Pumunta sa nilalaman

Henry Alford

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Henry Alford

Si Henry Alford (Oktubre 7, 1810 - Enero 12, 1871) ay isang Ingles na alagad ng simbahan, teologo, ikslora, makata, himnodista, at manunulat.

Isinilang si Alford sa London, sa isang pamilyang Somerset, na nakapagbigay ng limang magkakasunod na salinlahi ng mga pari sa Simbahang Angglikano. Sa unang mga taon ng kaniyang buhay, namuhay siyang kapiling ang kaniyang amang namatayan na ng asawa, na isang kurado ng Steeple Ashton sa Wiltshire. Bilang bata, maaga siyang kumilos na katulad ng mga may-edad nang tao, at nakasulat na siya ng ilang mga tulang Latin bago pa man umabot sa gulang na sampu, isang kasaysayan ng mga Hudyo, at isang magkakasunud-sunod ng homiletikong balangkas. Makaraan ang isang mahaba o peripatetikong kurso sa paaralan, nagtuloy siya sa Kolehiyong Trinity sa Cambridge noong 1827, bilang isang iskolar. Noong 1832, isa na siyang ika-34 na tagapagdebate o wrangler at ika-walong "klasiko", at naging kasaping-kapatid sa kapatiran ng Kolehiyong Trinity.

Isa itong sipi mula sa isang tulang sinulat ni Henry Alford (nasa orihinal na tekstong Ingles):[1]

Come, ye thankful people come
Raise the song of harvest home;
All is safely gathered in
Ere the winter storm begins.

All the blessings of the field,
All the stores the gardens yield,
All the fruits in full supply
Ripened 'neath the summer sky.

  1. "Sipi mula kay Henry Alford, Kabanata 4, Increasing Plant Production, p. 91". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New Day Publishers). 1970.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]