Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Karunungang-bayan
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Karunungang-bayan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat : Felma R. Alanzado at Mildred I. Alejandrino
Editor
: Maria Consuelo C. Jamera, Dores P. Claro, Maricris T. Tolibas
Tagasuri
: Jessie C. Torreon, Jocelyn P. Abellano, Noviemar T. Maur,
Donna May D. Pinguit, Kristy Joyce E. Anino, Japheth K. Salar
Tagaguhit : Swelyn E. Forro, Sarreyl Felijude C. Balanghig
Tagalapat
: Felma R. Alanzado at Mildred I. Alejandrino
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno,
Josephine Chonie M. Obseñares, Gilda G. Berte, Antonieta O.
Narra, Feldrid P. Suan, Victoria B. Pabia, Jessie C. Torreon, Dores
P. Claro
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education - Rehiyon ng Caraga
Office Address:
Learning Resource Management Section (LRMS)
Teacher Development Center,
J. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600
Telefax:
(085)342-8207 /(085)342-5969
E-mail Address:
caraga@deped.gov.ph
8
Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Karunungang-bayan
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino – Ika -8 Baitang ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Karunungang-bayan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y
naglalaman ng
mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino – Ika-8 Baitang ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Karunungang-bayan!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Para sa magulang:
Bilang mga magulang, kayo ay mahalagang kaakibat sa edukasyon. Malaki ang
inyong bahagi dahil naiimpluwensiyahan ninyo ang mga pag-uugali ng inyong mga
anak at naipapasa ang inyong kaalaman sa kanila. Kayo ay mahalagang
koneksyon sa pagitan ng bahay at paaralan.
Ang pinakahangarin ng ugnayan sa pagitan ng paaralan at magulang ay
magkaroon ng kolaborasyon na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na
makaroon ng mabuting edukasyon at matagumpay na kinabukasan.
Ang positibong saloobin at obligasyon bilang magulang ang susi sa maayos na pagaaral ng mga anak. Kaya naman, isang napakagandang oportunidad bilang isang
magulang na maging bahagi sa pagpapaunlad ng karunungan ng mga mag -aaral
sa pamamagitan ng paggabay sa kanilang pag-aaral gamit ang materyal na ito.
Bilang gabay, mahalaga ang iyong papel tungo sa pagtupad ng kanilang pangarap.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Subukin
Balikan
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
iii
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
v
Alamin
Magandang araw mahal kong
mag-aaral! Ako ang iyong guro at
makakasama
mo
sa
iyong
paglalakbay.
Binabati kita
dahil
nakarating ka na sa bahaging ito ng
ating paglalakbay. Upang maging
kapanapanabik, naghanda ako ng
maraming gawain na tiyak ikatutuwa
mo. Halika’t umpisahan na natin ang
iyong paglalakbay.
Tutuklasin natin dito ang mga
Karunungang-bayan na yaman ng
ating lahi. Sa paglalakbay na ito,
malalaman natin ang mga salawikain,
sawikain, kasabihan at bugtong na
natatangi sa ating paniniwala.
Ipaliliwanag mo kung anong ibig
sabihin ng mga ito at huhulaan ang
mga sagot sa bugtong. Sigurado ako na
matutuwa ka sa mga gawain na
inihanda ko sa iyo.
Sa pagtatapos ng ating paglalakbay, inaasahan ko na magagawa mo ang mga
sumusunod:
Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungangbayan sa mga pangyayari sa kasalukuyan. F8PB-Ia-c-22
Mga tiyak na layunin:
1. Nabibigyang kahulugan ang karunungang-bayan;
2. Natutukoy ang pangyayari sa kasalukuyan na may kaugnayan sa kaisipang
nakapaloob sa karunungang-bayan;
3. Natutukoy ang mahalagang kaisipang napapaloob sa sa mga karunungangbayan;
4. Nakabubuo ng tamang salita na tutugma sa bawat bugtong.;
5. Nakabubuo ng sariling bugtong na may kaugnayan sa kasalukuyang
pangyayari;
6. Nakasusulat ng sariling kasabihan at salawikain batay sa sitwasyon.
1
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
Subukin
Bago mo pag-aralan ang mga
bagong aralin, magkakaroon muna
tayo ng paunang pagtataya. Sikapin
mong sagutin ang mga tanong upang
mataya kung ano ang mga dapat mo
pang malaman sa mga susunod na
pag-aaral.
