Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only €10,99/month after trial. Cancel anytime.

Vanquish: Venom Tagalog Edition, #2
Vanquish: Venom Tagalog Edition, #2
Vanquish: Venom Tagalog Edition, #2
Ebook218 pages2 hours

Vanquish: Venom Tagalog Edition, #2

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Nawalan ng tiwala si Ellis sa  mga lalaki matapos ipapatay ng sarili niyang ama ang kanyang ina.

 

Dahil naman sa panloloko ng babaeng minahal ay nawalan nang gana sa pag-ibig si Revo.

 

Ngunit dahil sa kagagawan ng CEO ng Venom Corp., nagtagpo ang landas ng dalawa.

 

Lingid sa kanila, kamatayan ang naghihintay kay Ellis oras na umibig siya kay Revo.

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateJun 30, 2022
ISBN9798201350963
Vanquish: Venom Tagalog Edition, #2

Read more from Arielle Alia

Related authors

Related to Vanquish

Titles in the series (2)

View More

Related ebooks

Reviews for Vanquish

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Vanquish - Arielle Alia

    This e-book is licensed for your personal enjoyment only. This e-book may not be re-sold or given away to other people. If you would like to share this book with another person, please purchase an additional copy for each recipient.

    This book is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is entirely coincidental.

    Find out more about the author and her upcoming books online at https://www.facebook.com/pages/Arielle/261797261752

    and

    http://arielle-ebooks.weebly.com/

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This e-book would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To my family, especially my mother, Mrs. Josefina L. Alia who helped me edit this novel.

    To my friends, Magdalena Mangulabnan and Raquel Robles.

    To my friend, Emlyn Serdiña who helped me review this novel.

    And to the girls and guys of Eternal Equinox who continued to give me support as I embark on a new stage in my life as an independent publisher/writer.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    AUTHOR'S NOTE

    Hope you enjoy reading the second book of Venom trilogy. It is entitled Vanquish at ito ang kuwento ni Revo Jurado. And once again, a warning. I never write for children. I only write for readers with matured minds.

    ARIELLE ALIA

    PROLOGUE

    A re you saying, Mr. Jurado, that the materials used by your construction company is substandard? paninigurado ng prosecutor.

    The materials provided by the main contractor who used my company to build part of the Genoa Bridge was substandard, mariin niyang sabi. My company RJ Company only provided the workers. Ang lahat ng materials na ginagamit namin ay nagmumula sa Habacon Inc. which is also owned by Habacon Construction company na siyang nanalo sa kontrata sa paggawa ng Genoa Bridge.

    Ginamit ba ng kumpanya ninyo ang substandard materials na ibinigay sa inyo ng Habacon Inc.?

    No, sir, mariing tanggi ni Revo. Gumawa ako ng written request sa Habacon Inc. para palitan ang materials na dinala nila. The president of Habacon Construction then met with me and convinced me to use these low quality materials. He even offered me money para baliwalain ko ang mga natuklasan ko. Dahil dito, hindi ko ipinagpatuloy ang paggawa sa Genoa Bridge.

    Meron ka ba'ng ebidensiyang maipapakita sa nangyaring meeting na ito, Mr. Jurado?

    Inilabas niya ang kanyang cell phone.

    I used a hidden camera shaped like a button on my shirt. Na-record noon ang mga naging pag-uusap namin. I copied the video here on my cell phone. At nabigyan ko na rin kayo ng kopya at ng original ng video recording na iyon bago ako naupo rito.

    Mabilis ang naging pagtutol ng defense lawyer ng Habacon. Ilang minutong nakipagtalo ito sa prosecutor bago nagbigay ng desisyon ang judge. Hinayaan ng judge na maipalabas ng prosecutor ang kinuhang video ni Revo.

    Todo ang naging pagcross-examine kay Revo ng defense lawyer ngunit hindi nito nasira ang kanyang testimonia. Nang sa wakas ay matapos ang cross-examination sa kanya ay nakita niya sa mukha ng prosecutor ang tagumpay. Malabo nang manalo pa ang Habacon sa kasong ito.

    Paglabas ni Revo ng korte ay nakita niya si Christina. Muli niyang naramdaman ang sakit na dulot ng ginawa nitong panloloko sa kanya. Ngunit agad iyong napalitan ng galit dahil naging napakatanga niya!

    Revo.., tawag nito sa kanya.

    Makukuha mo na ang hustisya para sa mga magulang mo, Christina. Habacon will pay for their crimes. Magiging malinaw na sa buong mundo na dahil sa substandard materials mula sa kanila kaya bumigay ang Sta. Ana bridge na dinaraanan ng kotse ng mga magulang mo noon. Makikita ng lahat ang pattern of work at paggamit ng kumpanya nila ng mahihinang materyales sa bawat projects na ginagawa nila. After Habacon, you can go after the others na tumulong sa cover-up ng tunay na dahilan ng pagbagsak ng Sta. Ana bridge. Hindi mo na ako kailangan pa.

    I-I’m sorry. Nangilid ang luha nito.

    Tinalikuran niya ito. Pinaalalahanan niya ang sarili na dahil sa luhang iyon ng babae ay napaikot siya nito sa kamay nito.

