Fili Questionsdasds

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ma. Leila Victoria M.

Rosento
IV-Newton

El Filibusterismo
1. Sa unang kabanatang pinamagatang Sa Kubyerta, ang Bapor Tabo ay inihahambing sa
isang naghahari-harian na ibig mag-utos nang pabulyaw. Ang mabagal na pag-usad ng
bapor ay naglalayag nang lubos na kasiyahan hanggang ito ay sumasadsad sa mababaw ba
putik na hindi hinihinala ninuman. Ayon sa ikalawang pangungusap, ano ang sinisimbolo ng
Bapor Tabo?
2. Bakit tinawag na Sa ibabaw ng Kubyerta ang unang kabanata?
3. Nagiging singaw ang tubig kapag itoy pinainit ng galit, hindi papayag na makulong sa
lalagyan. Kapag ang maliliit na tubig ng ilog ay pinagsama-sama at nagkaisa, lalakas ang
agos at maaaring sumira ng maunlad na bayan. Sino ang nagwika nito, at ipaliwanag ang
nais nitong iparating sa kausap na si Simoun. (sa ikalawang kabanata)
4. Ano ang hiwaga sa pagkatao ni Isagani na may koneksyon kay Padre Florentino?
5. Ipaliwanag ang alamat ni Doa Geronima sa ikatlong kabanata.
6. Dahil diyan ay hindi na maaari ang kasabihang mabuti na ang masamang kilala kaysa
sa mabuting kilalanin pa. Bakit ito nasabi ni Ben Zayb ky Padre Salvi?
7. Nabanggit si Ibarra sa ikatlong kabanata na namatay nanghindi nagkaroon nang
maringal na libing dahil sa pagiging isang filibustero. Ano ang ikinamatay ni Ibarra at bakit
hindi siya naipalibing nang matiwasay?
8. Sa ikaapat na kabanata, nang magkaroon ng dalawang kalabaw si Tales at daan-daang
piso ay nagsarili na siya kasama ang kanyang ama na si Tandang Selo, asawa at tatlong
anak. Saan sila nagpunta at bakit doon nila napiling mamirmihan?
9. Noong panahon ng pag-aani ay may isang korporasyon ng mga pari ang umaamgkin ng
kanilang lupain. Subalit ayaw ni Kabesang Tales na basta na lang ipamigay sa mga prayle
ang lupaing pinaghirapan niya?
10. Ano ang ipinagpalit ni Huli bilang panubos sa kanyang nadakip na amang si Kabesang
Tales?
11. Sino ang punot dulo ng lahat ng kasawian ni Basilio? Bakit?
12. Ano ang mabuting ugaling ipinakita ni Basilio sa kabanata anim at ano ang
kinahinatnan niya sa pagtataglay ng ugaling ito?
13. Nang umunlad si Basilio, ay marami siyang gustong patunayan sa mga taong minaliit
siya. Siyay hinirang na magtatalumpati sa araw ng kanilang pagtatapos. At nakikita na
niya ang kanyang sarili sa gitna ng bulwagan, sa harap ng madlang manonood. Ano ang
ibig niyang patunayan nang siyay tinanghal na magtatalumpati?
14. Sinabi sa ikawalong kabanata na ang pasko sa Pilipinas ay araw ng mga bata. Ngunit
para sa mga bata ito ay kinatatakutan. Ano ang ipinahihiwatig nito?