Panuto: Iugnay ang kahulugan ng sumusunod na pahayag sa mga pangyayari sa
kasalukuyan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
_____1.
_____2.
_____3.
_____4.
_____5.
Luha ng buwaya
Aanhin mo ang palasyo, kung nakatira ay kuwago?
Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.
Sanga-sangang dila
Matutong mamaluktot habang maikli ang kumot.
A. Nalaman ni Maria na may problema sa marka ni Donna sa asignaturang
Matematika. Sinabi niya ito kay Joy na katabi niya. Hindi pa siya nakontento,
kinalat niya ito sa buong klase.
B. Hindi totoo ang kaniyang pagdadalamhati nang mamatay ang kaniyang kaibigan.
C. Magaling magbalatkayo ang aming mayamang kapitbahay.
D. Sa panahon ngayon ng pandemya, humina ang tindahan ni Jose kaya konti lang
ang kita niya araw-araw. Kaya’t pinagsikapan niyang mabuti na mapagkasya sa
kanilang pangangailangan.
E. Sa gitna ng panahong pademya, ang mga Pilipinong Fronliners ay hindi
nanghihina bagkus lalo pa itong lumalaban at naging mas matapang.
Mahusay! Nagawa mo ang paunang
pagtataya. Kung mababa man ang iyong
iskor, huwag mabahala sapagkat paunang
pagtataya lamang ito.
Ipagpatuloy mo lamang na aralin,
unawain at sagutin.
2
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
Aralin
1
Karunungang-bayan
Balikan
Alam mo ba, hitik sa mayamang
panitikan ang ating mga ninuno. Ang
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay
ay ang kanilang inspirasyon sa nilalaman at
istilo ng kanilang literatura bago pa man ang
pananakop ng mga Kastila at iba pang lahi
sa ating bansa. Kaya sa araling ito, ang
magagandang pag-uugali, mga karunungan
at pagkakakilanlan nating mga Pilipino ay
iyong mabibigyang sulyap, mababalik-tanaw
mo ang ating kahapon at tiyak na
maipagmamalaki mo na ikaw ay Pilipino.
Ngunit bago ‘yan, bilang pagbabaliktanaw sa kasanayan sa nakaraang modyul,
inaasahang isasagawa mo ang gawain sa
ibaba. Kaya kung nakahanda ka na,
simulan mo na.
Tama o Mali, Mali Itama!
Panuto: Sagutin ang pagsasanay sa ibaba upang malaman kung gaano kalawak
ang iyong kaalaman tungkol sa Panitikang Pilipino. Isulat ang TAMA kung ang
pangungusap ay tama at kung MALI, palitan ang salitang may salungguhit upang
ito ay maging tama. Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang iyong sagot.
1. Ang salawikain, sawikain, bugtong at kasabihan ay mga
halimbawa ng karunungang-bayan.
2. “Si Mariang Mapangarapin” ay isang halimbawa ng pabula.
3. Ang pabula ay isang anyo ng panitikan kung saan ang
gumaganap ay mga hayop o kaya mga bagay na walang buhay.
4. Ang maikling-kwento ay isang uri ng panitikan na naglalayong
maitanghal sa entablado.
3
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
5. Ang dula ay isang anyo ng panitikan na may layuning
magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan.
Tuklasin
Mahusay! Matagumpay
mong naisagawa ang unang
gawain. Magpatuloy ka lang at
magagawa pang madagdagan
ang iyong kaalaman.
