Pumunta sa nilalaman

René Laennec

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
René Laennec
René Laennec
Kapanganakan17 Pebrero 1781
Kamatayan13 Agosto 1826
NasyonalidadPranses
Kilala saNakaimbento ng istetoskopyo

Si René-Théophile-Hyacinthe Laennec[1] o René Laennec[1] (17 Pebrero 1781- 13 Agosto 1826) ay isang Pranses na manggagamot. Binabaybay din ang kanyang apelyido bilang Laënnec. Siya ang umimbento ng istetoskopyo noong 1816 habang naghahanapbuhay sa Hôpital Necker (buong pangalan: Hôpital Necker - Enfants Malades o Ospital ng Necker - Ospital para sa mga batang may sakit). Siya ang nagpasimula ng paggamit ng instrumento sa pag-alam at paniniyak ng sari-saring mga sakit sa baga at dibdib. Naging tagapangasiwa siya ng Collège de France o Dalubhasaan (Kolehiyo) ng Pransiya noong 1822 at propesor ng panggagamot noong 1823. Kabilang sa mga huling pagtatalaga sa kanya ang panunungkulan bilang Ulo o Pinuno ng Klinikang Medikal sa Hôpital de la Charité (Ospital ng Kawang-gawa) at bilang propesor sa Dalubhasaan ng Pransiya. Namatay siya noong 1826 dahil sa sakit na tuberkulosis.

  1. 1.0 1.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "René Laennec". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 453.

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Bon, H. Laennec (1781-1826), Lumiere, Dijon, 1925.
  • Rouxeau, A., Laennec, Bailliere, Paris 1912-1920, 2 tomo/bolyum.
  • Webb, Gerald B. Laennec: A Memoir, 1928.