Pumunta sa nilalaman

Jordan Farmar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jordan Farmar
Si Farmar habang nasa Maccabi Tel Aviv pa siya noong 2015.
Personal information
Born (1986-11-30) 30 Nobyembre 1986 (edad 37)
Los Angeles, California
NationalityAmerikano
Listed height6 tal 2 pul (1.88 m)
Listed weight180 lb (82 kg)
Career information
High schoolTaft (Woodland Hills, California)
CollegeUCLA (2004–2006)
NBA draft2006 / Round: 1 / Pick: ika-26 overall
Selected by the Los Angeles Lakers
Playing career2006–2016
PositionPoint guard
Career history
20062010Los Angeles Lakers
2007Los Angeles D-Fenders
20102012New Jersey Nets
2011Maccabi Tel Aviv
2012–2013Anadolu Efes
2013–2014Los Angeles Lakers
2014–2015Los Angeles Clippers
2015Darüşşafaka
2015–2016Maccabi Tel Aviv
2016Memphis Grizzlies
2016Sacramento Kings
Career highlights and awards
Stats at Basketball-Reference.com

Si Jordan Robert Farmar (ipinanganak noong Nobyembre 30, 1986) ay isang propesyonal na basketball player na naglalaro para sa bansang Estados Unidos. Siya ay huling naglaro para sa Sacramento Kings.

Siya ay dating pangunahing point guard na naglalaro para sa UCLA men's basketball team.

Si Jordan Farmar ay ipinanganak sa Los Angeles, California. Ang kanyang ama na si Damon Farmar na dating isang baseball player (isang outfielder na kabilang sa second round draft pick sa kapwa taong 1982 at 1983), ay isang African American. Siya at ang kanyang ina na si Melinda Baker kasama ng kanyang stepfather na si Yehuda ay kapwa mga Jewish.[1][2][1] Si Farmar ay merong stepsister na si Shoshana Kolani. Ang ninong ni Farmar na si Eric Davis.[kailangan ng sanggunian] ay isang dating major league baseball player. Si Farmar ay nag-aral sa Portola Middle School at Birmingham High School sa Van Nuys, California bago siya lumipat noong kanyang ikalawang taon sa Taft High School sa Woodland Hills, isang suburban na komunidad sa San Fernando Valley sa loob ng Los Angeles.

Sa kanyang pamamalagi sa Taft High School, si Farmar ay nagtala ng 54 puntos na iskor sa loob ng isang laro lamang. Bilang isang senior, siya ay karaniwang gumagawa ng 27.5 na puntos at 6.5 na assist kada laro. Pinamunuan ni Farmar ang Taft para makuha nito ang kauna-unahang Los Angeles City title ng paaralan. Siya ay ginawaran ng Los Angeles Times bilang Player of the Year at ng LA City bilang Co-Player of the Year, at ng California Interscholastic Federation Los Angeles City Section bilang High School Player of the Year. Kanya ding nakuha ang USA Today Super 25 selection, Parade Magazine 2nd-team All-American, Slam Magazine Honorable Mention All-American, CalHi Sports All-State honors, at ang Southern California Jewish Athlete of the Year. [2] Naka-arkibo 2009-03-25 sa Wayback Machine.

Karera sa kolehiyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Farmar ay kinokonsiderang isa sa mga natatanging point guard ng UCLA, siya ay ibinilang sa sa all Pac-10 team at sa all Pac-10 Tournament team.

Noong 2006 NCAA Tournament, pinamunuan ni Farmar ang UCLA Bruins sa National Championship game laban sa Florida Gators, kung saan sila ay natalo sa iskor na 73-57. Pinamunuan ni Farmar ang kategorya ng iskor sa kanyang 18 puntos, nagtapos din siya na may 2 rebounds, 4 assists, at 2 steals. Noong Abril 20, 2006, kanyang ipinahayag na siya ay papasok sa NBA Draft.

Propesyonal na karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Namangha kay Farmar ang mga NBA scouts sa pre-draft kasama ng kanyang 42-inch vertical leap, ang pinakamataas na naitala sa mga manlalaro doon. Noong Hulyo 8, 2006, siya ay unang naglaro sa Summer Pro League, na ginanap sa Walter Pyramid. Tinapos niya ang laro na may iskor na 17 puntos at 3 assists sa loob ng 31 minuto na paglalaro. At noon namang Hunyo 28, 2006, hinirang ng Los Angeles Lakers si Farmar bilang kanilang 26th pick sa 1st round ng NBA draft. Karamihan sa mga laro sa 2006-2007 game season, siya ay naglalaro bilang kahalili ni Smush Parker.

Noong Marso 31, 2007, si Farmar ay itinalaga sa Lakers' D-League team, ang Los Angeles D-Fenders. At noong Abril 1, Si Farmar ay umiskor ng 18 puntos kung saan sila ay natalo sa kanilang sariling bayan laban sa koponan ng Anaheim Arsenal.[3]. Nagtapos ang laro sa iskor na 101-109. Kinahapunan noong araw ding yun, siya ay pinabalik sa Lakers para maglaro laban sa koponang bumibisita na Sacramento Kings. Si Farmar ay nag-ambag ng 4 na puntos para sa kanyang koponan sa paglalaro ng 8 minuto, para tumulong sa isang masayang panalo ng Lakers sa kanilang sariling bayan, at dahil dito siya ay napabilang sa kasaysayan bilang kauna-unahang manlalaro na lumahok sa D-League at NBA game sa parehong araw.[4] At ng sumapit ang Abril 15, 2007, nakuha ni Farmar ang umpisa ng kanyang propesyonal na karera sa isang laro ng palitan niya si Smush Parker para sa starting lineup laban sa Seattle Supersonics. Kasama ng kanyang paglalaro bilang starting point guard ng dalawang beses sa regular season, si Farmar din ay naging starting point guard ng lahat ng limang playoff games. Sa mga larong yun laban sa kanilang first-round opponent ang Phoenix Suns, siya ay karaniwang gumawa ng 6.4 na puntos kada laro at 1.2 na steal kada laro.

Mga gantimpala at pagkilala

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Los Angeles Times High-School Player of the Year: 2003-04
  • Rivals.com National Freshman of the Year : 2004-05
  • Pac-10 Freshman of the Year: 2004-05
  • All-Pac-10 Freshman First Team: 2004-05
  • All-Pac-10 First Team: 2005-06
  • Pac-10 All-Tournament Team: 2005-06

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.ynetnews.com/articles/0,7340,L-3177805,00.html
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-04-10. Nakuha noong 2007-08-26.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://www.nba.com/dleague/losangeles/farmar_recall_070401.html
  4. http://www.nba.com/games/20070401/SACLAL/boxscore.html

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:2006 NBA Draft