Panuto: Suriin at kilalanin ang sumusunod na mga karunungang-bayan.
Bigyan natin ng pansin ang mga pahayag. Ano-ano kaya ang mga ito?
1.
2.
Isang butil ng
palay,
sakot ang buong
bahay.
______________________
3.
“Kung may tiyaga,
may nilaga”
_____________________
“Ang mabuting
pag-uugali,
masaganang
buhay ang sukli”
____________________
Nakilala mo ba kung anong uri ng
karunungang-bayan ang mga pahayag?
Tama! Isang bugtong ang nasa
unang bilang, salawikain naman ang nasa
ikalawa at ang ikatlo ay kasabihan.
Ngayon ay subukan mong bigyan ng kahulugan ang mga ito.
1. __________________________________________________
2. __________________________________________________
3. __________________________________________________
4
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
Hindi nakapagtataka na ang
paksa ng karunungang-bayan ng ating
mga ninuno ay patungkol sa mga bagay
na natatagpuan sa kapaligiran at may
kaugnayan sa kanilang pang-araw-araw
na karanasan.
Ngunit ano nga ba ang karunungang
bayan? Halika’t ating alamin at basahin
ang kasunod na talakayan.
Suriin
KARUNUNGANG-BAYAN
Ang mga karunungang-bayan ay isang sangay ng panitikan na
nagpapahayag ng mga kaisipan at paniniwala, sumasalamin sa iba’t ibang
karanasan ng mga tao na nasa iisang kultura.
Ginagamitan ito ng malalalim at matatalinghagang salita upang mapatalas
ang kaisipan. Sadyang matatalino ang ating mga ninuno kung saan naipamamalas
nila ito sa pamamagitan ng mga karungang-bayan na nakikita naman natin
hanggang sa kasalukuyan.
Ang karunungang-bayan ay hango rin sa karanasan ng mga matatanda at
nagbibigay ng payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala. Ito ay isang
hudyat na ang mga Pilipino noon pa man ay may mataas na pagpapahalaga sa
paglinang sa kaugalian at paghasa sa kinagisnang kultura.
May iba’t ibang uri ang karunungang-bayan na makatutulong sa pagtukoy
ng dangal ng ating lahing pinagmulan gayundin sa pagwawasto ng sariling paguugali at kilos. Ang mga ito ay ang salawikain, sawikain, kasabihan at bugtong.
Halina’t ating unawain ang mga uri ng karunungang-bayan sa modyul na ito.
Salawikain
Ang salawikain, (na minsan ay tinatawag ding sawikain o kasabihan) ay
isang maikli ngunit makabuluhang pahayag na karaniwang may matulaing
katangian. Naglalaman ito ng mga aral, karunungan, o katotohanan.
Halimbawa:
1.
2.
3.
4.
Kung walang tiyaga, walang nilaga.
Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
Kaya matibay ang walis, palibhasa’y nagbibigkis.
Aanhin ang bahay na bato kung ang nakatira ay kuwago, buti pa ang kubo na
ang nakatira ay tao.
5
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
5. Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim. Ang lumalakad nang
mabagal kung matinik ay mababaw.
6. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila.
Kasabihan o kawikaan
Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng
mga talinghaga. Payak ang kahulugan ng kasabihan kaya madaling maunawaan
ang mensaheng hatid nito. Ang kilos, ugali at gawi ng isang tao ay masasalamin sa
mga kasabihan.
Halimbawa:
1.
2.
3.
4.
5.
Sa panahon ng kagipitan, nakikita ang kaibigan.
Ang magalang na sagot ay nakapapawi ng poot.
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Ang katamaran ay kapatid ng kagutuman.
Ang kapalaran hindi man hanapin, dudulog, lalapit kung talagang akin.