    Sandali lang, Revo! tangis nito.

    Binaliwala niya ito. Dire-diretso siya sa kanyang dark green Toyota Vios. Gusto niyang ibaon na sa limot ang naging kaugnayan niya sa babae. Pinahagibis niya palayo ang kanyang kotse. Tapos na ang kanyang pagtestigo. Maaari na siyang umalis sa lugar na ito.

    Pagdating niya sa hotel na pansamantala niyang tinutuluyan ay agad siyang nag-check-out. Hapon na. Aabutin siya ng gabi sa daan kapag ngayon siya babalik sa Quezon City. Ngunit wala siyang pakialam. He needed to get out of Isabela town!

    Sa pagbabalik niya sa parking lot kung saan niya iniwan ang kanyang kotse ay dala na niya ang kanyang mga bagahe. Nagulat siya nang makitang hinihintay siya roon ni Christina.

    Hindi kita niloko, Revo! mabilis nitong sabi. Nang sabihin ko sa iyong mahal kita, totoo iyon!

    You are a married woman! mariin niyang pahayag. Pinapaniwala mo akong dalaga ka. Ginamit mo ang iyong ganda at katawan para kasapakatin ako sa pakikipaglaban mo sa Habacon. You made me love and trust you. But all this time ay niloloko mo lamang ako.

    Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Mahal kita!

    That doesn’t mean a thing! Pag-aari ka ng ibang lalaki!

    Nakahanda akong iwanan ang asawa ko para sa iyo, Revo! malakas nitong sabi.

    Natigilan siya. Mahigpit na yumakap ito sa kanya.

    Sa umpisa siguro ay umaarte lamang ako. Pero natutunan na kitang mahalin. And I love you, want you more than my husband!

    Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang babae. Inilayo ito. Umiling siya.

    Kung nagawa mong pagtaksilan ang asawa mo, tiyak na magagawa mo rin iyan sa akin. I do not want a woman like you, Christina, mariin niyang pahayag.

    Napahagulhol ang babae. Noon napansin ni Revo ang lalaking mabilis na naglalakad palapit sa kanila.

    Your husband is here, aniya.

    Napalingon si Christina. Isang baril ang inilabas ng asawa ng babae. Sunod-sunod na putok ang narinig ni Revo. Duguang bumagsak ang babae sa sementadong parking lot.

    CHAPTER 1

    Elena ang pangalang ibinigay kay Ellis ng ama. Ngunit bago siya pumasok sa kolehiyo ay legal niyang ipinabago iyon at ginawang Ellusive. Maging ang apelyido ng ama ay inalis niya. Ginamit niya ang apelyido ng ina na Sumiran. Hangga’t maaari ay gusto niyang burahin sa isipan ang anumang bagay na magpapaalaala sa kanya sa lalaking minsan ay tinawag niyang ama.

    Thirteen years old siya nang ipapatay ng ama ang kanyang Mommy Lilian upang mapakasalan nito ang kalaguyo nito. Nahuli ng mga pulis ang taong binayaran ng ama para patayin ang mommy niya kaya’t naparusahan din ang ama niya. Habang buhay ang naging hatol sa ama at mula nang makulong ito ay hindi na niya ito dinalaw pa. Itinakwil na niya ito at kinalimutan tulad ng ginawa nito sa kanilang mag-ina noong makilala nito ang kalaguyo nito.

    Bukod sa ina, ang tangi na lamang niyang itinuring na magulang ay ang Tita Megan na siyang kumupkop at nagpalaki sa kanya.

    Ibig ba'ng sabihin nito, mula sa araw na ito ay Ellusive Sumiran na ang magiging pangalan mo? usisa ng kaibigan niyang si Angela sa first day nila sa kolehiyo.

    Oo naman. Buong summer naming nilakad ng Tita Megan ko ang papers ko para kahit na mga school record ko noong elementary at high school ay mapalitan ng Ellusive Sumiran.

    Katunog ng bagong pangalan mo ang salitang exclusive, biro ni Barbie. Pero tingin ko ay mas bagay nga sa iyo ang pangalang Ellusive dahil wala ka nang ginawa kung hindi iwasan ang lahat ng mga lalaking nagkakagusto sa iyo.

    Natawa siya.

    Mababago rin ba ang palayaw mo? usisa ni Angela.

    It will still be Ellis. Ayokong palitan iyon since iyon ang tawag sa akin ng mommy ko.

    Magkakaibigan silang tatlo mula pa elementary. Ang dalawa rin ang naging karamay ni Ellis sa trahedyang nangyari sa pamilya niya noon. Dahil dito, batid ng dalawa ang naging desisyon niya tungkol sa pagtatakwil sa ama. Hindi kailanman siya kinumbinsi ng dalawa na baguhin ang desisyon niyang pagtatakwil sa ama. Nirespeto ng mga ito ang kanyang desisyon.

    Sana lamang ay huwag kang matulad sa Tita Megan mo, komento ni Angela.

    Ano naman ang problema sa lifestyle ng tita ko? She is a very successful career woman. Masaya siya sa pagiging single niya.

