Pumunta sa nilalaman

Momentum

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Momentum
A pool break-off shot
Ang momentum ng isang pool cue ball ay inililipat sa mga nakalaykay na bola pagkatapos ng banggaan.
Mga kadalasang simbulo
p, p
Yunit SIkg⋅m/s
Ibang yunit
slugft/s
Napapanatili?Oo
DimensiyonMLT−1

Sa klasikong mekaniks, ang momentum ang produkto ng masa(mass) at belosidad ng isang obhekto(bagay) na inilalarawan ng pormulang: . Tulad ng belosidad, ang momentum ay isang bektor na Euclidiano na nagtataglay ng direksiyon gayundin ng magnitudo. Ang momentum ay isang konserbadong kantidad na ang ibig sabihin ay kung ang isang saradong sistema ay hindi apektado ng mga panlabas na puwersa, ang kabuuang momentum nito ay hindi magbabago. Ang momentum ay minsan tinutukoy na linyar na momentum upang ibukod sa angular na momentum.