Pumunta sa nilalaman

Bushranger

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Huwag itong ikalito sa tanod-gubat.

Ang bushranger o bush ranger (literal na may kahulugang "tanod ng talahiban" o "tanod ng palumpungan") ay isang salitang Ingles na tumutukoy sa isang magnanakaw na naninirahan sa the bush (literal na "ang palumpungan") ng Australia. Karaniwang nagnanakaw ang mga bushranger ng mga mamamahaling mga bagay magmula sa mga bangko o sa mga karwahe. Mayroong mahigit sa 2,000 mga bushranger sa nakaraang kasaysayan ng Australia. Ang karamihan sa kanila ay payak na mga kriminal at mga magnanakaw lamang. Ang ilan sa mga bushranger ay naging bantog at tinanaw bilang mga bayani. Bahagi sila ng isang mahabang kasaysayan na may pagkaka-ugnay kina Robin Hood at Dick Turpin sa Inglatera, o Jesse James at Billy the Kid sa Estados Unidos.[1]

Sa malawak na kahulugang orihinal ang mga bushranger ay mga preso o salaring nakatakas mula sa mga bilangguan noong maaagang mga taon sa Britanikong pamayanan ng Australia na mayroong mga kasanayang makaligtas na kailangang gamitin sa palumpungan ng Australia bilang isang kanlungan at kublihan upang makapagtago magmula sa mga may kapangyarihan. Ang katagang "bushranger" ay umunlad upang tumukoy sa mga tumalikod sa mga karapatan at mga pribilehiyong panlipunan upang gumamit ng mga sandata sa gawaing pagnanakaw bilang isang paraan ng pamumuhay, na ginagamit ang "palumpungan" bilang himpilan nila.[2] Ang ganitong mga "bushranger" ay magaspang na kahawig ng Britanikong mga "highwayman" at ng mga "road agent" ng Sinaunang Kanluran ng Amerika at ang kanilang mga krimen ay madalas na kinabibilangan ng pagnanakaw mula sa mga bangko ng maliliit na mga bayan o mga karwaheng pangserbisyo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Davey, Gwenda; Graham Seal (1993). The Oxford Companion to Australian Folklore. Melbourne: Oxford University Press. pp. 58–59. ISBN 0195530578.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "AUSTRALIAN BUSH RANGERS". Stand and Deliver, Highwaymen & Highway Robbery. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-18. Nakuha noong 2007-04-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)