Taong Piltdown
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Taong Piltdown (Eoanthropus dawsoni) ay dating iniisip na "nawawalang ugnay" sa pagitan ng tao at ng bakulaw. Natuklasan ang unang mga piraso o pragmento ng Taong Piltdown noong 1912. Pagkaraan, mahigit sa 500 mga makaagham na sanaysay ang naisulat hinggil dito sa loob ng 40 taon. Napatunayang isang sinadyang panlilinlang ang pagkakatuklas na ito noong 1953. Isa itong bantog na panloloko na kinasasangkapan ng mga piraso ng isang bungo at isang pangang nakuha mula sa isang hukay sa Piltdown, isang nayong malapit sa Uckfield, Silangang Sussex, sa Inglatera. Inisip ng mga dalubhasa noong mga araw na iyon na ang mga pragmento ay ang posilisadong mga labi ng isang hindi nakikilalang anyo ng sinaunang tao. Ibinigay ang pangalang dalawahan o katawagang Lating Eoanthropus dawsoni o "tao ng bukang-liwayway ni Dawson's dawn-man" mula sa kolektor na si Charles Dawson.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Biyolohiya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.