Filipino11 - q1 - w1 Ready To Print

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
website: www.depedzambales.ph

Pangalan: __Karl Kenneth F. Malbun_________Taon at Pangkat: __11-ABM


Paaralan:__Zambales National Highschool____ Petsa: __October 09 2020

GAWAING PAGKATUTO
FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

I. Panimula

Ikaw ba ay may mabisa at epektibong komunikasyon sa iyong


kapwa? Sa paanong paraan mo ito nagiging instrumento ng mabisang
komunikasyon, kapayapaan, at mabuting pakikipagkapwa-tao?
Kung ikaw ay may kakayahang makipag-usap gamit ang wika, ito
ay isang katangiang likas lamang sa iyo. Isa itong mahalagang handog sa
iyo subalit madalas ay hindi nabibigyang-pansin. Ang kakayahan mong
makagamit ng wika ay hindi agad nangangahulugang ikaw ay
nakapagpapahayag tungo sa mabisang komunikasyon. Mataas ang
pagpapahalaga ng lipunan sa iyo hindi lang basta mahusay magsalita ng
wika kundi nakapagpaparating ng mensahe sa mabisang pamamaraan
tungo sa mabisang komunikasyon. Dito mo matutunghayan ang
pagpapakahulugan sa wika, kahalagahan ng wika, gayundin ang
maikling kasaysayan ng wikang pambansa.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong
pangwika (F11PT – Ia – 85)
III. Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng gawaing pagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng wika;
2. nakikilala ang mga katangian at baryasyon ng wika; at
3. nakasusulat ng sanaysay hinggil sa sitwasyong nagpapakita sa paggamit ng
mga baryasyon ng wika.
IV. Pagtalakay
Basahin at unawain ang teksto hinggil sa konsepto ng wika at
pagkatapos ay sagutin ang tanong sa ibabang bahagi.

Ang Wika

Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon ang Wika.


Mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin
ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o
kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at
pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa. Nagkakaintindihan tayo,
nakapagbibigayan tayo ng ating mga pananaw o ideya, opinyon,
kautusan, tuntunin, impormasyon, gayundin ng mga mensaheng
tumatagos sa puso at isipan ng ibang tao, pasalita man o pasulat gamit
ang wika.
Ang salitang Latin na lingua ay
nangangahulugang “dila” at “wika” o
“lengguwahe”. Ito ang pinagmulan ng
salitang Pranses na langue na
nangangahulugan ding dila at wika.
Kalaunan ito’y naging language na siya
na ring ginagamit na katumbas ng
salitang lengguwahe sa wikang Ingles. Sa
maraming wika sa buong mundo, ang
mga salitang wika at dila ay may halos magkaparehong kahulugan. Ito
marahil ay sa dahilang ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas
dahil ang iba’t ibang tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng iba’t ibang
posisyon ng dila. Kaya naman, ang wika ay may tradisyonal at popular
na pagpapakahulugang Sistema ng arbitraryong vocal symbol o mga
sinasalitang tunog na ginagamit ng miyembro ng isang pamayanan sa
kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.

Marami ring dalubhasa sa wika ang nagbigay ng iba’t ibang


pagpapakahulugan sa wika.

 Henry Gleason (mula sa Austero et al. 1999)


Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa isang kultura.

 Bernales et al. (2002)


Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.

 Mangahis et al. (2005)


May mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na
paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

 Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000)


Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang
isang grupo ng mga tao.

 Bienvenido Lumbera (2007)


Parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin
ang bawat pangangailangan natin.

 Alfonso O. Santiago (2003)


Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap,
damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan,
moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan.

 UP Diksiyonaryong Filipino (2001)


Ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito
na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura
at pook na tinatahanan.

Madalas, hindi na natin gaanong nabibigyang-pansin o hindi


gaanong napag-iisipan ang kahulugan ng wika sapagkat tila ba likas o
natural na sa atin ang pagkatuto sa paggamit ng wika sa ating
pagpapahayag mula pa sa pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Subalit
marahil iyo nang napagtanto na ang wika ay hindi lang basta tunog na
nalilikha ng tao, bagkus ito’y isang napakahalagang instrument ng
komunikasyon. Nakapag pahayag ang tao ng mga saloobin sa
pamamagitan ng wika kaya’t nararapat lang na pagyamanin at gamitin
nang naaayon sa angkop na layunin.

