Pumunta sa nilalaman

Mark Zuckerberg

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mark Zuckerberg
Si Mark Zuckerberg noong 2019
Kapanganakan
Mark Elliot Zuckerberg

(1984-05-14) 14 Mayo 1984 (edad 40)
TrabahoCo-founder, CEO & Presidente ng Facebook

Si Mark Elliot Zuckerberg ipinanganak ng ika-14 ng Mayo 1984 . Isang Amerikanong negosyante na mas kilala bilang isa sa mga nagtatag ng tanyag na panglipunang networking site na "Facebook". Tinatag ni Zuckerberg ang Facebook kasama ng kanyang mga kamag-aral na sina Dustin Moskovitz, Eduardo Saverin, at Chris Hughes (Facebook) habang sila ay nag-aaral sa Pamantasan ng Harvard. Naglilingkod si Zuckerbuerg bilang CEO ng Facebook.[2] Siya ay naging paksa ng kontrobersiya na pinagmulan ng kanyang pagkakakilala.

Pinanganak si Zuckerberg sa White Plains, New York at pinalaki sa Dobby Ferry, New York. Nagsimula siyang mag-aral ng programming noong siya ay nasa kalagitnaan ng pag-aaral sa Mataas na paaralan. Bago pa man iyon, naaaliw na si Zuckerbuerg sa pagbuo ng mga computer programs, gaya ng mga gamit pangkomunikasyon at mga laro. Bago siya pumasok sa Phillips Exeter Academy, nag-aral muna siya sa Mataas na Paaralan ng Ardsley. Habang siya ay nag-aaral sa Phillips Exeter Academy, bumuo siya ng programang makakatulong sa mga manggagawa ng kanyhg ama na makapag-usap sa tanggapan nito; bumuo siya ng bersiyon ng larong "risk" at isang music player na tinawag na Synapse na gumagamit ng Artificial Intelligence upang malaman ang gawing pangpakinig ng tagagamit. Sinubukang bilhin ng Microsoft at AOL ang Synapse at isapi sa kanila si Zuckerberg, subalit napagpasyahan niyang mag-aral sa Pamantasan ng Harvard, kung saan sinalihan niya ang Alpha Epsilon Pi, isang kapatirang Hudyo.[3]

Si Zuckerberg (kanan) kasama si Robert Scoble noong 2008.

Inilunsad ni Zuckerberg ang Facebook mula sa kanyang dormitoryo sa Harvard noong 4 Pebrero 2004. Ang sapataha ng Facebook ay galing sa kanyang mga araw sa Phillips Exeter Academy, kung saan, gaya ng karamihan sa mga dalubhasaan at mga paaaralan, ay mayroong nakagawiang taunang sanggunian ng mga mag-aaral na mayroong mga larawan nila, ng mga guro at lahat ng mga kawani na tinatawag na "Facebook". Noong siya ay nasa dalubhasaan pa, Ang Facebook ni Zuckerberg ay nagsimula lang bilang isang bagay na pang-Harvard lamang, hanggang ninais ni Zuckerberg na palawigin ang Facebook sa iba pang mga paaralan at inarkila ang tulong ng kasama niya sa kuwarto na si Dustin Moskovitz. Una nila itong pinalawig sa Stanford, Dalubhasaan ng Dartmouth, Pamantasan ng Columbia, Cornel at Yale, at sa lahat ng mga paaralang may koneksiyong panlipunan sa Harvard.[4][5][6]

Paglipat sa California

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumipat si Zuckerberg sa Palo Alto, California, kasama si Moskovitz at ilang mga kaibigan. Umupa sila ng isang maliit na bahay na nagsilbi nilang kauna-unahang tanggapan. Nakilala ni Zuckerberg si Peter Thiel na namuhunan sa kanilang kumpanya. Nakuha nila ang kanilang unang tanggapan noong tag-araw ng 2004. Ayon kay Zuckerberg, ang pangkat ay nagplanong bumalik sa Harvard sa panahon ng tag-lagas subalit napagpasyahan nilang manatili sa California. Simula noon, hindi na sila bumalik bilang mag-aaral sa dalubhasaan.

Bibliograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "158 Mark Zuckerberg - The Forbes 400 Richest Americans 2009 - Forbes.com;". Forbes. 2009-09-30. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-20. Nakuha noong 2009-10-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Reagan, Gillian (2009-03-10). Thumbs Up! There's a Lot to Like about 'Like' (HTML). The New York Observer. The New York Observer, LLC. Retrieved on 2009-03-11
  3. "Hacker. Dropout. CEO". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-20. Nakuha noong 2010-01-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. https://web.archive.org/web/20070105155512/http://daily.stanford.edu/article/2004/3/10/thefacebookcomsDarkerSide [dead link - historical version]
  5. "Online network created by Harvard students flourishes". Tufts Daily. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-25. Nakuha noong 2009-08-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Thefacebook.com opens to Duke students - News". Media.www.dukechronicle.com. Nakuha noong 2009-08-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] [dead link - historical version]

Mga Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]