanda
Incumbent
Sir Keir Starmer

mula 5 July 2024
IstiloAng Matwid na Kagalang-galang
Tirahan10 Downing Street, Londres
Chequers, Buckinghamshire
NagtalagaMonarkiya ng Reyno Unido
Haba ng terminosa kaluguran ng Kanyang Kamahalan[1] na may kasamang Pangkalatang Halalan kada limang taon.[2]
Nabuo4 Abril 1721; 303 taon na'ng nakalipas (1721-04-04)
Sahod£142,000 (kasama ang £65,000 na sahod ng MP)
Websaytwww.number10.gov.uk

Ang Punong Ministro ng Reyno Unido (Ingles: Prime Minister of the United Kingdom) ang pinuno ng Pamahalaan ng Reyno Unido. Ang Punong Ministro at Gabinete ng Reyno Unido (na binubuo ng mga nakatatandang ministro na mga pinuno ng mga kagawaran ng pamahalaan) ay sama-samang pinapanagot sa kanilang mga patakaran at aksiyon sa Monarkiya, sa Parlamento, sa kanilang mga partidong pampolitika at sa kanilang elektorada. Ang kasalukuyang Punong Ministro ng Reyno Unido ay si Rishi Sunak mula noong Oktubre 25, 2022.

Ang opisinang ito ay hindi itinatag ng anumang saligang-batas o batas ngunit umiiral lamang ayon sa matagal na itinatag na kombensiyon na nagtatadhana na ang monarko (Reyna) ay dapat humirang bilang Punong Ministro ang taong pinakamalamang na may kompiyansa ng House of Commons ng Conservative Party. Ang indibidwal na ito ay tipikal na ang pinuno ng partido o koalisyon na humahawak ng pinakamalaking bilang ng upuan sa kamara. Ang posisyon ng Punong Ministro ay hindi nilikha. Ito ay mabagal na nagebolb sa 300 taon dahil sa mga maraming akto ng Parlamento, mga pag-unlad sa politika at mga aksidente ng kasaysayan. Ang mga pinagmulan ng posisyon ay matatagpuan sa mga pagbabago sa Saligang Batas na nangyari noong Revolutionary Settlement (1688–1720) at nagreresultang paglipat ng kapangyarihang pampolitika mula sa Soberanya tungo sa Parliyamento. Bagaman ang Soberanya ay hindi inalisan ng mga sinaunang prerogatibong kapangyarihan at nanatiling pinuno ng pamahalaan ng naayon sa batas, unti-unting kinailangan para dito na mamahala sa pamamagitan ng Punong Ministro na may mayorya sa Parliyamento. Noong mga 1830, ang sistemang Westminister ng pamahalaan o pamahalaang gabinete ay lumitaw. Ang Punong Ministro ay naging primus inter pares o ang una sa mga magkatumbas sa Gabinete at ang pinuno ng pamahalaan ng United Kingdom. Ang posisyong pampolitika ng Punong Ministro ay pinalakas ng pag-unlad ng mga modernong partidong pampolitika, ang pagpapakilala ng pang-masang komunikasyon(hindi mahal na diyaryo, radyo, telebisyon at internet) at potograpiya. Sa ika-20 siglo, ang modernong pagkapinuno ay lumitaw. Ang opisinang ito ay naging isang pre-emininteng posisyon sa herarkiyang konstitusyonal vis-a-vis ang Soberanya, Parlamento at Gabinte. Bago ang 1902, ang Punong Ministro ay minsang nagmumula mula sa Kapulungan ng mga Panginoon kung ang kanyang pamahalaan ay makakabuo ng mayorya sa Kapulungan ng mga Karaniwan. Gayunpaman, dahil ang kapangyarihan ng aristokrasya ay umunti noong ika-19 siglo, ang kombensiyon ay nabuo na ang Punong Ministro ay dapat palaging uupo sa mababang kapulungan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]