Mga Katangian ng Wika


Kung ating babalikan at susuriin sa unang bahagi ng pagtalakay
ang kahulugan ng wika mula kay Henry Gleason, makikita natin ang
mga sumusunod na katangiang taglay nito:
1. Sinasalitang Tunog – Hindi lahat ng tunog na naririnig natin ay
maituturing ma wika. Maaaring ang iba rito ay ingay na dulot ng
paligid. Ang wika ay tunog na nalikha gamit ang mga komponent ng
bibig.
2. Masistemang Balangkas – Ang wika ay may katangiang makaagham
sapagkat tulad ng agham, ang wika rin ay sistematiko Lahat ng wika
ay ay sinusunod na kaayusan o balangkas ng pagkakabuo.
3. Pinili at Isinaayos sa Paraang Arbitraryo – Ang wika ay nabubuo
batay sa napagkasunduang termino ng mga tao sa isang komunidad.
4. Kabuhol ng Kultura – madali nating makilala ang isang tao sa
pamamagitan ng kultura ng tao sapagkat malaki ang ugnayan ng
dalawang ito. Yumayabong at nagbabago ang wika dahil sa taong
gumagamit nito na kabilang sa isang lipunang may umiiral na
kultura.
5. Ginagamit sa Komunikasyon – ayon sa kasabihan, No man is an
island at ayon din sa awitin “walang sinuman ang nabubuhay para sa
sarili lamang”. Nangangahulugan ito na hindi maaaring mabuhay ang
tao nang mag-isa sa mundo Mangungusap at mangungusap tayo
anumang sandal.
6. Nagbabago – dinamiko ang wika. Patuloy ang pagbabago nito sa
paglipas ng panahon.
7. Natatangi – Bawat wika ay may kanya-kanyang katangian na
ikinaiba sa ibang wika. Walang wikang pare-pareho.

Sukat –Kaisipan:
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa naunawaan hinggil sa mga
nabasang impormasyon tungkol sa wika at katangian nito. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Ano-ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng tao? Ano kaya ang
mangyayari kung mawawala ang wikang binibigkas at nauunawaan ng mga
tao sa isang pamayanan o kultura?
2. Bakit nahihirapan tayong umangkop kaagad sa isang lugar na
pinupuntahan natin kung hindi tayo marunong ng kanilang wika?
4. Bakit kaya sa maraming bansa sa mundo ay magkapareho o
magkasingkahulugan ang mga salitang wika at dila? Bakit laging nauugnay
ang dila sa wika?
5. Ano-ano ang pagkakapareho sa mga pagpapakahulugang nabasa at ibinigay
ng iba’t ibang dalubhasa sa wika? Sa paanong paraan naman sila
nagkakaiba-iba ng pananaw?

Baryasyon ng Wika

1. Diyalekto o Dayalek – Ito ang barasyon ng wika na ginagamit sa loob


ng isang partikular na lugar o teritoryo ng isang pangkat ng tao.
Tandaang ang diyalekto ay wika rin.
2. Idyolek – nakikilala o napapabantog ang isang tao nang dahil sa
kanyang natatanging pagsasalita
3. Sosyolek - Ang sosyolek ay tawag sa wika na ginagamit ng isang
partikular na pangkat ng tao, propesyon, o grupo ng mga tao. Sa
wikang ito, may salitang pormal at di-pormal. Ang mga salitang
ginagamit ng mga propesyonal katulad lamang ng mga doktor,
enhinyero, at mga guro ay tinatawag na pormal. Ang di-pormal naman
ay naimbento lamang.
Mga halimbawa ng di-pormal:
 Mustah po
 Chx
 Boom Panes!
 Churva
 Chaka
 Ansabe?!
 Ala Areps

Mga Halimbawa ng Pormal


 Pro Bono Serbisyo
 Takdang Aralin
 Asignatura at kurikulum
 Front End/Back End
 Hemato
4. Etnolek – Nagmula ito sa pinagsamang etniko at dayalek. Taglay nito
ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang
pangkat-etniko.
5. Heterogenous - ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas dahil maraming
wikang umiiral dito at may mga diyalekto o varayti ang mga wikang ito.
6. Homogenous - ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang
wikang sinasalita ng mga mamamayan dito.
7. Bernakular - ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito
varayti ng isang wika tulad ng diyalekto, kundi isang hiwalay na wika
na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro ng gobyerno o ng kalakal.
Tinatawag din itong wikang panrehiyon.

Mga Gawain

A. Lapat-Kagalingan
Panuto: Isulat ang wastong sagot sa mga sumusunod na pahayag sa iyong
sagutang papel.

____________________1. Lahat ng wika ay may sinusunod na kaayusan o


balangkas ng pagkakabuo.

____________________2. Nakikilala o napapabantog ang isang tao nang dahil sa


kaniyang natatanging pagsasalita.

____________________3. Yumayabong at nagbabago ang wika dahil sa taong


gumagamit nito na kabilang sa isang lipunang may umiiral na kultura.

____________________4. Barasyon ng wika na ginagamit sa loob ng isang


partikular na lugar o teritoryo ng isang pangkat ng tao.

____________________5. Ginagamit ito sa isang partikular o tiyak na larangan


kundi sa iba’t ibang larangan o disiplina rin.

____________________6. Tawag sa wika na ginagamit ng isang partikular na


pangkat ng tao, propesyon, o grupo ng mga tao.

____________________7. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng


pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.

____________________8. Napakahalagang instrumento sa komunikasyon.


____________________9. Ang mga salitang ginagamit ng mga propesyonal
katulad lamang ng mga doktor, enhinyero, at mga guro.

