Academia.eduAcademia.edu

Epekto ng Social Media sa Pag

Epekto ng Social Media sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral ng Senior High Entuna , Kristine Salvador , Kerubin Chacwag , Wilbert Galang , Ryan Pascual , Allen TVL 11-A INTRODUKSIYON Saligan ng Pag-aaral Ang sosyal midya ay laganap na ngayon lalo na sa mga kabataan / mag-aaral. Ang sosyal midya ay ang pakikihalubilo sa lipunan ng mga tao sa buong mundo sa pamamagitan ng mga elektronikong gamit tulad ng kompyuter , cellphone , tablet at iba pa na pwede ng ibahagi ang iyong mga ginagawa , mga larawan , musika , mga aktibidad , mga video at marami pang iba na pwede mong maisip. Facebook , instagram , twitter , yahoo at google. Ilan lamang ang mga nabanggit sa napakaraming sosyal networking site na kumakalat ngayon sa internet. Ang internet ay isang tsanel kung saan madaliang makakasagap ng impormasyon at madali din maibibigay nito. Isa sa pakinabang nito ay ang pakikipag komunikasyon sa mga taong malalayo sa atin kaya naman nauso o nagawa ang napakaraming social networking site. Maraming mabubuting epekto at pakinabang ang internet at social networking sites sa edukasyon ng mga kabataan ngayon , naka depende na rin ito sa gumagamit. Masasabi natin na malaking tulong ang internet sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at edukasyon. Subalit kinakailangan tandaan na nararapat gamitin ito ng wasto. Ayon kay Sadorra (2019) , dumarami na ang kahalagahan ng sosyal midya at dumarami na rin ang naiaambag nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang sosyal midya ay may epekto sa paghubog ng ugali at kaisipan ng bawat tao . At ito ay maaring magpalakas o magpahina sa mga positibong pananaw ng bawat mag-aaral . Sakop ng internet ang soyal midya kung walang internet hindi natin magagamit ang sosyal midya . Ang isang dahilan ng mag-aaral sa paggamit ng sosyal midya ay upang mas maging madali ang kanilang pag-aaral . Halimbawa na lamang nito ay ang pagtatanong ng mag-aaral sa kanyang mga kaklase kung ano ang dapat gaawin sa bawat asignatura. Sumakatuwid ang sosyal midya ay nagpapatibay ng komunikasyon ng bawat tao . Isa ang Facebook na nakatutulong sa mga estudyante dahil ditto nagkakaroon ng komunikasyon upang maipaalam ang bawat importanteng gawain. Sumunod naman ang google ang pinakamahalagang parte ng sosyal midya na kung saan ang mga ibat ibang impormasyon na iyong kinakailangan sa mga reports , research , takdang aralin , proyekto , at iba pa. Ang youtube naman ay nakatutulong at naipapakita ang mga bidyo na naglalaman ng mga halimbawa kung paano nila gagawin ang isang bagay. Ang sosyal midya ay isang instrument upang mapabilis at mapadali ang pakikipag konekta sa ibat ibang tao. Nagsisilbi itong gabay sa mga tao lalong lalo na sa mga estudyante at napapataas ng sosyal midya ang kalidad ng edukasyon mapahanggang ngayon. Naipapahayag natin sa sosyal midya ang ating saloobin ngunit dapat rin nating tandaan na may limitasyon ang paggamit ng sosyal midya. Dapat rin nating bigyang halaga ang mga mahahalagang bagay upang hindi lamang sa eknolohiya umiikot ang ating mga buhay . Kahalagahan ng Pag-aaral Inasahan ng mga mananaliksik na sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maging aral at gabay ito sa mga estudyanteng hindi alam ang kanilang limitasyon sa paggamit ng sosyal midya. Malalaman rin ng mga mag-aaral ang mga masasamang epekto ng paggamit ng sosyal medya subalit sa kabilang kamay, mayroon din naman itong mabuting maidudulot sa bawat mag-aaral ngunit sa panahon ngayon ay mas nakaaangat ang masamang dulot nito sa mga estudyante. Ang sosyal midya ay nakatutulong sa mga sumusunod: Sa mga estudyante –Makatutulong ang sosyal midya upang lalong mapalawak ang kanilang kaalaman sa paggamit ng sosyal midya . Sa mga guro- Nagkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin ng kanilang estudyante upang magabayan at matulungan ang kanilang mga estudyante. Sa mga magulang- Makatutulong ang soyal midya para makausap nila ang kanilang mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa. Sa mga Administrasyon- Makatutulong ang sosyal midya upang magkaroon sila ng kaalaman kung anong nangyayari sa ating bansa. Paglalahad ng Suliranin Layunin ng pag-aaral na ito na ilahad ang mga iba’t ibang epekto / dahilan ng mga mag-aaral ng senior high sa paggamit ng social media habang sila’y nag-aaral. Nilalayon din nitong masagot ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano - ano ang mga kadahilanan kung bakit ginagamit / sinasabay ng mga mag-aaral ang social media sa kanilang pag-aaral? 2. Ano ang epekto ng social media sa academic performance ng mga mag-aaral? 3. Ano - ano ang mga kadahilanan kung bakit hindi maiwasan ng mga mag-aaral na gumamit ng social media habang nag - aaral?