Cornelio Villareal
Cornelio T. Villareal | |
---|---|
Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas | |
Nasa puwesto Abril 1, 1971 – Setyembre 23, 1972 | |
Pangulo | Ferdinand Marcos |
Nakaraang sinundan | Jose Laurel, Jr. |
Sinundan ni | Querube Makalintal[1] |
Nasa puwesto Marso 9, 1962 – Pebrero 2, 1967 | |
Pangulo | Diosdado Macapagal (1962–1965) Ferdinand Marcos (1965–1967) |
Nakaraang sinundan | Daniel Romualdez |
Sinundan ni | Jose Laurel, Jr. |
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan from Ikalawang Distrito ng Capiz | |
Nasa puwesto Disyembre 30, 1941 – Setyembre 23, 1972 | |
Nakaraang sinundan | Jose A. Dorado |
Sinundan ni | Binuwag ang posisyon |
Nasa puwesto Hunyo 30, 1987 – Hunyo 30, 1992 | |
Nakaraang sinundan | Muling itinatag ang posisyon |
Sinundan ni | Vicente J. Andaya, Jr. |
Personal na detalye | |
Isinilang | 11 Setyembre 1904 Mambusao, Capiz, Pilipinas |
Yumao | 22 Disyembre 1992 Kalakhang Maynila, Pilipinas | (edad 88)
Kabansaan | Pilipino |
Partidong pampolitika | Partido Liberal |
Asawa | Angeles Lerma |
Alma mater | Pamantasang Silliman, Philippine Law School |
Trabaho | abogado |
Si Cornelio T. Villareal (11 Setyembre 1904 – 22 Disyembre 1992) ay isang politiko sa Pilipinas na naglingkod bilang Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1962 hanggang 1967, at muli mula 1971 hanggang 1972. Kilala bilang Kune, nagtagal ng anim na dekada ang larangan niya sa kongreso bilang kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Capiz.
Karerang pampolitika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang karerang pampolitika ni Villareal ay nagsimula nang siya ay mapili bilang delegado para sa Konbensyong Konstitusyonal ng 1935 noong 1934. Noong 1941, Si Villareal ay bilang isang Miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan, mula sa Ikalawang Distrito ng Capiz. Ang kanyang termino ay naantala ng lumusob ang Hapon noong 1941, ngunit nakuha niya muli ang posisyon noong 1945. Siya ay muling nahalal noong 1946 sa ilalim ng Partido Liberal, hanggang 1972. Noong 1951, si Villareal ay hindi pinalad na manalo sa Senado ang Philippine, para sa binakanteng puwesto ni Fernando Lopez, na nahalal bilang Bise-Presidente. Si Villareal ay unang nahalal na Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan noong panahon ng ika-5 Kongreso, noong Marso 1962. Sa panahon ng ika-6 na Kongreso, siya ay tinalo ni Jose Laurel, Jr. ng Partido Nacionalista bilang speaker noong 1967. Nabawi ni Villareal ang posisyon mula kay Laurel, Jr. sa panahon ng ika-7 Kongreso noong 1971, at nagsilbi hanggang sa buwagin ang Kongreso nang ideklara ni Pangulo Ferdinand Marcos ang batas militar noong Setyembre 1972. Siya ay nagretiro sa politika hanggang sa mapatalsik si Marcos. Sa edad na 83, muli siyang nahalal sa kanyang upuan sa Ikalawang Distrito ng Capiz noong 1987. Siya ay ang pinakamatandang miyembro ng ika-8 Kongreso, habang ang kanyang kasamahan mula sa Capiz, si Gerardo "Dinggoy" Roxas, Jr, ang pinakabatang miyembro ng Kongreso.
Si Villareal ay hindi na muling tumakbo kasunod ng pag-expire ng kanyang termino noong Hunyo 1992. Namatay siya pagkatapos ng anim na buwan, sa edad na 88.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Binuwag ang Kongreso noong 1972, pinalitan ng Batasang Pambansa mula 1978 hanggang 1986
Sinundan: Daniel Romualdez |
Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan 1962–1967 |
Susunod: Jose Laurel, Jr. |
Sinundan: Jose Laurel, Jr. |
Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan 1971–1972 |
Susunod: Querube Makalintal |
Sinundan: Jose A. Dorado |
Kinatawan, Ikalawang Distrito ng Capiz 1941–1972 |
Susunod: seat abolished |
Sinundan: Bagong gawa |
Kinatawan, Ikalawang Distrito ng Capiz 1987–1992 |
Susunod: Vicente J. Andaya, Jr. |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.