Labanan sa Britanya
Labanan sa Britanya | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig | |||||||
Isang Observer Corps na nagmamanman sa kalangitan ng Londres | |||||||
| |||||||
Mga nakipagdigma | |||||||
United Kingdom
|
Nazi Germany Italy | ||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||
Hugh Dowding Keith Park Trafford Leigh-Mallory CJ Quintin Brand Richard Saul |
Hermann Göring Albert Kesselring Hugo Sperrle Hans-Jürgen Stumpff Rino Corso Fougier[7] | ||||||
Lakas | |||||||
1,963 magagamit na eroplano [nb 4] |
2,550 magagamit na eroplano. [nb 5] [nb 6] | ||||||
Mga nasawi at pinsala | |||||||
544 tauhan ang namatay[10][11][12] 422 tauhan ang sugatan[13] 1,547 eroplanong nawasak[nb 7] |
2,698 tauhan ang namatay[14] 967 nahuli 638 nawawalang mga katawang kinilala ng otoridad ng Britanya[15] 1,887 eroplanong nawasak[nb 8] |
Ang Labanan sa Britanya (Ingles: Battle of Britain, Aleman: Luftschlact um England, literal na kahulugan "Labanan sa Himpapawid sa Inglatera") ay ang pangalang binigay sa kampaniya ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na inilunsad ng Hukbong Himpapawid ng Alemanya (Luftwaffe) laban sa Reino Unido sa tag-init at taglagas ng 1940. Ang pangalan sa Ingles ay hango sa tanyag na talumpati ni Punong Ministro Winston Churchill sa House of Commons: "... the Battle of France is over. I expect that the Battle of Britain is about to begin." (... Ang labanan sa Pransiya ay nagwakas. Inaasahan ko na magsisimula na ang Labanan sa Britanya).[1]
Ang Labanan sa Britanya ay ang unang malakihang kampaniya na nakipaglabanan sa pamamagitan lamang ng himpapawid,[16] at siya ding pinakamalaki at pinakamatinding kampaniyang panghimpapawid na pagbobomba sa buong digmaan. Ang layunin ng Alemanya ay magkaroon ng superioridad sa himpapawid laban sa Royal Air Force (Maharlikang Hukbong Himpapawid, RAF), lalu na ang Fighter Command. Simula Hulyo 1940, naging pangunahing target ang ang mga eskolta at sentro ng marino, tulad ng sa Portsmouth; ngunit makalipas ang isang buwan, nilipat ng Luftwaffe ang mga pag-atake tungo sa mga paliparan at imprastraktura ng RAF. Kinalaunan binomba din ng Luftwaffe ang mga lugar na may malaking kabuluhan sa pulitika gamit ang istratehiya ng pananakot na pagbobomba.[nb 9]
Sa pamamagitan ng pagpigil sa Aleman na makamit ang superyoridad sa himpapawid, nagwakas ang labanan at maging ang banta ni Hitler na simulan ang Operation Sea Lion, kung saan lulusubin at sasakupin ang Britanya gamit ang kaparaanang ampibyo at himpapawid. Ngunit nagpatuloy pa rin ang pagbobomba ng Aleman sa Britanya na kinilala bilang The Blitz. Ang kabiguan ng Alemanya na makamit ang layunin nito na wasakin ang depensang himpapawid ng Britanya, o puwersahin ang Britanya na makipag-negosasyon sa armistisyo o sa tahasang pagsuko, ay kinikilalang una nitong pagkatalo at mahalagang sandali na makakaapekto sa nalalabing bahagi ng digmaan.
Mga nota
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ang mga tauhan ng Polonya, Tseko at iba png mga nasyonalidad, sa panahong ito, ay inanib sa RAF: Ang Hukbong Himpapawid ng Polako, halimbawa, ay hindi nagsarili hanggang Hunyo 1944.[4] Bagaman nasa ilalim ng RAF, ang mga pilot ng RCAF ay teknikal na lumilipad para sa RCAF
- ↑ Itinala ng Britanya ang labanan mula 10 Hulyo hanggang 31 Oktubre 1940, kung saan naganap ang pinakamatinding panghimpapawid na pagbobomba sa araw.[5] Kalimitang tinatakda ng mga historyador na Aleman ang simula ng digmaan sa kalagitnaan ng Agosto 1940 at ang wakas sa Mayo 1941, kung kailan inatras ang mga pangkat tagabomba para sa paghahanda sa Operation Barbarossa, ang kampanya laban sa Unyong Sobyet, na nagsimula noong 22 Hunyo 1941.[5]
- ↑ Halimbawa, ayon kay Terraine, ang naging resulta nito ay "tiyak", at sinipi niya ang henral ng Luftwaffe na si Werner Kreipe, na siyang nilarawan ito bilang isang "estratehikong kabiguan (para sa Luftwaffe)" at "magpapabago sa mga pangyayari ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig". Dagdag pa ni Kreipe, ang "Hukbong Himpapawid ng Aleman ay nagdugo hanggang kamatayan, at nagtamo ng matinding pinsala na kailanman ay hindi mapapalitan sa nalalabing bahagi ng digmaan". Ayon kay Dr (Karl) Klee: "Ang pagsakop at pagsupil sa Britanya ay dinepende sa labanang iyon, at ang naging resulta nito ay nagpabago sa mga kaganapan at katakdaan ng digmaan sa pangkalahatan."[6] Ang ibang mga sanggunian na maaaring konsultahin ay mga sumusunod:
- Shulman 2004, p. 63.
