Pumunta sa nilalaman

Meninghitis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang meninghitis o meningitis ay isang malalang pamamaga ng proteksyong membrano na tumatakip sa utak at kordong espinal, na kilala bilang meninges kapag pinagsama.[1] Ang pinakakaraniwang sintomas ay lagnat, sakit ng ulo, at paninigas ng leeg.[2] Kabilang sa ibang sintomas ang pagkalito o binagong kamalayan, pagsusuka, at kawalan ng kakayahan na tiisin ang liwanag o malalakas na ingay.[2] Kadalasang nagpapakita ang mga bata ng hindi partikular na sintomas, tulad ng pagkamayamutin, pagkaantok, o mahinang pagkain.[2] Kung mayroong pantal, maaring ipahiwatig nito ang isang partikular na sanhi ng meningitis; halimbawa, ang meningitis na dulot ng bakteryang meningococcal na maaring samahan ng katangian ng pantal.[1][3]

Maaring dulot ang pamamaga ng impeksyon sa bayrus, bakterya o ibang mikroorganismo, at hindi karaniwan dulot ng ilang gamot.[4] Maaring may panganib sa buhay ang meningitis dahil sa kalapitan ng pamamaga sa utak at kordong espinal; sa gayon, inuri ang kondisyon bilang emerhensiyang pangmedisina.[1][5] Isang pagbutas ng lumbar, kung saan pinapasok ang isang karayom sa kanal na espinal upang ikolekta ang sampol ng pluidong sereboespinal (cerebrospinal fluid o CSF), ang maaring tukuyin o hindi tukuyin ang meningitis.[2][5]

Naiiwasan ang ilang anyo ng meningitis sa pamamagitan ng pagbabakuna ng mga bakunang meningococcal, beke, pneumococcal, at Hib.[1] Maaring maging kapaki-pakinabang ang pagbibigay ng mga antibiyotiko sa mga taong may mahalagang pagkakaroon ng ilang uri ng meningitis.[2] Binubuo ang unang paggamot sa malalang meningitis ng kaagarang pagbibigay ng antibiyotiko at minsan, mga gamot kontra bayrus.[2][6] Ginagamit din ang mga corticosteroid upang iwasan ang komplikasyon mula sa labis na pamamaga.[3][5] Maaring magdulot ang meningitis ng seryosong mahabaang kinahinatnan tulad ng pagkabingi, epilepsya, hydrocephalus, o kakulangan sa kognitibo, lalo na kung hindi nagamot kaagad.[1][3]

Noong 2017, nagkaroon ng meningitis ang tinatayang 10.6 milyong katao sa buong mundo.[7] Nagresulta ito ng 288,000 patay—bumaba mula 464,000 patay noong 1990.[8][9] Sa may wastong paggamot, mababa sa 15% ang panganib sa kamatayan sa meningitis dulot ng bakterya.[2] Nangyayari ang mga paglaganap ng meningitis dulot ng bakterya sa pagitan ng Disyembre at Hunyo bawat taon sa lugar ng subsahariyanong Aprika na kilala bilang ang sinturon ng meningitis o meningitis belt.[10] Maaring magkaroon ng maliliit na paglaganap sa ibang lugar sa mundo.[10] Nagmula ang salitang meningitis sa Griyegong μῆνιγξ (meninx), nanganghulugang "membrano", at ang pangmedisinang hulapi na -itis, "pamamaga".[11][12]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Sáez-Llorens X, McCracken GH (Hunyo 2003). "Bacterial meningitis in children". Lancet (sa wikang Ingles). 361 (9375): 2139–48. doi:10.1016/S0140-6736(03)13693-8. PMID 12826449.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 "Bacterial Meningitis". CDC (sa wikang Ingles). 1 Abril 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2016. Nakuha noong 5 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 van de Beek D, de Gans J, Tunkel AR, Wijdicks EF (Enero 2006). "Community-acquired bacterial meningitis in adults". The New England Journal of Medicine (sa wikang Ingles). 354 (1): 44–53. doi:10.1056/NEJMra052116. PMID 16394301.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ginsberg L (Marso 2004). "Difficult and recurrent meningitis". Journal of Neurology, Neurosurgery, and Psychiatry (sa wikang Ingles). 75 Suppl 1 (90001): i16–21. doi:10.1136/jnnp.2003.034272. PMC 1765649. PMID 14978146.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 Tunkel AR, Hartman BJ, Kaplan SL, Kaufman BA, Roos KL, Scheld WM, Whitley RJ (Nobyembre 2004). "Practice guidelines for the management of bacterial meningitis". Clinical Infectious Diseases (sa wikang Ingles). 39 (9): 1267–84. doi:10.1086/425368. PMID 15494903.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Viral Meningitis". CDC (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 5 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. GBD 2017 Disease Injury Incidence Prevalence Collaborators (Nobyembre 2018). "Global, regional, and national incidence, prevalence, and years lived with disability for 354 diseases and injuries for 195 countries and territories, 1990–2017: a systematic analysis for the Global Burden of Disease Study 2017". Lancet (sa wikang Ingles). 392 (10159): 1789–1858. doi:10.1016/S0140-6736(18)32279-7. PMC 6227754. PMID 30496104. {{cite journal}}: |author1= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. GBD 2017 Mortality Causes of Death Collaborators (Nobyembre 2018). "Global, regional, and national age-sex-specific mortality for 282 causes of death in 195 countries and territories, 1980–2017: a systematic analysis for the Global Burden of Disease Study 2017". Lancet (sa wikang Ingles). 392 (10159): 1736–1788. doi:10.1016/S0140-6736(18)32203-7. PMC 6227606. PMID 30496103. {{cite journal}}: |author1= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. GBD 2013 Mortality Causes of Death Collaborators (Enero 2015). "Global, regional, and national age-sex specific all-cause and cause-specific mortality for 240 causes of death, 1990–2013: a systematic analysis for the Global Burden of Disease Study 2013". Lancet (sa wikang Ingles). 385 (9963): 117–71. doi:10.1016/S0140-6736(14)61682-2. PMC 4340604. PMID 25530442. {{cite journal}}: |author1= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "Meningococcal meningitis Fact sheet N°141". WHO (sa wikang Ingles). Nobyembre 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2016. Nakuha noong 5 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Mosby's pocket dictionary of medicine, nursing & health professions (sa wikang Ingles) (ika-6 (na) edisyon). St. Louis: Mosby/Elsevier. 2010. p. traumatic meningitis. ISBN 978-0-323-06604-4. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Setyembre 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Liddell HG, Scott R (1940). "μῆνιγξ". A Greek-English Lexicon (sa wikang Ingles). Oxford: Clarendon Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Nobyembre 2013.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)