15. Paano maihahambing ang Pasko sa nabanggit sa ikawalong kabanata sa kasalukuyang


pangyayari tuwing sasapit ang kapaskuhan?
16. Nang dalawin si Tandang Selo ng mga kaibigan at kamag-anak ay wala siyang masabi,
maski pilitin niya ay walang lumabas na tinig. Namangha ang mga babae at nasabing,
napipi na! Napipi na! Ano ang dahilan kung bakit ito kinamanghaan ng mga babae at di
makapagsalita si Tandang Selo?
17. Totoo nga. Ako ang taong naparito labingtatlong taon na ang nakararaan, maysakit at
kaawa-awa ang anyo, upang bigyang pitagan ang isang dakilang kaluluwang sadyang
namatay para sa akin. Biktima ng isang tiwaling pamahalaan. Naglagalag ako at
nagpunyaging makaipon ng malaking halaga upang maisakatuparan ang aking mga balak.
Ngayoy nagbabalik ako upang was akin ang tiwaling pamahalaan sa pamamagitan ng
paguudyok sa sarili nitong kabulukan at pagtutulak ditto sa hukay na siyang matuling
babagsakan. Sukdulang gumamit ng luha at dugo. Hinatulan na ang kanyang sarili, tapos
na, ayokong mamatay na hindi ko nakikitang lasug-lasog ito sa ilalim ng bangin. Sino ang
nagwika nito at sino ang kausap?
18. Ano ang sinisimbolo ng pamagat na Si Pilato sa ikasiyam na kabanata?
19. Si Kabesang Tales ay hindi na nakapagsalita gaputok man. Tumabi siya sa kanyang
ama at maghapong hindi nagsalita. Ano ang dahilan nito?
20. Bakit kayamanan at karalitaan ang naging pamagat ng ikasampung kabanata?

Mga Sagot:
1. Sinisimbolo nito na sa kabila ng mabagal na pag-usad ng ekonomiya ng bansa ay
nagagawa pa ring maghari-harian ng mga pinuno dito.

2. Dahil ang mga manlalakbay ay nakaupo sa maginhawang silya, karamihan sa kanila ay


nakasuot-Europeo, mga prayle at mga opisyal at kawani ng pamahalaan. Sila ang mga higit
na makapangyarihan at nakatataas. Ang kanilang mga panukala lang din ang karaniwang
napakikinggan.
3. Ang nagwika nito ay si Isagani. Ibig ipahiwatig ng sinabi ni Isagani na kapag ang isang
taong nagkimkim ng maliliit na galit at itoy sumabog sapagkat hindi na nakayanan ang
pagtitimpi, ay maaring magdulot ng kasamaan at sumira ng bayan sa pamamagitan ng
nakatutunaw na mga salita.
4. Anak ng isang pinsang babae ni Padre Florentino sa Maynila si Isagani ngunit may mga
nagsasabing anak raw siya ni P. Florentino sa nabiyudang dating katipan.
5. May isang estudyanteng nangakong pakakasalan ang kanyang iniibig na dalaga, nalimutan ito ng
binata at di natupad. Ang dalagay naghintay nang mahabang panahon, at naging matandang dalaga
hanggang nabalitaan niya na ang lalaking kanyang minamahal ay isa nang Arsobispo ng Maynila.
Nagdamit-lalaki ang matanda at nakipagkita siya sa arsobispo upang tuparin nito ang pangako
ngunit Malabo nang mangyari ang kanyang hinihingi. Kaya ang arsobispo ay pinahanda nag kweba
sa may ilog para sa babae. Ang pasukan sa kuweba ay nappalamutian ng baging. Dito siya tumira
hanggang mamatay at dito na rin inilibing. Sinasabing si Doa Geronima ay napakataba kaya
patagilig kung pumasok sa kweba. Nakilala siyang engkantada dahil sa pagtatapon niya sa ilog ng
mga kasangkapang pilak matapos ang pagbibigay niya ng masaganang bangkete para sa mararangal
na tao. May nakalatag pang lambat sa ilalim ng ilog na sumasalo sa mga kasangkapan upang malinis
ang mga ito.

