Pumunta sa nilalaman

André Breton

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si André Breton (Pranses: [ɑ̃dʁe bʁətɔ̃]; 19 Pebrero 1896 – 28 Setyembre 1966) ay dating manunulat at makatang Pranses. Mas kilala siya bilang ang tagapagtatag ng surrealism. Kasama sa mga isinulat niya ang unang Manifeste du surréalisme ng 1924, kung saan itinukoy niya ang surrealism bilang pure psychic automatism.

Ipinanganak sa pamilyang katamtaman ang yaman sa Tinchebray (Orne) sa Normandy, pinag-aralan niya ang medisina at saykayatriya. Sa Panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig, nagtrabaho siya sa isang neurological ward sa Nantes, kung saan niya nakilala ang deboto ni Alfred Jarry, si Jacques Vaché, na ang ugaling kontra-lipunan at panghahamak sa nakatatag na tradisyong artistiko ay naka impluwensiya ng malaki kay Breton. Nagpakamatay si Vaché sa gulang na 24, at ang mga sulat niya noong panahon ng digmaan ay nailathala sa isang tomo ng Lettres de guerre (1919), kung saan sumalat si Breton ng apat na panimulang sanaysay.

Nagpakasal si Breton sa una niyang asawa, Simone Kahn, noong Setyembre 15, 1921. Lumipat sila sa rue Fontane #42 sa Paris noong Enero 1, 1922. Ang apartment niya sa rue Fontaine (sa distrito ng Pigalle) ay naging tahanan sa koleksyon ni Breton ng mahigit sa 5,300 na mga gawa niya: mga modernong larawan, guhit, iskultura, litrato, libro, katalogong sining, pahayagan, manuskrito, at mga gawang tanyag at Sining Karagatan.