Eiji Wentz
Eiji Wentz | |
---|---|
Kapanganakan | 8 Oktubre 1985 |
Mamamayan | Hapon |
Trabaho | mang-aawit, artista, batang artista, modelo |
Isang mangaawit, aktor, at komedyante si Eiji Wentz (ウエンツ瑛士, ウエンツえいじ, Uentsu Eiji; ipinanganak 8 Oktubre 1985) mula sa Tokyo, Hapon. Siya ay tanyag na kasapi ng duo na WaT at ng kompanyang pamproduksiyon na "Burning Productions".
Maagang Buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bunso at pangalawang anak na lalake si Eiji Wentz, na isinilang sa isang Amerikanong-Aleman na ama at Hapones na ina. Dahil sa Amerikanong pinagmulan ng pamilya, bihasa ang kanyang ama at kuya sa Ingles.Dahil sa kinakailangang parehong magtrabaho ang kanyang mga magulang, tumira si Eiji sa kanyang lola noong kamusmusan niya. Bilang isang tinedyer, nagtapos siya ng hayskul sa Nippon University Sakuragaoka High School.
Bago Sumikat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Napasama siya sa industriya ng syobis sa napakamurang edad. Nagsimula siya bilang modelo sa edad na 4 at nagsimula siya sa pag-arte sa papel na si Chip sa Four Seasons Musical Troupe Production ng Beauty and the Beast. Sumikat siya bilang batang aktor sa Tensai Terebikun MAX(Tensai Terebikun lamang noong kapanahunan niya), kung saan siya tumugtog ng bass guitar at piano sa edad na 10. Sa mga live na pagtatanghal, tinutugtog din niya ang acoustic bass at keyboard. Sinimulan lang niyang matutong tumugtog ng gitara sa edad na 17.
Matapos umalis sa Tensai Terebikun, inalukan siya ng trabaho ng Johnny's Entertainment pero tinanggihan niya ito sapagkat ayaw niyang sumayaw at ang gusto niya ay magpatawa. Napasok siya sa Burning Productions sa mungkahi na rin ni Hiromi Go.
Karera sa Komedya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayaw niyang gamitin ang kanyang guwapong hitsura upang sumikat sa pagpapatawa, ngunit kinakailangan niyang ipakita ang kanyang tunay na pagkatao. Dahil sa kanyang sipag at determinasyon sa trabaho, marami ang nagsasabing isa siya sa mga pinakamagaling na papausbong na komedyante. Sabi ni Eiji, mahal na mahal niya ang kapwa sikat na komedyante na si Housei Yamazaki dahil sa tagal din ng pinagsamahan nila noon sa Tensai Terebikun. Sa katunayan, sa 21 Nobyembre 2005 na episodo ng HEY! HEY! HEY! MUSIC CHAMP ng Fuji Television, sinabi ni Housei sa mga host na "Siya ang kauna-unahang lalaking rumespeto sa 'kin." Bagaman si Yamazaki ang kanyang "Diyos ng Komedya", humuhugot din siya ng inspirasyon mula kina Kouji Imada, Hiroyuki Miyasako, Hiroshi Shinagawa, atbp.
Karera sa Pag-arte
[baguhin | baguhin ang wikitext]Marami nang ginampanang papel si Eiji sa pelikula at telebisyon, malaki man o maliit. Ginusto niyang maging si Kamen Rider ngunit hindi niya nakuha ang papel matapos mag-awdisyon ng dalawang beses. Subalit, nakakuha siya ng papel sa pelikulang Kamen Rider THE FIRST noong 2005, ngunit hindi niya nakuha ang pagiging bida.
Karera sa Musika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matapos lisanin ang Tensai Terebikun, nagpatuloy pa din siya sa pagtugtog ng musika at binuo ang bandang WaT kasama si Teppei Koike noong 2002. Nagsimula muna sila sa pagtugtog sa mga lansangan. Noong 2004, naglabas sila ng indies CD. Noong Agosto 2005, nakontrata sila sa Universal Music at nilunsad ang kanilang malaking debut ng Nobyembre ng taong din iyon. Bagaman nailang pa siya kay Teppei noon, malapit na malapit na ngayon ang dalawa. Naka-apat na Pasko na si Eiji kasama si Teppei(Sa unang taon, nagpakuha sila ng purikura sa Shinjuku, sa ikalawang taon tumakbo sila sa isang marathon para sa shooting ng kanilang unang music video, sa ikatlong taon sabay silang kumain sa isang restoran ng salisbury steak, at sa ikaapat na taon nagkaroon sila ng WaT event kasabay ng shooting para sa Love Com). Nang tanungin tungkol sa kanyang karera sa hinaharap, sa katotohanang sa halip na musika, ay mas gusto pa niyang yumabong ang kanyang karera sa telebisyon, nangilid ang mga luha ni Eiji at sinabing ayaw niyang isuko ni Teppei ang musika kaya't gusto na rin niyang magpatuloy. Nagmula ang impluwensiya ni Eiji sa musika mula sa Mr. Children at The Yellow Monkey. Sa partikular, hinahangaan niya ang pangunahing mangaawit ng The Yellow Monkey na si Kazuya Yoshii, na nagkataong kahati pa niya sa kaarawan (Okt. 8). Sa radyo, nabanggit ni Kazuya kay Eiji na, "Balang araw, isusulat kita ng erotikong kanta na aawitin mo."
Mga Pinagbidahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Telebisyon
Variety
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pretty Kids (TV Tokyo) regular
- Nounai esute IQ Supli (Fuji TV) regular
- Barioku! (Nippon TV) host
- Ame ni mo makezu! (Fuji TV) host
- Ponkikki (Fuji TV) host
- Ai Nori (Fuji TV) host
- D no gekijyou (Fuji TV) regular
Dulang Pantelebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- dulaa sa loob ng palabas sa NHK na Tensai Terebi-kun na tinatawag na Kyuumei Senshi Nano Saver (1995)
- NHK Toshiie Tomatsu (2002) bilang Mori Ranmaru
- Nippon TV Tentei Kazoku (2002) bilang Tomoda Yuuki
- Nippon TV Gokusen, part 6 panauhin (2002) bilang Yuuki Masato
- Nippon TV Raion Sensei (2003) bilang Furuta Takumi
- Fuji TV Fukiko Hemingu no Kiseki (2003) bilang Ootsuki Urufu
- TV Asahi Aa, Tentei Jimusho" (2004) bilang Inaba Yusuke
- TBS Kanou Ai no Gekijou: Tadashii Renai no Susume (2005) bilang Takeda Hiroaki (unang papael na bida)
- TBS -RONDO- (2006) bilang Toda Masato
*PAALALA: Sa tradisyong Hapones, nauuna ang apeliyido bago ang unang pangalan.
Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kamen Rider THE FIRST (5 Nobyembre 2005) Mitamura Haruhiko (unang pelikula)
- Brave Story (8 Hulyo 2006) Ashikawa Mitsuru (unang voice acting)
- Rabu Con (15 Hulyo 2006) Dancing Yoshiko
- Captain Tokyo (2007) Furuta
- Gegege no Kitarou (2007) Kitarou (unang papel na bida)
- Gegege no Kitarou ~Sennen Noroi Uta~ (2008) Kitarou
Silipin Din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Wentz Eiji Fansite (Ingles)
- ★★★ ウエンツ 瑛士 ★★★ Naka-arkibo 2009-03-06 sa Wayback Machine. - (Personal Official Site) (sa Hapones)
- WaT公式ホームページ - (WaT's Official Site) (sa Hapones)