Pumunta sa nilalaman

Pederalismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pederalismo ay ang pinaghalo o pinagtambal na pamaraan ng pamahalaan na pinagsasama ang pangkalahatang pamahalaan (ang sentral o 'pederal' na pamahalaan) sa mga panrehiyon na pamahalaan (panlalawigan, pang-kanton, panteritoryo at iba pang sub-yunit ng pamahalaan) sa iisang sistema ng pamahalaan. Ang kapansin-pansing tampok nito, na nakalarawan sa halimbawa ng modernong pederalismo ng Estados Unidos ng Amerika sa ilalim ng Konstitusyon ng 1787, ay isang relasyon ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng dalawang antas ng pamahalaan na itinatag. Maaring bigyan kahulugan ito bilang isang anyo ng pamahalaan na kung saan ay may isang pagkahati-hati ng mga kapangyarihan sa pagitan ng dalawang antas ng pamahalaan ng pantay na kalagayan.

Ang pederalismo ay naiiba sa konpederalismo, kung saan ang pangkalahatang antas ng pamahalaan ay mas mababa sa antas ng panrehiyon, at mula sa pag-aabot ng mga tungkulin sa loob ng isang yunitaryo o tanging estado, kung saan ang panrehiyong antas ng pamahalaan ay mas mababa sa pangkalahatang antas. Ito ay kumakatawan sa sentral na anyo sa landas ng panrehiyong pagsasama o paghihiwalay, na binubuo ng mas kaukulang bahagi ng konpederalismo at sa mas pinagsama-samang panig ng pagsasama sa loob ng isang yunit ng estado.

Mga halimbawa ng pederalismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga nangungunang halimbawa ng pederasyon o pederal na estado ay kinabibilangan ng Estados Unidos, Kanada, Brasil, Alemanya, Suwisa, Arhentina, Australia at India. Ang ilan sa ngayon ay nagpapakilala sa Unyong Europeo bilang tagapanguna na halimbawa ng pederalismo sa isang tagpo ng maramihang estado, sa isang konsepto na tinatawag na ang pederal na unyon ng mga estado.

Mga minungkahing pederalismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Pilipinas ay isang yunitaryong estado na may ilang mga kapangyarihan na inilipat sa mga lokal na pamahalaan (tinatawag kadalasan sa terminong Ingles na Local Government Unit o LGU) sa ilalim ng mga tuntunin ng Kodigo ng Lokal na Pamahalaan. Mayroon ding isang awtonomong rehiyon, ang Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanao. Sa paglipas ng mga taon, iba't ibang mga pagbabago ang iminungkahi sa Saligang Batas ng Pilipinas, kabilang ang posibleng paglipat sa isang pederal na sistema bilang bahagi ng isang paglilipat sa isang sistema ng kalahating-pampanguluhan. Noong 2004, itinaguyod ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Komisyon sa Konsultang nagmungkahi ng naturang pagbabagon ng Saligang Batas ngunit walang aksyon ang kinuha ng Kongreso ng Pilipinas upang baguhin ang Konstitusyon ng 1987.