Akson
Ang akson(Ingles: axon) ay ang parte ng neuron o selula ng utak na tumutubo mula sa soma o katawan ng selula. Ang kahabaan nito ay nakasalalay sa lugar kung saan ito matatagpuan. Ang mga neuron na may mahabang akson ay kalimitang sumasakop sa iba't ibang parte ng katawan tulad ng utak. Ang iba naman na may maiikling akson ay matatagpuang kadalasan sa utak o sa pinakaloob ng espinal na kordo bilang mga interneuron na may tungkuling mamagitan sa dalawang nagpapahayagang mga neuron. Mahalaga ito para sa pag-uugnay at pagpapahayag ng mga neuron na nagaganap sa sinapse. Naglalaman ang akson ng membrano ng selula na tinatadtaran ng mga maliliit na butas na siyang nagpapadaloy sa mga ions na kailangan ng mga selula upang mabuhay. Sa komplikadong paraan ng mga pagdaloy na ito ay nagagawa ng neuron na magkaroon ng tinatawag na aksiyon potensiyal, isang elektrokemikal na pulso na siyang dumadaloy sa kahabaan ng akson. Ang pulso na dumadaloy sa akson ay nanggagaling mula sa akson at may adhikang makipag-usap sa kaugnay na neuron, na siya namang tatanggap ng pulso hindi sa akson kundi sa soma lalong lalo na sa mga sanga nito.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Neurosiyensiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Neurosiyensiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.