Lito Legaspi
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Lito Legaspi | |
---|---|
Kapanganakan | Ludovico A. Legaspi 10 Setyembre 1941 |
Kamatayan | 8 Setyembre 2019 | (edad 77)
Libingan | Caravana Monastery, Magalang, Pampanga, Pilipinas |
Nasyonalidad | Filipino |
Trabaho | Artista |
Aktibong taon | 1959-2019 |
Kamag-anak |
|
Si Ludovico Legaspi, (Setyembre 10, 1941 – Setyembre 8, 2019) o mas kilala sa pangalang Lito Legaspi[kailangan ng sanggunian] ay isang artista na gumaganap sa mga Pelikula't mga programang pantelebisyon. Ang ama ng mga magkakapatid na Zoren, Kier, at Brando, isa siya sa mga kinikilalang "Matinee Idol" noong 1950's nang siya'y maitampok sa ilang mga pelikula ng Sampaguita Pictures. Siya'y maaala-ala sa ilang mga pelikula gaya ng "Sinong Kapiling? Sinong Kasiping?" kung saan siya nagkamit ng Gawad Urian Award para sa Best Supporting Actor noong 1977.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Una siyang naitampok noong 1959 sa Pelikulang Komedya na "Ipinagbili namin ang aming Tatay" na pinagbidahan ng Hari ng Komedyang si Dolphy.
Taong 1963 naman nang ipinakilala siya kasama ng mga baguha't nagsisimula pa lamang na mga artistang sina Rosemarie Sonora, Gina Pareño, Dindo Fernando, Pepito Rodriguez, Romeo Rivera at Bert Leroy, Jr.
Sa kanyang paglabas sa loob ng bakuran ng Sampaguita Pictures ay nagkamit siya ng pagkakakilanlan bilang isang "Matinée Idol" kagaya ng kanyang mga kasabayan ng panahong iyon na sina Romeo Vasquez, Jose Mari Gonzales, Eddie Gutierrez, Juancho Gutierrez at Greg Martin.
Bilang isang Premyadong aktor ay lumabas siya sa kabuoang mga 190 na mga pelikula, ay siya'y pinarangalan ng isang bituin sa Eastwood City Walk of Fame noong Disyembre 2014 para sa kanyang ambag sa Pelikulang Pilipino.