    Saglit na hindi agad nakasagot ang dalawa.

    Nakakapanghinayang ang ganda mo, Ellis, kung hindi ka man lamang mag-aanak, komento ni Angela. Hindi ka dapat matakot magmahal dahil lamang sa nangyari sa parents mo. Your mom made a mistake. But you are smarter and stronger than her kaya natitiyak kong makakakuha ka ng mas karapat-dapat na asawa.

    Mataman niyang tiningnan ang kaibigan.

    Anong nangyari sa iyo? Bakit para kang naging DJ sa radio na nagiging tagapayo sa mga taong may problema sa pag-ibig?

    Hindi mo pa ba narinig ang tsismis? singit ni Barbie.

    Namula si Angela. Pinanlakihan niya ito ng mata.

    Huwag mong sabihin na sinagot mo na si Larry?

    Hindi no! malakas na tanggi ni Angela na patuloy sa pamumula.

    Pero MU na sila, singit ulit ni Barbie.

    Tsismosa ka talaga! pagalit dito ni Angela.

    Kasalanan ko ba na lagi ko kayong nakikita na magkasamang naglalakad sa harapan ng bahay namin? kunwa’y pagtataray ni Barbie.

    Magkalapit lamang ang bahay ng dalawa kaya updated ang mga ito sa nangyayari sa bawat isa. Dati ay nakatira rin si Ellis sa lugar na iyon, ngunit dahil sa nangyari sa pamilya niya ay lumipat siya at ngayon ay nakatira na sa bahay ng Tita Megan niya. Maaari siyang dumalaw sa mga kaibigan, ngunit ayaw na niyang makita ang dati nilang bahay kung saan niya natagpuang patay ang mommy niya. Kaya ang dalawa ang madalas na dumadalaw sa kanya. Pero naging busy siya nang husto nitong summer kaya hindi niya nakita ang mga kaibigan. Ngayon lamang enrollment sila muling nagkasama-sama. Isang college lang naman kasi ang papasukan nila.

    So, ano naman ang bago sa iyo, babaeng manika? baling niya kay Barbie. Bahagi na iyon ng tuksuhan nila dahil ipinangalan ang kaibigan sa pamosong manika na si Barbie.

    Ganoon pa rin. Hindi ko pa rin naipapanalo ang aking walang katapusang pakikipaglaban sa aking mga belbel, anito sabay hawak sa taba nito sa tagiliran.

    Inihit silang tatlo ng tawa. Binaliwala nila ang naging pagtitinginan ng ibang mga estudyante sa canteen. Ganoon naman talaga silang tatlo, basta nagkasama-sama, ubod ng ingay. Ginugulo nila ang bawat lugar.

    CHAPTER 2

    From first year to second year college ay nananatili sina Ellis, Angela at Barbie na magkaklase sa maraming subjects dahil general subjects pa lamang ang kinukuha nila. Ngunit nang dumating ang third year kung saan kailangan na nilang pumili ng majors, nagkahiwa-hiwalay sila. Business Administration ang kinuha ni Angela, Mass Communication naman si Barbie, at si Ellis ay Psychology. Pero sinisikap pa rin nilang magkakaibigan na magkasama during lunch or at least during break times.

    Siguro dahil na rin sa kurso ni Ellis kaya natagpuan niya ang sarili na hinihingan lagi ng payo ng mga kaibigan. Todo ang paliwanag niya sa mga kaibigan na wala siyang nalalaman pagdating sa love at romance pero sa kanya pa rin humihingi ng payo ang mga ito.

    Ang problema kasi ni Angela ay ang boyfriend nitong si Larry.

    Mahal na mahal ka naman noon, hindi ba? Ba’t ka nagkakaproblema? usisa ni Ellis.

    Iyon ata ang problema namin.

    Hindi mo siya mahal na mahal? batid niya na kaya lamang sinagot ni Angela si Larry ay dahil sa pagiging matiyaga nito.

    Mahal ko na naman siya. Pero ang gusto kasi niya, after ng college graduation namin ay magpakasal na kami.

    Most people do that, singit ni Barbie.

    Pero gusto ko munang magkaroon ng career, ani Angela

    Then tell him that. Tiyak kong maiintindihan niya- Sinuri ni Ellis nang husto ang mukha ni Angela. Mukhang hindi ata iyan ang talagang problema.

    Napabuntunghininga si Angela.

    Para kasi kay Larry, ako na talaga 'yung gusto niyang makasama habambuhay. I like him. Pero ewan ko ba, hindi ko siya nakikita as the father of my children. Gusto ko kasi cute at matatangos ang ilong ng magiging anak ko. With Larry, malabong magkaroon ako ng ganoong anak.

    Simple lang ang solusyon diyan. Break up with him! mungkahi niya.

    Nakakaawa naman siya. Ang dami na niyang dinaanang hirap para lamang maging kami.

    Girlfriend, kinatok ni Ellis ito sa ulo, hindi pag-ibig 'yang nararamdaman mo roon sa tao, awa iyan! That’s not a good reason to have a relationship with someone!

    Ang problema naman ni Barbie ay unrequited love. Todo kasi ang pagkakagusto nito kay Todd,

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1