____________________10. Ito ay mga salitang naimbento lamang.

B. Hanay-Dunong
Panuto: Ayusin ang sumusunod na salita ayon sa klasipikasyong hinihingi sa
bawat kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ilokano 6. Kalupi
2. Mike Enriquez ng 24 oras 7. Bisaya
3. Ermat 8. Erpat
4. Vice Ganda ng It’s Show Time 9. Waray
5. Arep 10. Palangga

Diyalekto Sosyolek Etnolek Idyolek

C. Aking Tanong, Iyong Tugon


Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa naunawaan hinggil sa mga
nabasang impormasyon tungkol sa wika at katangian nito. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang kahalagahan ng wika sa araw-araw na takbo ng ating
buhay?
2. Dapat bang may wikang pambansang ginagamit ang mga
mamamayan sa isang bansa?
3. Paano magiging daan ang wikang Filipino sa pambansang
kaunlaran?
4. Bilang kabataan sa kasalukuyan, ano ang iyong opinyon at
nararamdaman na namamayani ang diwa ng kolonyalismo sa
paggamit ng sariling wika?
5. Sa iyong sariling palagay, paano ka makatutulong upang
mapalaganap ang wikang Pambansa?

D. Akrostik
Panuto: Ipaliwanag ang WIKA batay sa sariling pagkakaunawa sa
pamamagitan ng pag-uugnay ng mga salita o lipon ng mga salita gamit ang
Akrostik. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

W–

I–

K–

A–

RUBRIK para sa AKROSTIK

Pamantayan 5 4 3 2
1. Angkop ang mga salita sa bawat titik.

2. Magkakaugnay ang mga salita sa


pangkalahatang kaisipan o kahulugan.
1. Malikhain ang pagtatanghal ng nabuong
pagpapakahulugan.
6. Epektibong naipaliliwanag at naipaunawa ang
buong mensahe ng kaisipan mula sa
pagpapakahulugan.
Kabuuang Marka
Binigyang Puntos ni: Pamantayan
5 – pinakamahusay
4 – mahusay
3 – medyo mahusay
2 -nangangailangan pa ng pagpapaunlad
______________________________________

Petsa: ___________________

E. Modelong Face

Panuto: Ilahad ang aralin gamit ang iyong pandama. Una sa mata ay kung ano
ang natatanging napuna sa aralin. Sa bibig naman ay ilalahad ang opinyon sa
aralin. Sa tainga ay kung ano ang tumatak sa isipan mula sa aralin. Sa ilong
(na kumakatawan sa buhay ng tao) ay ang aral na magagamit sa pang-araw-
araw na buhay. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Aking Namasid…..

Paano ko ito ilalahad…..

Ano ang aking narinig…..

Paano ko ito magagamit sa pang-araw-araw kong buhay?


(ang paghinga ay katumbas ng buhay)

V. Pagsusulit
Saysay at Pagsasalaysay

Panuto: Magsagawa ng interbyu o kaya ay magsaliksik tungkol sa paggamit ng


mga baryasyon ng wika. Sa ano-anong sitwasyon nagagamit ang mga ito?
Sa isang A4 sized bond paper, bumuo ng isang sanaysay na nagsasalaysay
hinggil sa mga sitwasyong nagpapakita ng paggamit ng mga baryasyon ng
wika.

Rubrik para sa Pagsulat ng Sanaysay


Mahusay Magaling Katamtamang
5 4 Galing
3
Nakalap na Siksik at Hindi gaanong Kulang ang
impormasyon mayaman sa sapat ang nakuhang
mula sa impormasyon nakuhang impormasyon
interbyu impormasyon
Organisasyon Naihahanay Naihahanay Hindi
nang maayos ang organisado ang
at lohikal ang impormasyon paghahanay ng
mga impormasyon
impormasyon
Gamit ng wika May mataas na Wasto at Maayos ang
antas ng tumpak ang pagkakapili ng
kawastuhan baybay at mga salita
ang baybay at pagkakapili ng ngunit
pagkakapili ng mga salita maraming
mga salita maling baybay

VI. REPLEKSYON
Pagnilayan Mo!
Panuto: Sikaping bumuo ng sariling kotasyon o islogan upang ilarawan ang
iyong pagpapahalaga sa wika. Gumuhit ng ‘speech balloon’ sa iyong
kuwaderno.

_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
VII. Sanggunian

Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. 2017. 927 Quezon Ave., Quezon City: PHOENIX
Publishing House, Inc.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino. 2016. #16
Concha St. Tinajeros Malabon City. Jimczyville Publications

AKO BIBO KASE DAPAT #ABKD. 2018. D2-2273 p. Binay St. Bangkal,
Makati City. VMV11483 Book Publishing House at ni Voltaire M.
Villanueva, PhD.
Ang Pagtuturo ng Wika, Panitikan, at Kultura sa Kto 12 Kurikulum.
2016. St. Tinajeros Malabon City. Jimczyville Publications
https://www.scribd.com/doc/58278225/Mga-Katangian-Ng-Wika
https://philnews.ph/2020/02/26/sosyolek-ano-ang-sosyolek-at-mga-
halimbawa-nito/

You might also like