- Bungay 2000, p. 368.
- Hough and Richards 2007, p. XV.
- Overy 2001, p. 267.
- Deighton 1980, p. 213.
- Keegan 1997, p. 81.
- Buell 2002, p. 83.
- Terraine 1985, p. 181.
- ↑ 754 single-seat fighters, 149 two-seat fighters, 560 bombers at 500 coastal aircraft. Ibinilang ang bilang ng eroplanong fighter ng RAF ay para sa 0900 1 July 1940, samantala ang bilang ng mga bomber ay para sa 11 July 1940.[8]
- ↑ Ang mga bilang ay binigay mula sa mga ulat ng Panustusan-Heneral Ika-6 Batalyon noong 10 Agosto 1940. Ayon sa mga ito, naglunsad ang Luftwaffe ng 3,358 eroplano laban sa Britanya, kung saan ang 2,550 ay magagamit. Ang hukbo ay binubuo ng 934 na single-seat fighter, 289 two-seat fighter, 1,482 medium bomber, 327 dive-bomber, 194 reconaissance at 93 eroplanong pangbaybayin, kabilang ang mga eroplanong hindi magagamit. Ang bilang ng mga eroplanong magagamit ay 805 single-seat fighter, 224 two-seat fighter, 998 medium bomber, 261 dive-bomber, 151 reconaissance at 80 eroplanong pangbaybayin.[9]
- ↑ Mayroon ang Luftwaffe ng 4,074 eroplano, ngunit hindi lahat ng ito ay ginamit laban sa Britanya. Ang hukbo ay binubuo ng hanggang 1,107 single-seat fighter, 357 two-seat fighter, 1,380 medium bomber, 428 dive-bomber, 569 reconaissance at 233 eroplanong pangbaybayin, kabilang ang mga eroplanong hindi magagamit. Ang dami ng hukbong himpapawid ng Luftwaffe ay galing sa bilang ng Pantustos-Heneral Ika-6 Batalyon para sa 29 Hunyo 1940.[8]
- ↑ 1,023 fightes, 376 bomber at 148 eroplano mula sa Coastal Command.[kailangan ng sanggunian]
- ↑ 873 fighters at 1,014 bomber ang nawasak.[10]
- ↑ Ang estratehikong pagbobomba ay sinimulan matapos bombahin ng mga Aleman ang Londres noong 14 Setyembre 1940, bilang ganti sa pagbobomba ng RAF sa Berlin at sa base ng hukbong panghimpapawid sa Pransya.[17]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "No. 1 Squadron City of Westmount". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-01. Nakuha noong 2014-06-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Richards, P.156
- ↑ "The Statute of Westminster, 1931". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-01-14. Nakuha noong 2014-06-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Peszke 1980, p. 134.
- ↑ 5.0 5.1 Foreman 1989, p. 8.
- ↑ Terraine 1985, p. 219.
- ↑ Haining 2005, p. 68.
- ↑ 8.0 8.1 Bungay 2000, p. 107.
- ↑ Wood and Dempster 2003, p. 318.
- ↑ 10.0 10.1 Bungay 2000, p. 368
- ↑ Ramsay 1989, pp. 251–297.
- ↑ "Battle of Britain RAF and FAA Roll of Honour." RAF.. Retrieved 14 July 2008.
- ↑ Wood and Dempster 2003, p. 309.
- ↑ Bungay 2000, p. 373.
- ↑ Overy 2001, p. 113.
- ↑ "92 Squadron – Geoffrey Wellum." Battle of Britain Memorial Flight via raf.mod.uk.. Retrieved 17 November 2010.
- ↑ Bungay 2000, pp. 305–306.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.