Pumunta sa nilalaman

Serapis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ulo ni Serapis na nakasuot ng isang modius (panahong Romano na Helenistikong terracotta, Staatliches Museum Ägyptischer Kunst, Munich)

Si Serapis (Σέραπις, Attic/Griyegong Ioniano) o Sarapis (Σάραπις, Griyegong Doriano) ay isang Greko-Ehipsiyong diyos. Si Serapis ay nilikha noong ika-3 siglo BCE sa mga kautusan ni Ptolomeo I ng Ehipto bilang paraan ng pag-iisa ng mga Griyego at Ehipsiyo sa kanyang sakop. Ang diyos ay ipinapakitang Griyego sa hitsura ngunit may mga pagpapalamuti na Ehipsiyo at sinamahan ng mga ikonograpiya mula sa maraming mga dakilang kulto na nagpapakita ng parehong kasaganaan at resureksiyon o muling pagkabuhay. Ang kanyang cultus ay kumalat bilang sinadyang patakaran ng mga haring Ptolemaiko na nagtayo rin ng mga dakilang Serapeum sa Alexandria. Si Serapis ay patuloy na malaking sumikat sa panahong Romano na kadalasang pumapalit kay Osiris bilang konsorte ni Isis sa mga templong hindi Ehipsiyo. Ang pagwasak ng Serapeum ng magulong mga tao na pinamunuan ni Patriarka Papa Theopilius ng Alexandria noong 389 CE ang isa sa mahalagang mga pangyayari sa pagbagsak ng sinaunang paganismo. Ang kulto ay tumigil sa pag-iral sa pagbuwag ng paganismo noong 391 CE.