Ang kuwento ay tungkol sa Hari na naghahanap ng kanyang nawawalang ibon. Ang isang Bilyako ay sinisi ngunit ipinagtanggol ng isa pa. Sa huli, nalaman na ang Reyna ang aktuwal na nagnakaw ng ibon dahil gusto lang itong alagaan.

Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5
Ang Ibon ng Hari
Hari: Simulan na ang laro. Bumilang kayo.
Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo.
Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo.
Hari: Tribulasyon!
Lahat: Tribulasyon!
Hari: Estamos en la Buena composicion.(Titindig) Ang komposisyon ng tanan ay paglalarong mahusay! Ang magulo ay mahalay Sa mata ng kapitbahay. Mga binibini at mga ginoo, Matatandat batang ngayoy naririto, Malugod na bati ang tanging handog ko sa pagsisimula nitong larong duplo. Ang hardin koy kubkob ng rehas na bakal, Asero ang pintot patalim ang urang; Ngunit at nawala ang ibon kong hirang, Ang mga bilyaka ang nuhat nagnakaw!
Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw.
Hari: Sino ang nagnakaw?
Bilyako 1: Kagabi po, hari, maliwanag ang bwan; May isang aninong aking natanaw; Hindi sinasadya, nang aking lapitan Isang babae po, iyang natagpuan.
At kitang-kita kong ikinubli niya. Siyay naririto at nasa tribuna, Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!
Bilyaka 2: Kung kagabi lamang ang sinabi niya, Hindi maaarit kamiy magkasama; Kamiy namamasyal ng irog kong sinta, Panong mananakaw ang ibon sa hawla?
Hari: Kung hindi nga siya, sabihin kung sino At pakaasahang parurusahan ko.
Bilyaka 2: Ang nuha ng iboy sa ikalawang hanay, Doon nakaupo nang buong hinusay, Walang iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.) Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang?
Hari: Pinararatangay hindi umiimik, Tila nga may salat dilay nauumid. (Mag-iisip) Sapagkat may sala Heto, palmatorya! (Akmang papaluin)
Bilyako 2: Kaiingat kayo, O mahal na hari, Mag-isip-isip kat baka magkamali. (Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy) Nalalaman ko po kung sinong nagnakaw. Aking ibubulong kung pahihintulutan.
Hari: Nagpapahintulot!
Bilyako 2: (Lalapit at bubulong)
Hari: Ipakakaon ko, talaga bang tunay? (Siyang pagdating ng abay ng reyna)
Abay ng Reyna: Mahal na hari po, iboy aking dala, Isasauli ko sa kinunang hawla; Kagabi po itoy kinuha ng reyna Siya ay nag-aliw sa pangungulila!
Hari: Kung gayon ay walang dapat parusahan! Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan. Kung uulitin pay ipagbibigay-alam Nang huwag ang iba ang mapagbintangan.
Aba ng Reyna: Pinagbigay-alam sa inyong gwardya, Baka nalimutan at nalingat siya.
Hari: Maraming salamat, bilyakat bilyako, Ngayoy tinatapos itong larong duplo. Paalam sa lahat, salamat sa inyo, Muling magkikita pag naglaro tayo.