Pumunta sa nilalaman

Apuleyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Apuleius)
Apuleius
Kapanganakan125 (Huliyano)
    • M'Daourouch
  • (M'Daourouch District, Lalawigan ng Souk Ahras, Algeria)
Kamatayan170 (Huliyano)
MamamayanSinaunang Roma
Trabahomanunulat, pilosopo, nobelista, makatà, manggagamot
Asawaunknown

Si Lucio Apuleyo (sirka 123/125[1] – sirka 180) ay isang manunulat na Latin ang wikang gamit. Ang prosang higit na naaalala sa kanya dahil sa kanyang nobelang Metamorphoses, na kilala rin bilang Asinus Aureus o The Golden Ass sa Ingles ("Ang Ginintuang Asno"). Isa siyang romanisadong Berber[2]

Ipinanganak si Apuleius sa Madaura, Aprika. Nag-aral siya sa Atenas bago maging isang tagapagsulong o tagapagtaguyod sa Roma. Naglakbay siya sa Hilagaing Aprika upang talakayin o magturo ng ukol sa pilosopiya at retorika. Habang nasa Tripoli, kinasuhan siya ng paggamit ng pangkukulam upang mapagwagian ang pag-ibig ng isang mayamang balo. Dahil sa kanyang depensa, nanalo siya sa kasong ito. Pagkaraan, pumunta at nanatili siya sa Cartago, ang lugar kung saan siya namatay.[1]

Bagaman hango o adaptasyong Latin lamang ang nobelang Ang Ginintuang Asno ni Apuleius mula sa isang halos nakaligtaan nang Griyegong kuwento ng romansa ni Lucius ng Patras, dahil kay Apuleius napanatili ang isang natatanging halimbawa ng "mababaw" o "magaang" na panitikan ng sinaunang Griyego, kasama ang kuwentong-bayan tungkol kay Kupido at Psyche.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Mee, Arthur; J.A. Hammerton. "Apuleius, ipinanganak noong bandang 125 A.D.". The World's Greatest Books, Vol. I, Fiction. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 45.
  2. Isinasaad sa Encyclopedia Americana, Scholastic Library Publishing, 2005, tomo 3, p. 569 na pinakakilala sa mga Berber ang Romanong may-akdang si Apuleius, ang Romanong emperador na si Septimius Severus, at si San Agustin.


TalambuhayPanitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.