Bénilde Romançon
Si San Benildo Romançon o Benildus Romançon[1] (Hunyo 13, 1805 - Agosto 13, 1862), kilala rin bilang Bénilde Romançon, ay isang Kristiyanong Kapatid na Lalaki na ipinanganak bilang Pedro Romançon, na Peter Romançon[1] (sa Ingles) o Pierre Romançon (sa Pranses).
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak siya sa Thuret, Pransiya. Noong isa pa lamang siyang batang lalaking may labingtatlong gulang, nagpunta siyang kasama ang kanyang ama sa Clermont, kung saan napansin niya ang isang lalaking kapatid sa pananampalataya na nakasuot ng itim na abito at pantabing sa ulo, at kasapi sa Mga Kapatid na Lalaki ng mga Kristiyanong Paaralan. Nakintal ang pangyayaring ito sa bata pang si Benildus, kaya't lumaon siyang pumasok sa kongregasyong ito ng mga tagapagturo. Sa pagkakataong ito niya ginamit ang pangalang Benildus. Pagkaraang makapagturo ng relihiyon sa ilang mga paaralan, naitalaga siya bilang superyor o pinuno ng pamayanan ng mga relihiyosong kapatid na lalaki sa Saugues. Sa Saugues siya nananatili sa loob ng panahon ng kanyang nalalabing buhay sa mundo. Sa pagdating ng gulang na nasa bandang 50, nagkaroon si Romançon ng sakit na rayuma. Namatay siya noong 1862. Ipinagdiriwang ang kanyang araw tuwing Agosto 13.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.