Pamantasang Estatal ng Colorado
Ang Pamantasang Estatal ng Colorado (Ingles: Colorado State University, CSU) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Fort Collins, sa estado ng Colorado sa Estados Unidos. Ang unibersidad ay isang land grant university, at ang pangunahing institusyon ng Sistemang Pamantasang Estatal ng Colorado (Colorado State University System).
Ang kasalukuyang pagpapatala ay humigit-kumulang 33,058 mga mag-aaral, kabilang ang mga residente at di-residenteng mag-aaral.
Ang mga nagtapos sa CSU ay kinabibilangan ng dalawang nagwagi sa Pulitzer Prize, astronaut, CEO, at dalawang dating gobernador ng Colorado.
40°34′29″N 105°04′52″W / 40.5748°N 105.081°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.