Sawikain
Ang sawikain ay mga salitang patayutay o idyomatiko na ginagamit upang
maging maganda ang paraan ng pagpapahayag. Naiiwasan ang makasakit ng loob
sa kapwa-tao kapag gumagamit ng mga patalinhaga na salita o sawikain sa
pakikipagkomunikasyon.
Ang sawikain ay nahahati sa positibo at negatibo. Narito ang halimbawa ng
mga positibong sawikain at ang kahulugan nito.
1. kapilas ng buhay
2. ilaw ng tahanan
3. busilak ang puso
4. bukal sa loob
5. naniningalang-pugad
6. makapal ang palad
7. matalas ang ulo
8. malawak ang isip
9. parang kidlat
10. maaliwalas ang mukha
11. ikurus sa noo
12. amoy pinipig
13. nagsusunog ng kilay
14. pag-iisang dibdib
15. abot-tanaw
asawa
ina
malinis na kalooban
taos puso/tapat
nanliligaw
masipag
matalino
madaling umunawa
napakabilis
masayahin
tandaan
mabango
masipag mag-aral
kasal
naaabot ng tingin
6
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
Narito naman ang mga halimbawa ng negatibong sawikain at ang kahulugan
nito.
1. ibaon sa hukay
2. basag ang pula
3. nagbibilang ng poste
4. bahag ang buntot
5. alimuom
6. anak-dalita
7. bantay-salakay
8. buwaya sa katihan
9. hampaslupa/sampay-bakod
10. balik-harap
11. basa ang papel
12. mahina ang loob
13. kapit-tuko
14. ahas
15. itim na tupa
kalimutan
luko-luko
walang trabaho
duwag
mabaho
mahirap
taong nagbabait-baitan
nagpapautang na malaki ang tubo
lagalag, walang trabaho
mabuti sa harap, taksil sa likod
bistado na
duwag
mahigpit ang hawak
taksil, traydor
masamang anak
Bugtong
Ang bugtong ay isang uri ng palaisipang nasa anyong patula. Ang mga
bugtong ay kadalasang kaisipang patungkol sa pag-uugali, pang-araw-araw na
buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.
Halimbawa:
Sagot
1.
Kung kailan mo pinatay,
saka pa humaba ang buhay.
kandila
2.
Baboy ko sa pulo,
ang balahibo’y pako.
langka
3.
Nang sumipot sa maliwanag,
kulubot na ang balat.
ampalaya
4.
Isang butil ng palay,
sakot ang buong buhay.
ilaw
5.
Ako ay may kaibigan,
kasama ko kahit saan.
anino
6.
Mataas kung nakaupo,
mababa kung nakatayo
aso
7.
Balong malalim,
puno ng patalim.
baba
8.
Maliit pa si kumpare,
nakaakyat na sa tore.
langgam
7
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
9.
Kung gusto mong tumagal
ang aking buhay, kailangan ako ay
mamamatay.
10. Isang bundok,
hindi makita ang tuktok.
kandila
noo
Mahusay! Batid kong marami
kang
natutuhan
tungkol
sa
karunungang-bayan. Upang mailapat
ang natutuhan mo, subukin mong
sagutan ang mga nahanay na gawain.
Pagyamanin
Kahon ang Maghusga!
Panuto: Piliin ang pangyayari sa kasalukuyan na may kaugnayan sa kaisipang
nakapaloob sa karunungang-bayan.
1. Ang magandang asal ay kaban ng yaman.
Palaging pinaalalahan si Ana ng kanyang ina na ugaliin ang maging
magalang sa kapwa dahil ito ay natatanging kaugalian.
Hindi man mayaman si Ana, higit pa ring hinahangaan ang walang sawang
pagtulong sa kanyang mga kaklase.
2. Ang malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.
Napakalakas ng loob ni Joseng makipag-usap sa kaniyang mga kasama sa
kabila ng kaniyang mga ginawa.
Hindi kailanman natatakot si Baldo sa lahat ng kanyang naging desisyon
dahil malinis ang kanyang intensyon.
