Pumunta sa nilalaman

Pritong gagamba

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ipinagbibiling piniritong mga gagamba sa isang pamilihan sa Skuon.

Ang pritong gagamba ay isang panrehiyong mainam na pagkain sa Cambodia. Sa bayan ng Skuon sa Cambodia, kinakain ng mga mamamayan ang piniritong gagamba bilang isang pang-araw-araw na meryenda. Makukuha rin ang mga gagamba sa iba pang lugar sa Cambodia — sa Phnom Penh halimbawa na — subalit ang Skuon, isang bayang pamilihan sa punong lanasangan 75 kilometro (47 mi) mula sa kabisera, ang kalagitnaan ng katanyagan nito.[1] Pinaglalahi ang mga gagamba sa mga butas sa lupa sa mga nayong nasa hilaga ng Skuon, o hinuhuli mula sa kalapit na kagubatan, at piniprito sa mantika. Malabo kung kailan nagsimula ang gawaing ito, ngunit may ilang mga taong nagmungkahing nagsimulang kumain ng mga gagamba ang populasyon dahil sa pagdarahop noong mga panahon ng mga taon ng pamumuno ng Khmer Rouge, kung kailan kakaunti ang makakain.[2]

Ang mga gagamba ay isang uri ng tarantulang tinatawag na "a-ping" sa Khmer, at mga kasinlaki ng isang palad ng tao.[3] Nagkakahalaga ang mga minandal na ito ng mga 300 riel bawat isa noong 2002, o mga $ 0.08.[3] Isang aklat ng paglalakbay ang kumilala sa mga ito bilang Haplopelma albostriatum, na kilala rin bilang sebrang Tarantula ng Thailand (Thai zebra tarantula), at nagtalang ang karaniwang pangalan ng kaparehong uri nito ang siyang "nakakakaing gagamba" sa loob na ng mahigit sa isandaang mga taon. Subalit isang kamakailang kababalaghan pa lamang ang kabantugan ng lutuin, na marahil ay nagsimula pinakahuli na noong mga 1990.[4] Ang mismong aklat ding ito ang nagdetalye ng isang resipi: inihahagis ang mga gagamba sa isang pinaghalu-halong sangkap na may betsin (MSG), asukal, at asin; piniprito sa mantika ang dinikdik na bawang hanggang sa maging mahalimuyak, at idinaragdag ang mga gagamba pagkaraan na pinipritong kasama ang bawag hanggang sa "halos manigas na ang mga paa, na siya namang panahon kung kailan hindi na malauhog ang mga laman ng tiyan.[5][6]

Nilarawan ang lasa bilang matabang, mistulang nasa pagitan ng pinagsamang manok at bakalaw [1][7], na may pagkakaiba sa kagaspangang mula sa malutong na panlabas hanggang sa malambot na gitna. Kakaunting laman lamang ang nilalaman ng mga hita, habang ang ulo at katawan ay may "isang maselang puting karne sa loob".[1][8] Ngunit mayroon siyempre mga hindi masisiyahan sa tiyan dahil sa naglalaman ito ng isang kayumangging pandikit na binubuo ng mga organo, marahil mga itlog, at dumi. May mga taong tumatawag dito bilang isang mainam na pagkahain habang meron ding hindi nagmumungkahing kainin ito.[1]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Rigby, Rhymer (2002). "Tuck into a Tarantula". Sunday Telegraph. URL nakuha noong 11 Setyembre, 2006.
  2. Ray, Nick (2002), Lonely Planet Cambodia, Lonely Planet Publications, ISBN 1-74059-111-9. p. 308.
  3. 3.0 3.1 ABC News Online (2 Setyembre, 2002). "Spiderwomen serve up Cambodia's creepy caviar Naka-arkibo 2008-06-03 sa Wayback Machine.. URL nakuha noong 11 Setyembre, 2006.
  4. Freeman, Michael (2004), Cambodia, Reaktion Books, ISBN 1-86189-186-5. p. 33.
  5. Isinalin mula sa Ingles na: "the legs are almost completely stiff, by which time the contents of the abdomen are not so runny."
  6. Freeman p. 34.
  7. Isinalin mula sa Ingles na: "rather like a cross between chicken and cod"
  8. Isinalin mula sa Ingles na: "a delicate white meat inside"

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]