Pumunta sa nilalaman

Grasya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Indulhensiya)

Ang grasya (Ingles: grace, mercy[1]) ay ang pagpapakita o pagpapamalas ng pagkaayaw o pagkadisgusto at kabutihang loob sa isang tao na hindi naman karapat-dapat na tumanggap nito. Ang grasyang mula sa Diyos ang pinakagitna o "puso" ng mensahe ng Bibliya, na nagpaparating na minamahal at inililigtas ng Diyos ang mga tao kahit na lumalaban sila sa kanya.[1] Kasingkahulugan ito ng kabaitan, kabutihan, kagandahang loob, habag, awa, pang-unawa, pabor, tulong, indulhensya, patawad o pagpapatawad, bagay na hulog o dulot ng langit, pagpapala, pagkasi, biyaya, o pagkandili ng Diyos.[2] Katumbas din ito ng kabutihang loob, kagandahang palad, katighawan ng paghihirap, luwag, at klemensya.[2] Nangangahulugan din itong pagtanggap ng kagandahang loob at kapatawaran na higit pa sa naaangkop o nararapat para sa isang tao.[1] Kaugnay din ito ng salitang benigno (kagandahang-loob) na nangangahulugang mabait, nakabubuti, mayumi, maamo, may maamong-loob, mahabagin, maawain, at kaaya-aya.[2][3] Tumutukoy din ang grasya sa isang uri ng dasal na paghingi ng biyaya o pagpapala ng Diyos bago kumain o panalangin ng pasasalamat sa Diyos pagkaraang makakain. Ang ganitong dalangin ay bahagi ng tradisyong rabinikal na kailangan ayon sa Deuteronomio 8:10 sa Lumang Tipan ng Bibliya. Inako ng sinaunang mga Kristiyano ang kaugaliang ito.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 The Committee on Bible Translation (1984). "Grace, mercy". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B4 at B7.
  2. 2.0 2.1 2.2 Gaboy, Luciano L. Grace, mercy; benign, benigno, at iba pa - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Blake, Matthew (2008). "Benign, kagandahang-loob, maamong-loob, maawain, mahabagin". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Benign Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.
  4. "Grace". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa G, pahina 456.