3. Kung nagbigay ma’t mahirap sa loob, ang pinakakain ay di mabubusog.
Isang hapunan ang inihanda ng tiya ni Lina, ngunit hindi ako mabusogbusog dahil sa bawat subo namin, siya naman ay nakatingin.
Magaan ang pakiramdam ni Mang Juan sa pag-abot ng tulong sa mga
naging fronliner ng COVID 19.
4. Siya ang itinuturing na itim na tupa sa kanilang pamilya.
Si Roel ay may katigasan ng ulo at hindi sumusunod sa kanyang magulang.
Maitim ang pangangatawan ni Roel kaya siya ay naiiba.
8
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
Bugtungan Tayo!
Panuto: Sagutin ang sumusunod na bugtong. Iayos ang mga initimang letra upang
mabuo ang tamang salita na tutugma sa bawat bugtong. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay nasagutang papel.
1.
Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna.
GOYIN
2.
Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
TISA
3.
Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
APA
4.
Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
TAMA
5.
Kay lapit-lapit nasa mata, di mo pa rin makita.
INGATA
6.
Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
ASIM
7.
Nakayuko ang reyna, di nalalaglag ang korona.
AYABABS
8.
Bulaklak muna ang gawin, bago mo ito kainin.
INGGAS
9.
Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo.
AKOP
10.
Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
MBREROSO
Isaisip
Binabati kita sa iyong
masigasig na pagsagot sa mga
katanungan. Sa bahaging ito, ay
inaasahan
ko
pa
rin
na
magagawa mo ang pagsasanay.
Dugtungan Tayo!
9
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
Panuto: Dugtungan ang mga pangungusap na may patlang ayon sa iyong
natutuhan. Isulat ito sa hiwalay na papel.
May iba’t ibang uri ng Karunungang-bayan. Ang bugtong ay isang uri ng
palaisipang
nasa
anyong
_______________.
_________________ ang pagpapakahulugan.
Ang
kasabihan
naman
ay
Ang sawikain ay mga salitang
eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang __________________
ang paraan ng pagpapahayag.
Ang Salawikain naman ay mga butil ng
karunungan na ___________________________ng kagandahang-asal ng ating mga
ninuno.
Kaya’t mahalaga ang
mga karunungang
ito
dahil
______________
_________________________________________________________.
Isagawa
Alam kong malalim na ang
kaalaman mo sa karunungangbayan. Sa pagkakataong ito’y
paiigtingin pa ang iyong pagkatuto
sa pamamagitan ng pagsagot sa
gawain.
Iangkop Mo!
A. Panuto: Basahin ang mga sitwasyong nasa ibaba na nangyayari sa totoong
buhay sa kasalukuyan. Mula rito piliin ang pinakaangkop na kasabihan,
salawikain o sawikain batay sa sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
hiwalay na sagutang papel.
1. Madalas kang tuksuhin ng iyong kamag-aral dahil salat ka sa
pangangailangan pero puno ka naman sa pagmamahal ng iyong mga
magulang. Ang pangyayaring ito sa iyong buhay ang iyong naging
inspirasyon upang mag-aral nang mabuti. Mabilis na dumaan ang
panahon at ikaw ay nakapagtapos ng pag-aaral. Ang dating tinutukso
noon ay umunlad at nagkaroon na ng magandang buhay.
A. Kapag may tiyaga, may nilaga.
B. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
C. Huwag mong sa gawin sa iba, ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.
D.Bago mo linisin ang dungis ng iba, linisin muna ang putik sa iyong
mukha.
10
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
2. Hiniling ng matalik mong kaibigan na magsinungaling ka at sabihing kayo
ang magkasama sa kaniyang panonood ng sine. Hindi ka pumayag kaya
nagalit siya. Hindi ka niya kinibo nang mahabang panahon. Ipinagkibitbalikat mo na lang ang kaniyang ginawa. Dumating ang araw humingi siya
ng tawad sa kanyang ginawa at naibalik ang inyong magandang
pagkakaibigan.
