Sentrong patinig
Itsura
Sentrong patinig (Ingles: central vowel) ang mga patinig na nagagawa sa pamamagitan ng pagpuwesto ng dila sa gitnang bahagi ng bibig.[1] Sa wikang Tagalog, [a] (hal. lipad) at [ə] (hal. tatlo) ang mga sentrong patinig.[2]
Sentrong patinig | |
---|---|
◌̈ | |
Bilang ng PPA | 415 |
Pag-encode | |
Entidad (desimal) | ̈ |
Unicode (hex) | U+0308 |
PPA: Mga patinig | ||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| ||||||||||||||||||||||||||||||||
Ayos ng patinig: di-bilog • bilog |
Listahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Narito ang mga sentrong patinig na may kaakibat na simbolo sa Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto (PPA).
- nakasarang sentrong di-bilog na patinig [ɨ]
- nakasarang sentrong nakaumbok na patinig [ʉ]
- nakasarang gitnang sentrong di-bilog na patinig [ɘ] (ginamit sa mga lumang paglalathala ang ⟨ë⟩)
- nakasarang gitnang sentrong bilog na patinig [ɵ] (ginamit sa mga lumang paglalathala ang ⟨ö⟩)
- gitnang sentrong patinig [ə]
- nakabukang gitnang sentrong di-bilog na patinig [ɜ] (ginamit ng mga lumang paglalathala ang ⟨ɛ̈⟩)
- nakabukang gitnang sentrong bilog na patinig [ɞ] (ginamit ng mga limang paglalathala ang ⟨ɔ̈⟩)
- halos nakabukang sentrong patinig [ɐ] (madalas para sa mga bilog na patinig ng ganitong uri; kung kailangan ang pagkatumpak, pwedeng magamit ang ⟨ɜ̞⟩ para sa mga di-bilog na patinig at ⟨ɞ̞⟩ para naman sa mga bilog na patinig ng ganitong uri)
Bukod sa mga nabanggit sa taas, narito ang mga sentrong patinig na walang kaakibat na simbolo sa PPA.
- nakasarang sentrong nakapisil na patinig [ÿ]
- halos nakasarang sentrong di-bilog na patinig [ɨ̞], [ɪ̈], [ɪ̠] o [ɘ̝] (di-opisyal: ⟨ᵻ⟩)
- halos nakasarang sentrong nakaumbok na patinig [ʉ̞], [ʊ̈], [ʊ̟] o [ɵ̝] (di-opisyal: ⟨ᵿ⟩)
- halos nakasarang sentrong nakapisil na patinig [ʏ̈]
- gitnang sentrong di-bilog na patinig [ɘ̞] o [ɜ̝] (madalas sinusulat nang ⟨ə⟩)
- gitnang sentrong nakaumbok na patinig [ɵ̞] o [ɞ̝] (madalas sinusulat nang ⟨ɵ⟩ na para bang isa itong nakasarang gitnang patinig)
- gitnang sentrong nakapisil na patinig [əᵝ]
- nakabukang sentrong di-bilog na patinig [ä] (madalas sinusulat nang ⟨a⟩ na para bang isa itong harapang patinig)
- nakabukang sentrong bilog na patinig [ɒ̈]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Introduction to Vowels" [Pagpapakilala sa mga Patinig]. Tools For Clear Speech (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Abril 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Llamzon, Teodoro A. (Enero 1966). "Tagalog phonology" [Ponolohiyang Tagalog]. Anthropological Linguistics (sa wikang Ingles). 8 (1): 30–31. Nakuha noong 21 Abril 2023.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)