Pumunta sa nilalaman

Narkoterorismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang narkoterorismo ay isang katagang inimbento ng dating Pangulo ng Peru na si Fernando Belaúnde Terry noong 1983 nang ilarawan niya ang isang paglusob na nasa kaurian ng terorismo laban sa mga pulis na antinarkotiko ng kanyang bansa. Sa orihinal na diwa, ang narkoterorismo ay mauunawaang may kahulugang mga pagtatangka ng mga trapikero ng narkotiko upang maipluwensiyahan ang mga patakaran ng isang pamahalaan o isang lungsod sa pamamagitan ng panggugulo, karahasan, at pananakot (intimidasyon), at upang hadlangan ang pagsasakatuparan ng batas at ng paglalapat ng katarungan sa pamamagitan ng masistemang pagbabanta o paggamit ng ganyang kaguluhan. Ang malupit na panggugulo at pandarahas ni Pablo Escobar sa kanyang pakikipag-ugnayan sa mga pamahalaan ng Kolombiya at ng Peru ay maaaring isa sa pinaka nakikilala at pinaka dokumentadong mga halimbawa ng narkoterorismo.

Naging paksa ng pagtatalo o kontrobersiya ang kataga, malakihang dahil sa paggamit nito sa pagtalakay ng marahas na oposisyon sa Digmaang Laban sa Droga ng Pamahalaan ng Estados Unidos. Ang kataga ay tumataas na ginagamit para sa mga organisasyong terorista na nakikilahok sa mga gawain ng pagtatrapik ng mga bawal na gamot upang malagyan ng puhunan ang kanilang mga gawain at makakalap ng mga tauhan at kadalubhasaan. Kabilang sa mga organisasyong ito ang FARC, ELN, Hamas, Taliban, at AUC sa Kolombiya at PCP-SL sa Peru.[1][2][3][4]

Noong 2000, nagsimulang pondohan ng Estados Unidos, at ipinagpatuloy sa ilalim ng administrasyong Bush ng Estados Unidos, ang Planong Kolombiya, na may layuning limasin ang mga pananim na pangdroga at kumilos na laban sa mga panginoon ng droga na inakusahang nagsasagawa ng narkoterorismo, kasama sa mga ito ang mga pinuno ng marksistang FARC at ang puwersang paramilitar ng AUC, mga pangkat na nagsagawa rin ng maraming mga krimen. Pinupuhunanan ng pamahalaan ng Estados Unidos ang isang malakihang kampanya sa eradikasyon ng narkoterorismo at mga operasyong sumusuporta ng militar na Kolombiyano, na naglalayon ng ekstradisyon ng notoryosong mga kumander katulad ng patay nang si Manuel Marulanda Velez, kasama ng iba pa.

Bagaman kadalasang sinasabing pinupondohan ng Al-Qaeda ang mga gawain nito sa pamamagitan ng pagtatrapik ng droga, itinala sa Ulat ng Kumisyong 9/11 na "habang ang kalakalan ng droga ay isang napagkukunan ng kita para sa Taliban, hindi ito nagsilbi ng kahalintulad na layunin para sa al Qaeda, at walang mapagbabatayang ebidensiya na kasangkot si Osama bin Laden sa o kumita ng salapi sa pamamagitan ng pagtatrapik ng bawal na gamot." Ang organisasyon ay nagkakamit ng karamihan sa mga pananalapi nito sa pamamagitan ng mga donasyon, partikular na mula sa "mayayamang mga indibidwal ng Saudi Arabia."

Mga halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasama sa mga pook o mga bansang may narkoterorismong masigla at pangkasaysayan ang mga sumusunod:

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. DEA Digging Into Al Qaeda Drug Links Naka-arkibo 2010-11-09 sa Wayback Machine., By Robert Hendin, Hulyo 18, 2008. CBS News.
  2. A GLOBAL OVERVIEW OF NARCOTICS-FUNDED TERRORIST AND OTHER EXTREMIST GROUPS, Mayo 2002, Aklatan ng Konggreso ng Estados Unidos – Pederal na Dibisyon ng Pananaliksik
  3. Testimony of Victor Comras to the US House Subcommittee on Financial Oversight and Investigations, hearings on Current and Evolving Trends in Terrorism Financing. Setyembre 28, 2010.
  4. Hezbollah, Hamas Raise Money for ‘Terrorist Activities’ From Drug Trade in South America, Congressional Research Service Says Naka-arkibo 2010-06-12 sa Wayback Machine., ni Edwin Mora, Hunyo 08, 2010. CNS News.