Pumunta sa nilalaman

Microsoft Office

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Microsoft Office
(Mga) DeveloperMicrosoft
Unang labas19 Nobyembre 1990; 33 taon na'ng nakalipas (1990-11-19)
Sinulat saC++ (back-end)[1]
Operating systemMicrosoft Windows
(Mga) StandardOffice Open XML (ISO/IEC 29500)
Mayroon sa102 languages[2]
List of languages
  • Full (43): English, Arabic, Basque, Bulgarian, Catalan, Chinese (Simplified), Chinese (Traditional), Croatian, Czech, Danish, Dutch, Estonian, Finnish, French, Galician, German, Greek, Hebrew, Hindi, Hungarian, Indonesian, Italian, Japanese, Kazakh, Korean, Latvian, Lithuanian, Malay (Latin), Norwegian Bokmål, Polish, Portuguese (Brazil), Portuguese (Portugal), Romanian, Russian, Serbian (Latin, Serbia), Slovak, Slovenian, Spanish, Swedish, Thai, Turkish, Ukrainian, Vietnamese
  • Partial (48): Afrikaans, Albanian, Amharic, Armenian, Assamese, Azerbaijani (Latin), Bangla (Bangladesh), Bangla (Bengali India), Belarusian, Bosnian (Latin), Dari, Filipino, Georgian, Gujarati, Icelandic, Irish, Kannada, Khmer, KiSwahili, Konkani, Kyrgyz, Luxembourgish, Macedonian, Malayalam, Maltese, Maori, Marathi, Mongolian (Cyrillic), Nepali, Norwegian Nynorsk, Odia, Persian (Farsi), Punjabi (Gurmukhi), Quechua, Scottish Gaelic, Serbian (Cyrillic, Bosnia & Herzegovina), Serbian (Cyrillic, Serbia), Sindhi (Arabic), Sinhala, Tamil, Tatar (Cyrillic), Telugu, Turkmen (Latin), Urdu, Uyghur, Uzbek (Latin), Valencian, Welsh
  • Proofing only (11): Hausa, Igbo, isiXhosa, isiZulu, Kinyarwanda, Pashto, Romansh, Sesotho sa Leboa, Setswana, Wolof, Yoruba
TipoOffice suite
LisensiyaTrialware, volume licensing or SaaS
Websiteoffice.com

Ang Microsoft Office, o pinasimple bilang Office, ay pamilya ng mga client software, server software, at mga serbisyo na ginawa ng Microsoft. Una itong pinabatid ni Bill Gates noong Agosto 1, 1988, sa COMDEX sa Las Vegas. Inisyal na katawagang pang-merkado para sa isang office suite (pinagsama-samang kumpol ng aplikasyong produktibidad), naglalaman ang unang bersyon ng Office ng Microsoft Word, Microsoft Excel, at Microsoft PowerPoint. Sa paglipas ng mga taon, naging malaki ang paglago ng mga aplikasyon ng Office na mas pinalapit sa binabahaging tampok ng bawat aplikasyon tulad ng isang karaniwang pagsuri ng pagbaybay, OLE data integration, at Visual Basic for Applications scripting language. Pinosisyon din ng Microsoft ang Office bilang isang plataporma ng pagde-develop para sa line-of-business software sa ilalim ng tatak na Office Business Applications. Noong Hulyo 10, 2012, iniulat ng Softpedia na ginagamit ang Office ng higit sa bilyong katao sa buong mundo.[3]

Ginawa ang Office sa ilang mga bersyon na tinatarget ang iba't ibang tagagamit o end-user at mga enviroment sa computing. Ang orihinal, at pinakamalawak ang gamit, ay ang bersyong desktop, na ginagamit sa mga PC na mayroong operating system na Windows at macOS. Nagpapanatili din ang Microsoft ng mga mobile app para sa Android at iOS. Ang Office sa web ay isang bersyon ng software na tumatakbo sa loob ng isang web browser.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "C++ in MS Office". cppcon. Hulyo 17, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 7, 2019. Nakuha noong Hunyo 25, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Language Accessory Pack for Office 2016". Office.com. Microsoft. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 15, 2017. Nakuha noong Pebrero 25, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Microsoft's Office Has over One Billion Users". Softpedia (sa wikang Ingles). SoftNews. Hulyo 10, 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 13, 2012. Nakuha noong Hulyo 10, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)