6. Dahil sa alamat ni San Nicolas, ay nakaligtas ang di-binyagang Intsik na tumawag kay
San Nicolas. Naging bato ang buwaya na nagpalbog sa angkang sinasakyan ng Intsik.
Sinabi pa ni Ben Zayb na nakapagtataka na ang isang Intsik na hindi binyagan ay
saklolohan ng isang santong maaring narinig lamang niya ang pangalan at hindi
pinaniniwalaan.
7. Ayon sa mga tumutugis kay Ibarra, nang malapit na siyang masukol ay tumalon at
sumisid. May mga dalawang milya na ang kanyang nalalangoy at sa minsang paglitaw ng
ulo sa tubig ay itinaguyod siya ng bala. Nawala nasiya sa kanilang paningin ngunit ang
tubig sa mga dakong iyon ay nagkulay-dugo. Siya ay isang filibustero na nagkasala laban
sa pamahalaan at sinasabing ang isang filibustero, kailanman ay di maaaring bigyan ng
maringal na libing.
8. Sila ay nagkaingin sa uko ng bayan at ditto namirmihan sa pagkakaalam na walang
nagmamay-ari ng lupang iyon.
9. Sapagkat siya lamang ay isang mangmang at walang maipangahas na lakas.
Pinaghirapan ni Kabesang Tales ang bukiring ito at namatay pa ang kanyang asawat anak
sa paglilinis nito kaya nga naman hindi niya ito maipagkakaloob sa sinumang hindi
makagawa nang higit sa kanyang ginawa. Dapat niyang bantayan ang mga pananim
sapagkat ang bawat tubo roon ay isang buto ng kanyang asawa.
10. Pumayag siyang manilbihan sa isang matanda bilang kapalit sa pagpapahiram sa
kanya ng pera sapagkat tinanggihan niya na isanla ang laket na bigay sa kanya ni Basilio
na kanyang pinakaiingat-ingatan.

11. Ang mga Guardia Civil. Sapagkat inakala ni Sisa, in ani Basilio, na ang kanyang anak
ay isang Guardia Civil nang tumakbo sila at marating ang kalagitnaan ng gubat. Doon na
namatay ang kanyang ina.
12. Siya ay nagpursigi sa kabila ng kakapusan sa lahat ng bagay. Sa pamamagitan ng
sipag at tiyaga sa kanyang pag-aaral, nang walang pagsuko, ay naging isang marangal na
doctor siya at magbabalik sa sariling bayan ng San Diego upang pakasalan si Huli.
13. Lahat sila ay makikinig sa kanya at ang kanyang mga bibigkasin ay hindi lamamng
maliliit na bagay kundi malalaking bagay na magpapatama sa mga taong dumusta sa
kanya nung araw, ang mga taong humamak at hindi pumansin sa kanya at tinuring siyang
parang hayop.
14. Ang pasko na kung saan sila ay dapat na nagsasaya ay napapalitan ng lumbay
sapagkat hindi nila nararamdaman ang tunay na diwa ng pasko. Marahil masaya sila sa
mga bagong damit sa pagdalo ng misa mayor ngunit kurot at bulyaw naman ang natatamo
kung maglilikot at madudumihan ang suot. Magkaroon man sila ng aginaldo mula sa mga
ninong at ninang at kamag-anak ay kadalasan namang kinikuha ito ng kanilang mga
magulang kaya naman walang natitira sa kanila at ang tanging bakas ng Pasko ay ang mga
kurot at bulyaw.
15. Sa kasalukuyan naman ay wala na halos aginaldong natatanggap ang mga bata at
wala na ring mga bagong damit silang natitikman dahilan na rin sa hirap ng buhay. Ni ang
pang- handa para sa noche buena ay wala na rin. Malungkot pa ri para sa mga bata.
Mapalad na lang kung mayaman o may kaya ang pamilya upang makabili ng kung anu-ano
sa araw ng Pasko.
16. Dala ng kalungkutan dahil ni ang kanyang apong babae ay hindi siya nagawang batiin
sa araw ng Pasko. Pinilit niya ring ngumiti ngunit nanginginig lamang ang kanyang bibig at
walang marinig kundi ang impit na tunog.
17. Ito ay winika ni Simoun kausap si Basilio.
18. Marahil ito ay tumutukoy sa mga taong hindi marunong dumulog sa Diyos katulad ni
Huli na anak ni Tales. Si Huli, bagamat walang ginawang kasalanan ay nakalimot sa
Panginoon kaya naman, ito marahil ang dahilan kung bakit minamalas ang kanyang
pamilya.
19. Nang makita niyang may iba nang namamahala sa kanyang bukirin- ang kanyang
bukirin na naging sanhi ng kamatayan ng kanyang asawat anak at matagpuan ang
kanyang ama na hindi na makausap, at ang kanyang anak na si Huli na naglilingkod sa
ibang tao lalo na nang malaman niya ang utos sa hukuman na iwan na niya ang kanyang
bahay sa loob ng tatlong araw.
20. Maraming mga natagpuang pag-aari ng ibat ibang tauhan si Simoun.

You might also like