Pumunta sa nilalaman

Kapatagan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang kapatagan sa heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo ng mga kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok.

Ito rin ang pinakamataong uri ng anyong lupa. Dahil sa patag na lupain, mas madaling magpagawa ng mga lugar na maaaring gamitin ng mga tao. Sa Pilipinas, malalawak ang mga kapatagan sa Gitnang Luzon gaya ng Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan. Maraming produkto ang nakukuha rito tulad ng palay, mais, tubo, kamote at iba pang mga gulay. Sa kapatagan naman ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay may malalawak na taniman ng niyog, kape, pinya, dalandan, mais at palay. Sagana naman sa abaka, papaya, mangga, tubo at mga gulay sa mga kapatagan ng Negros, Davao, Cebu at Iloilo. Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.