A. Ang tunay na kaibigan karamay kainlanman.
B. Ang tunay na kaibigan, nasusubok sa kagipitan.
C. Ang tunay na kaibigan ay karamay sa kasinungalingan.
D. Ang mga hangal ay nagsisinungaling, ang mga matatalino ay nanatili
sa katotohanan.
3. Ang mga frontliners sa panahon ng pandemyang Covid19 ay taos-pusong
naglilingkod hindi lamang sa ating komunidad at sa ating bansa.
A. bukal sa loob
B. matalas na ulo
C. makitid mag-isip
D. malawak mag-isip
4. Sa kinahaharap nating iba’t ibang isyu sa ating lipunan, hindi maaaring
mag bingi-bingihan lamang tayo sa mga pangyayaring ito. Kailangan nating
kumilos.
A. taingang-kawali
B. mahina ang loob
C. bahag ang buntot
D. matalas ang pandinig
5. Nag-apply sa trabaho si Arnel. Masyadong mahigpit ang pagtanggap ng
bagong empleyado kaya nilapitan ni Arnel ang kakilala niyang tagamahala
ng kompanya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, hiningan siya nito
ng halaga upang maipasok siya sa trabaho. Hindi tumugon si Arnel sa
nais ng kakilala sa halip pumila sa hanay ng mga aplikante.
Ipinagmamalaki niyang natanggap siya sa trabaho na dumaan sa tamang
proseso
A. Matalas ang ulo.
B. Mataas ang noo.
C. Malawak ang isip.
D. Bahag ang buntot.
11
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
B. Bumuo ng sariling bugtong na may kaugnayan sa kasalukuyang pangyayari.
1. Facemask
____________________________________
____________________________________
2. Quarantine ID
____________________________________
____________________________________
3. COVID-19
____________________________________
____________________________________
Tayahin
Mahusay!
Binabati
kita dahil nakaabot ka sa
parteng ito. Tiyak marami
kang natutuhan sa iba’t
ibang mga aralin sa Modyul
na
ito.
Ngayon,
ating
tatayahin
ang
iyong
kaalaman sa nakalipas na
aralin.
12
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
A. Panuto: Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng salawikain at kasabihan.
Tukuyin ang mahalagang kaisipang napapaloob sa mga karunungang-bayang
nabanggit mula sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa hiwalay na
sagutang papel.
Hanay B
Hanay A
1. Matibay ang walis palibhasa’y
nabibigkis.
2. Ang mabuting halimbawa, ay
higit na mabisa kaysa pahayag
na dakila.
3. Sa panahon ng kagipitan,
nakikita ang tunay na kaibigan.
4. Ang magalang na sagot ay
nakapapawi ng poot.
5. Kung may tiyaga, may nilaga.
A. Paninindigan at pagsasakripisyo sa sarili
at pamilya ay makatatanggap ng biyaya
at magandang kinabukasan.
B. Ang lakas ay nakukuha sa pagsasama o
pagkakaisa.
C. Sasamahan ka sa pait at ligaya.
Tutulungan kang malagpasan ang lahat
ng pagsubok na darating sa buhay.
D. Ang paggawa ng Mabuti ay dapat hindi
lang malagpasan ang lahat ng pagsubok
na darating sa buhay.
6. Sa paghahangad biyaya at
kagitna, isang salop ang nawala.
E. Pag-isipang Mabuti ang bawat desisyon
sa buhay kung makasasama o
makabubuti sa iyo upang hindi magsisi
sa huli.
7. Nasa Diyos ang awa, nasa tao
ang gawa.
F. Ang paghahangad ng sobra-sobra o
kasakiman ay naghahatid sa kawalan.
8. Ang katamaran, kapatid ng
kagutoman.
