Fil 123
Fil 123
Fil 123
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Brazil St. Concepcion 1, Lungsod ng Marikina
SILABUS SA FILIPINO 2
PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA/
PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
Desckripsyon ng Kurso:
Ang kurso ay magbibigay dii sa pagtalakay sa mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat bilang kasangkpan sa
mabisang pagkatuto. Tatalakayin sa kursong ito ang mga pamamaraan sa kritikal na pagbasa at pag-unawa. Gayundin
ang kasanayan sa pagsulat ng pananaliksik at pagbasa ng mga piling aralin sa iba’t ibang disiplina.
A. Maunawaan ang kahalagahan ng pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina tungo sa higit na malawak na pagkatuto;
B. Magamit ng mga mag-aaral ang mga kaalaman at kasanayan sa kritikal na pag-iisip sa pagsusuri sa iba’t ibang teksto;
C. Makasulat ng iba’t ibang komposisyon na may pagpapahalagang naaayon sa kaasalang Marikeňo na nakaangkla sa
disiplina, mabuting panlasa at kahusayan;
1. Pagsusulit
2. Resitasyon
3. Proyektong Papel
4. Panterminong Pagsusulit
5. Iba pang mga kaugnay na Gawain
BIBLIOGRAFI
Arrogante, J.A. et.al. (2007), Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. National Book Store. Mandaluyong City.
Cardenas, Gandhi et.al. (2002). Sining ng Komunikasyong Panlipunan: Teorya at Praktika. Gold Palace Publishing. Makati
City.
MGA TUNTUNIN
1. Hindi magbibigay ng espesyal na pagsusulit (maikli o mahabang pagsusulit) ang dalubguro sa mga mag-aaral
na hindi nakakuha ng naturang pagsusulit sa oras at araw na itinakda maliban na lamang sa mga espesyal na
kadihalanan na mapatutunayan sa pamamagitan ng mga katibayan. Magtatakda ng kabawasang puntos ang
dalubguro para sa mga espesyal na pagsusulit. Sakaling tuluyang hindi na nakakuha ng pagsusulit,
awtomatikong “0” ang puntos na ibibigay sa mag-aaral;
2. Sinumang mag-aaral na nagnanais na makipag-usap sa dalubguro para sa konsultasyon ng proyekto at iba
pang mga gawain ay magtungo lamang sa silid tanggapan ng mga dalubguro ng Pamantasan ng Lungsod ng
Marikina sa oras na ito ay bakante o mag-email sa marijah6@yahoo.com;
3. Ang hindi makapagpapasa ng mga kahingian ng kurso sa itinakdang araw at oras ay awtomatikong
mamarkahan ng “INC.” Maaaring mapalitan ng pasadong marka ang “INC.” sa sandaling makumpleto ng
mag-aaral ang itinakdang kahingian na hindi lalampas ng isang semestre na naaayon sa itinakdang tuntunin ng
Tanggapan ng Patalaan (Registrar’s Office) ng unibersidad;
4. Hindi bibigyan ng markang “D” ang mga mag-aaral na di na pumasok sa klase matapos ang preliminaryong
pagsusulit, manapay “5.0” ang awtomatikong katapat nito. Mamarkahan lamang ng “D” ang mag-aaral
matapos makapagsumite sa dalubguro ng kaukulang dokumento na pinagtibay ng Tanggapan ng Patalaan ng
Unibersidad bago pa man sumapit ang takdang araw ng preliminaryong pagsusulit;
5. Anumang apela hinggil sa nakuhang marka ay maaaring isagawa sa loob ng 24 na oras matapos matanggap
ang “class card” sa naturang asignatura. Hindi na diringgin ng dalubguro ang anumang apela matapos ang
itinakdang oras;
6. Ang karapatang mag-email ng mga katanungan ay maisasagawa lamang sa panahong sakop ng semestre kung
saan nakaenrol sa naturang asignatura ang mag-aaral. Hindi na bibigyang pansin ang mga katanungan
matapos ang panahong sakop ng pag-aaral sa naturang asignatura gayundin ang mga personal na katanungan.
Ang e-mail address ng dalubguro ay nananatiling pribado at hindi maaaring ibigay ng mag-aaral kaninuman
sa anumang kadahilanan;
7. Obligasyon ng mag-aaral na alamin ang mga paksang tinalakay sa panahong siya ay liban gayundin ang
paghanap sa mga babasahing may kaugnayan sa paksang ito; at
Inihanda ni: