Pumunta sa nilalaman

Digmaang Gotiko (535–554)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Digmaang Gotiko
Bahagi ng tngka ni Justiniano sa muling pagsakop sa Kanlurang Imperyong Romano
Petsa535–554 (18–19 years)
Lookasyon
Italya at Dalmatia
Resulta Panandaliang Silangang Romanong pananakop, mahabaang pagkawasak ng Italya, Pirikong Pagkapanalo ng Silangang Roma
Pagbabago sa
teritoryo
Sicilia, kalupaang Italya at Dalmatia na inokupa ng Silangang Imperyong Romano
Mga nakipagdigma
Silangang Imperyong Romano
Hun
Heruli
Sclaveni
Lombardo
Ostrogodo
Franks
Alamanni
Burgundians
Mga kumander at pinuno
Justiniano
Belisarius
Mundus 
John
Narses
Bessas
Germanus
Liberius
Conon
Artabazes
Constantinianus
Vitalius
Cyprian
Theodahad
Vitiges
Ildibad
Eraric
Totila 
Teia 
Uraias
Uligisalus
Asinarius
Indulf
Scipuar
Gibal
Padron:Campaignbox Wars of Justinian I

Ang Digmaang Gotiko sa pagitan ng Silangang Romanong (Byzantine) Imperyo noong panahon ng paghahari ni Emperador Justiniano I at ng Ostrogodong Kaharian ng Italya nangyari mula 535 hanggang 554 sa Tangway ng Italya, Dalmatia, Cerdeña, Sicilia, at Corsica. Isa ito sa pinakahuli sa maraming Digmaang Gotiko na nilahukan ng Imperyong Romano. Nag-ugat ang digmaan sa ambisyon ng Silangang Romanong Emperador na si Justiniano I na mabawi ang mga lalawigan ng dating Kanlurang Imperyo ng Roma, na nakuha sa mga Romano sa pagsalakay ng mga barbarong tribo noong nakaraang siglo (ang Panahon ng Migrasyon).

Ang digmaan ay sumunod sa muling pananakop ng Silangang Romano sa lalawigan ng Africa mula sa mga Bandalo. Karaniwang hinahati ng mga mananalaysay ang digmaan sa dalawang yugto:

  • Mula 535 hanggang 540: nagtatapos sa pagbagsak ng Ostrogodong kabesera ng Ravenna at ang maliwanag na muling pananakop ng mga Bisantino sa Italya.
  • Mula 540/541 hanggang 553: isang Godong pagpapanumbalik sa ilalim ni Totila, na napigilan lamang pagkatapos ng mahabang pakikibaka ng Bisantinong heneral na si Narses, na tinanggihan din ang pagsalakay noong 554 ng mga Franco at Alemanni.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]