G. Ang Diyos ay maawain, mahabagin at
mapagmahal. Tiyak na hindi pababayaan
ang tao sa mundo ngunit kailangan
dinng tao na magsumikap at kumilos
upang mabuhay ang sarili.
9. Aanhin ang bahay na bato, kung
ang nakatira ay kuwago.
10. Ang lumalakad nang matulin,
kung matinik ay malalim. Ang
lumalakad nang mabagal, kung
matinik ay mababaw.
H. Ang tao kapag tatamad-tamad at hindi
nagsusumikap sa buhay ay magugutom.
I. Ang pagsagot ng po at opo o walang
kabastosan ay nagtatanggal ng galit.
J. Hindi mahalaga kung ano man ang iyong
katayuan sa buhay kung hindi ang
pagpapakita ng kagandahang-asal.
13
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
B. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bugtong at sawikain na nasa ibaba.
1. Lantang-gulay
A. sira na ang gulay
B. lanta na ang gulay
C. sobrang pagod
D. sobrang tulog
2. Makapal ang palad
A. makalyo ang palad
B. malikhain
C. masipag
D. matulungin
3. Maikling landas, di-maubos lakarin.
A. anino
B. daan
C. sapatos
D. tsinelas
4. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
A. baso
B. batya
C. lata
D. tabo
5. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
A. alitaptap
B. gamu-gamo
C. paruparo
D. tutubi
14
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
Karagdagang Gawain
Magaling! Nakita ko ang iyong
determinasyon upang masagutan
ang lahat ng gawain na naririto. Ito
na ang huling pagsubok para sa
inyo.
Panuto: Bumuo ng sariling salawikain at kasabihan batay sa pangyayari. Gamitin
ang pamantayang nabuo. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.
Maaring nabalitaan mo na may isang guest speaker sa isang pagtatapos sa
hayskul na peke ang mga credentials. Pinabulaanan ng University of the
Philippines-Manila na naging estudyante nila ang naturang tagapagsalita. Isa
lamang daw ang nagtapos sa Political Science na nagkamit ng mataas na
karangalan noong taong 2019. Maliban pa rito hindi rin daw nagbigay ng Best in
Research Award ang naturang departamento ng unibersidad. Humingi ng
paumanhin ang naturang guest speaker na isa palang SK chairman dahil nais
lamang daw niyang maipagmalaki siya ng kanyang magulang. Ang pangyayaring
ito ay nagbigay daan upang imbistigahan ng LGU ang kanyang kakayahang
mamuno sa mga kabataan.
Salawikain:
__________________________________________________________________________________
Kasabihan:
__________________________________________________________________________________
Pamantayan sa pagbuo ng sariling
salawikain at kasabihan
1. Nagpapahayag ng kagandahang asal
2. Angkop at mabisa ang mga salitang
ginamit sa pagpapahayag ng
karunungang-bayan
3. Naghahatid-gabay sa araw-araw na
pamumuhay
Kabuong puntos
15
5
4
3
2
1
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
Napakahusay mo mahal
kong mag-aaral! Natapos at
napagtagumpayan mo ang
aralin. Sana’y naiwan sa iyong
isipan ang lahat ng mga
napag-aralan
natin
sa
Karunungang Bayan. Nawa’y
pahalagahan mo ang mga ito
dahil sumasalamin ito sa ating
kultura.
Bagaman tapos na tayo
sa araling ito. Ihandang muli
ang iyong sarili sa panibago
na namang aralin, ang Modyul
2:
Matatalinghagang
Pahayag at Eupemistiko o
Masining na Pahayag
16
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
Susi sa Pagwawasto
17
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
Mga Aklat:
Enrijo,Willita A., Bola, Asuncion B., 2013. Panitikang Pilipino-Ikawalong Baitang.
Book Media Press, Inc. and Printwell, Inc. Unang Edisyon.
18
CO_ Q1_Filipino 8_Module 1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifcaio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph* blr.lrpd@deped.gov.ph